CHAPTER 17: MISSION (PART 4)

506 19 0
                                    

ALTHEA'S POV

*TWEET!! TWEET!! TWEET!! TWEET!!*

*6:00am*

Nagugulat akong napabangon dahil sa lakas na huni ng ibon. Pohta kalokang mga ibon to! Ang sarap sarap pa ng tulog ko ee.

"Goodmorning! Magsikilos na kayo jan para makakain at nang makapunta na kayo sa Elementalya" Bungad samin ni mami Aleya Tsaka kami iniwanan. Hehe mami ang tawag ko pake nyo ba! Chos.

"Goodmorning Baby!" Bati sakin ni Gerald na ang ganda ganda pa ng ngiti nya

"Goodmorning Gerald" Nakangiti kong tugon. Pero ang loko sinimangutan lang ako.

"Gerald?! Hindi ba dapat baby rin ang tawag mo sakin!?" Angil nya tsaka lumapit saakin at.... Hinalikan ako sa noo!.

"Uyy umagang umaga nilalanggam na agad ako sa ka sweet-an nyong dalawa!" Panunukso ni Alysa. Kaya sinamaan ko lang sya ng tingin

"Ikaw naman Honey ang aga aga mong mainggit." Gulat kaming napatingin kay jeremy na inaalo si Alysa. Whaaha. Ang cute nilaaaa.

"Uyyy Alysaaa. Nakoo bruha ka! Sagutin mo nayang si Jeremy! Hihi" Panunukso ko sakanya. Pero ang bruha sinamaan lang din ako ng tingin.

"Bakit hindi nalang ikaw ang sumagot! Hmp! Makaligo na nga! Tabi jan!" aniya at tinabig pa si jeremy na nakaharang sa daraanan nito.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Jayel.

"Aba malay namin! Bat kami tinatanong mo! Layas nga!" Ani Joewana at tinabig din si Jayel papunta sa banyo. Lah? Pohta may mga sayad lang ang peg?

"Oh ikaw Kleth? Baka tinotopak ka din? Mag banyo kana love" wika ni Jonas. Akala namin mag iinarte din si Kleth pero agad din itong dumeretso sa banyo.

"Oh ikaw baby? Hindi ka ba mag iinarte??" Biglang sabi ni Gerald kaya binalingan ko ito na nakangiting malaki.

"Huwag mo nang hilinging mag inarte ako dahil baka magka anak na ang lahat hindi pa rin kita kakausapin" Seryosong sabi ko na ikinatigil nila.

"Oww sobra naman ata yun Althea" Si Joenas.

"Well, ganun ako mag inarte! Kaya wag nyo nang hilingin." Aniya ko at dumeretso na rin sa banyo. Kung nag tataka kayo kung bakit sabay sabay kaming mag punta sa banyo, ayun ay dahil walong banyo naman ang nasa loob nitong silid. Ang yaman nuh? Well, that's what magic's do. Mema lang yan. Char.

Pagtapos kong gawin ang morning routine ko. Lumabas nako ng kwarto dahil nasa sala na ang lahat. At ako nanaman ang inaantay. Ganda ko talaga!

"Oh ang tagal mo naman baby." Salubong sakin ni Gerald at ipinaghila ako ng upuan.

"Okay kumain na tayo. Nang masimulan nyo na ang mga pagsubok sa ginawa ko kanina lamang hihi." Sabi ni mami.

"Anong pong pagsubok iyan Ate Aleya?" Si Jeremy.

"Secret! Oh sya kumain na kayo! Tiyak na masosopresa kayo sa ginawa kong pagsubok." Ani mami.

Wala nang nag salita saamin hanggang sa matapos ang agahan.

Nag cast ng spell si mami at may biglang lumitaw na apat na gintong pinto sa tapat namin.

"Bawat pinto may pangalan ng kaharian at pangalan ninyo kung saan iyon ang lagusan papunta sa tatahakin ninyong lugar." -Mami Aleya.

Nasa may unahang pinto nakasulat ang pangalan ko. At nagulat pako dahil ako lang mag isa na papasok. Sa pangalan palang ng kaharian nila masasabi kong makapangyarihan talaga sila. Sinipat ko ang mga kasama kong nasa may tapat na ng pinto hanggang sa dumako ang tingin ko kay Gerald na nakatingin pala saakin at nakasimangot.

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon