CHAPTER 23: HEARTBROKEN??

584 20 2
                                    

ALTHEA'S POV

Ramdam kong malambot ang aking hinihigaan. Ngunit ang hindi ko alam kung paano akong napunta dito.

Nakapikit pa rin ako dahil naramdaman kong hindi ako nagiisa. At duon na nga ako napamulat ng marinig ko kung sino ang nagsalita.

"Ano bang ginawa nyong kababalaghan para makatulog ng ganyang kahaba ang kaibigan ko Gerald!?" Asik ni Alysa habang nakatingin ng deretso kay Gerald. Hindi nila alintanang nagmulat na ako dahil sa eksena ng dalawa nakatuon ang lahat. Bale naka tagilid silang lahat saakin.

"What the fuck are you saying!? Wala kaming ginagawa ni Althea, Alysa." Asik ni baby kay Alysa habang kunot na kunot ang noo nito. Nako isang giyera to pagnagkataon. Kaya bago pa magkaroon ng digmaan sa pagitan nila, eh umeksena nako.

"Pwede ba huwag kayong mag away sa harapan ko!" Singhal ko na ikinagulat nilang lahat.

Agad na tumakbo palapit sakin si Gerald atsaka ako niyakap ng maghipit.

"Baby! Im so fucking worried about you! Im so fucking! Fucking! Damn! Worried!" OA na saad nya bago kumalas sa pagkakayap at saka ako hinalikan sa noo. Bat sa noo lang author?! Pede naman sa lips! Kainis!.

"Ayos ka lang ba bes? Ano bang nangyari sayo?!" Singhal sakin ni Alysa habang nakaupo sa tabi ko. Eto namang si Gerald kung makapulupot ng braso nya sa baywang ko, kala mo naman aalis ako! Kaloka e. Bale nasa kanan ko si Gerald at sa kaliwa naman si Alysa. Habang ang iba eh nasa magkabilang gilid ng kama.

"Sorry kung hindi ko na kayo nagawang hanapin. Inantok kase ako kaya natulog ako hehehe." Pagsisinungaling ko. Pero hindi sya kumbinsido sa sagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin sakanila kung ano ang tunay na nangyari.

"Wow! Grabe yang antok mo ah?! Umabot ng isang araw ang naging tulog mo dahil sa antok lang!? Wat da pak ka bes!" Singhal nya sa mismong mukha ko. Napakapit tuloy ako sa braso ni Gerald habang nakakunot ang noo. Pohta isang araw!? Akong tulog!? Shet!

"Hey! Huwag mo nga siyang sigawan!" Asik nito kay Alysa.

"Anong sabi mo? Isang araw akong tulog!?" Takang tanong ko.

"Oo! ISANG ARAW! Ka lang namang tulog." Aniya na may pagdidiin sa sinasabi.

"Grabeng antok ko kase. Hindi ko alam na isang araw pala ako nakatulog. Kaloka. Tsaka anong oras na ba?" Tanong ko.

"Alas dose na ng tanghali! Maligo kana dahil ang baho na ng  hininga mo bes." Aniya at tinakpan pa ang kanyang ilong. Kaya ayun nahampas ko tuloy sya sa braso ng wala sa oras. Haha.

"Loka loka ka talagang babae ka! Tabi nga jan!" Asik ko at tinabig sya. Hindi agad ako nakatayo dahil humigpit ang pagkakayapos sakin ni Gerald.

"Hoy Gerald! Bitawan mo ang kaibigan ko! Paliguin mo na yan dahil nangangamoy na!" Walangyang Alysa to!.

"Kita kits nalang sa hapag Althea." Dagdag pa nya bago sila lumabas ng kwarto.

Bumaling ako kay Gerald at nahuli ko syang nakatingin saakin.

"Pwede ba?! Alisin mo yang braso mo sa baywang ko!" Asik ko. Pero ang loko mas hinapit pako sakanya.

"Eh kung ayoko? May magagawa ka ba?" Aniya at bigla akong siniil ng halik. Pero ang halik nyang iyon ay hindi nagtagal.

"Baby? Kailangan mo na nga talagang magbanyo! Hahaha. Totoo nga ang sinabi ni Alysa na----" naputol ang kanyang sinasabi dahil sa masama kong tingin na ipinakita ko sakanya.

"I Love You Baby!" Bigla nyang sabi at ngumiti pa ng pagkalaki laki.

"Tse! Baby your face!" Asik ko at dali daling pumunta sa banyo ng kwarto ko. Oo kwarto ko may angal!? Ako ang prinsesa kaya akin to. Whahha.

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon