EPILOGUE

732 18 0
                                    

ALYSA'S POV

Tatlong araw na ang nakalipas magmula nung naganap ang digmaan. Pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng sistema ko na wala na ang pinakamamahal kong Bestfriend. Syempre ang labis labis na nasaktan dun si Gerald. Ay eto pala mga sis. Alam nyo ba? Sa dumating nung tatlong araw, wala syang ibang ginawa kundi ang tumulala. Hindi rin sya makausap ng maayos. At ang lagi nya lang na sinasabi ay ' Mahal kong Prinsesa. Bakit mo ako iniwan' yan ang sabi nya. Grabe lang. Awang awa ako sakanya. Atsaka hindi sya kumakain. Kahit pilitin namin ayaw nya pa rin. Pero kapag narinig ang pangalan ni Althea. Eh agad syang kumakain. Kase naniniwala daw syang hindi pa ito namamatay. Eh tatlong araw na nga ang lumipas eh. Tsaka namamaga na ang mata nito kakaiyak at kakapuyat. Nangangayayat na nga eh. Pano kase! Isang beses lang sya sa isang araw kumakain. Kalurks sya!

By the way, nandito kami sa kung saan na mawala si Althea. Nagpatubo pa nga si Joenas ng malaking puno. At ito ang magsisilbing puntod ni Althea. Kasama namin ngayon si Gerald na umiiyak. Antaray ng luha nya ah? Hindi na uubos. Kahit naman hindi ko matanggap ang pagkawala nya eh hindi ako umiyak ng ganyang katagal. Ganun talaga siguro kapag sobra sobra mong minahal yung tao. Tapos biglang mawawala sa isang iglap lang? Nako maloloka ka talaga.

Nakapalibot kami ngayon kay Gerald na umiiyak habang nakaluhod sa tapat nitong puno.

"Gerald please kumain kana. Tignan mo ang sarili mo oh? Maawa ka. Hindi yan magugustuhan ni Althea." Usal ni Kleth at awa ang makikita mo sa mata nya.

"Yun na nga eh. Gusto kong hindi nya ito magustuhan! Para bumalik sya sakin at ayusin ulit itong buhay kong sinira nya!" Sabi nya ng umiiyak.

"Nako lang. Baka siguro kaya hindi sya bumabalik kase ayaw nyang marungis kang tignan pag balik nya. Baka gusto nyang bumalik ka sa dati. Yung pogi, malaki ang katawan at maraming abs. Yung ganon ba. Baka sakaling bumalik sya" Pag papagaan ko ng loob.

Sumulyap sya sa akin ng nakangiti. Atsaka nagsalita.

"Ano bang alam mo!?" Saad nya at sinamaan ako tingin.

"Anong alam mo tungkol sa pagbalik nya!? May alam ka ba!? Diba ikaw ang pinaka Bestfriend nya!? Bakit hindi mo iparinig sakanya na gusto mong bumalik sya!? Ha!? Kase ano!? Tanggap mo na na ganun nalang mararating ng buhay nya!? Ano!? Magsalita ka!?" Bulyaw nya sakin.

Sa halip na sumagot ako. Eh tumalikod ako para punasan ang mga luhang nagsilabasan na pala.

"Isa lang naman ang gusto ko eh! Yung hikayatin nyo syang bumalik ulit---"

"Bakit!? Sige nga Gerald!? Paano mo pa mahihingkayatin na bumalik dito ang isang patay na!? Ha!? Ano!? Sumagot ka!" Bulyaw ko na ikinagulat nila. Kahit si Gerald natahimik.

"Tangihna! Sa tingin mo ba madali para sa akin na tanggapin nalang ng ganon ganon ang pagkamatay nya!? Ha! Para ipaalam ko sayo! HINDI! Hanggang ngayon! Hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala nya hayuf ka! Kaya huwag na huwag mokong tatalakan na tanggap ko na, na ganon nalang ang mararating ng buhay nya! Wala kang alam sa nararamdaman ko!" Sigaw ko sakanya. At pinunasan ang mga luhang parang isang falls sa dami ng pag agos. Hinawakan pako sa baywang ni Jeremy at niyakap ng mahigpit

"PWES! WALA KA RING ALAM SA NARARAMDAMAN KO!" Sigaw nanaman nya.

"Ano bayan!? Mga punyeta kayo! Pag nagising tong kambal sa kakabunganga nyo ukininam kayo ha! Nagising na nga ako tapos gusto nyo pa gisingin pati ang kambal!? Alam nyo ba kung gaanong katagal magpatulog ng sanggol! Ha!? Mga hangal!" Natahimik kaming lahat at nanlalaki ang mata sa tinig na aming narinig. Shiiitt! A-althea??!

ALTHEA'S POV

Nang magmulat ako, eh mukha agad nila Light Goddess ang bumungad sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Alalang tanong ni Light Goddess.

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon