CHAPTER 22: THE TRUTH

553 21 2
                                    

ALTHEA'S POV

Nang makababa na ako. Bumungad saakin ang napakalawak at medyo madilim na silid. At ang nagbibigay liwanag lang dito ay ang isang malaking salamin na kulay ginto. Umiilaw ito sa sobrang pagkakinang.

Dahil nga sa interest ko, eh nilapitan ko ito. Maganda at nakakamangha ang itsura nito. 

Napako ang tingin ko sa itaas nito dahil may salitang nakaukit na tila pag binigkas mo ito may mga lilitaw sa salamin na ito. Yun ang hindi ko alam kung ano man yon.

*Say "MiTellShi MiMeShi MiTheShi MiTruthShi"*

"Mitellshi mimeshi mitheshi mitruthshi" Bigkas ko. At ganun na nga lang ang pagkamangha ko ng biglang may ipinakitang isang lugar ang salamin.

Pinakita saakin ng gintong salamin ang lugar kung saan naroroon ang Light Kingdom at dumako ito sa hardin ng kaharian.

May tatlong nag gagandahang babae ang naroon at base sa mga mukha nila, sila ay magkakapatid. Tila pamilyar sa akin ang dalawa sa mga to. At duon na nga nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Mama Mylene ang isa sa magkakapatid. Batid kong sya ang pinakabunso sa mga ito. At sumunod naman ang Reyna ngayon ng Light Kingdom. Ngunit ang hindi ko mawari ay itong matangkad sa kanilang tatlo. Hindi ko sya kilala at nababatid kong sa awra nya na isa syang masungit at maldita sa kanilang tatlo. I think isang taon lang ang tanda nung pinakamatangkad sa kanila. Mga nasa 15 year old ang isang to at 14 naman ang dalawa.

"Josefah! Janine! Pinapatawag na tayo ni Inang Reyna!! Kailangan pa talagang tawagin kayo! Nakakainis na kayong mag kambal!"Singhal nito sa kambal nyang kapatid. Hindi na ako nagulat dahil kita ko naman sakanila. Magkahawig na magkahawig silang dalawa. Ngunit sa Height lang talaga sila nagkakatalo. Mas matangkad ng konti ang Reyna Josefah kesa kay mama maylene. Teka? Bat Maylene ang pangalan nya? Kung Janine naman ito?! Kaloka.

"Naglalaro lang naman kami Ate Josephine" Wika nilang sabay. Nakabusangot pa rin ang mukha ni Tita Josephine habang nakatingin sa mga kapatid nya.

"Wala akong pakielam! Mga dalaga na kayo! Laro pa rin ang inaatupag nyo! Imbes na pag-aralan ninyo ang galaw ng isang prinsesa, eh puro laro ang inaatupag! Nanduon sila sa hapag. At kayo nalang inaantay!" Ani nito na G na G. Grabe ka sungit naman nito!

"Sorry Ate hindi na mauulit" Malungkot na sabi ni Mama may-- este Janine. Ang isang kambal naman eh masama ang naging tingin sa kanyang ate.

Biglang naging malabo ang paligid na syang ipinagtaka ko. At maya maya pa'y malinaw na ang paligid kung saan ipinakita saakin ng gintong salamin ang mahabang lamesa na punong puno ng iba't ibang pagkain. Nakaupo silang lahat, ngunit may nadagdag sa mga ito. Bukod sa Hari at Reyna pati sa tatlong magkakapatid. Eh may isa pang maganak ang kasa kasama nila sa hapag. Nababatid kong isa rin itong Hari at Reyna. May dalawa itong batang kasama. At wait!? Sya yung Asawa ngayon ni Reyna Josefah! Si Haring Jasper. Pero sino naman kaya itong isang to??

"Mga Anak?" Biglang salita nang Hari ng Light Kingdom at nakatuon ang paningin nito sa tatlo nyang Prinsesa.

"Nais kong ipakilala sainyo ang dalawang Prinsipe ng Fire Kingdom na sina, Prince Jasper at ang bunso nitong kapatid na si Prince Justine. Isa sainyo ang mapapangasawa ni Prinsipe Jasper at magiging Hari at Reyna ng Light Kingdom." Mahabang linya ng Hari.

Kita ko kung paanong titigan ni Prinsipe Jasper si Princess Josefah na animo'y inlababo ito dito. Ngunit nasa ibaba naman ang tingin ng dalaga at mukhang naiilang sa titig ni Prinsipe Jasper.

Kung paanong tumitig si Prince Jasper sa naiilang na si Princess Josefah eh ganun din ang tingin ni Princess Josephine kay Prince Kasper. Pohtaihna! Magkakaroon pa ata ng Love Triangle dito ah!

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon