"Hey Amanda" isang malakas na sigaw mula sa pintuan ng Cafeteria. Lumipat ang tingin namin sa lalaking pinanggalingan ngb sigaw. Si Keo, siya ang lalaking tumwag sa akin, napakunot ang noo niya dahil sa atensyong binaling naming sa kaniya.
"Hey what's up?" pambasag niya sa amin. Lumapit siya sa kinaroroonan naming, bahagya siyang nagulat sa lalaking nasa harapan ko. Anong nangyayari dito? magkakilala kayo? sunod sunod niyang tanong.
Imbis na sagutin ko siya ay isang galit na titig ang binaling ko sa lalaking nasa harapan ko. Isang mapanuyang ngisi lang ang ginanti niya sa akin ng biglang tumayo siya at umalis. "Babe wait for me" malanding sigaw ng babaeng kasama niya.
"Hayyy nakakabwiset talaga pati ba naman dito makikita ko siya Ghadd!! napakuyom nalang ako dahil sa inis.
Lumipat ang tingin ni Keo sa akin at bakas parin sa mukha niya ang pagkagulat. Amanda magkakilala kayo? tanong niya ulit.
Oh ba't ganyan ang mukha mo? para kang natatae sabi ko dito.
Hindi ko siya kilala okay? siya yung sinasabi ko sayo na nakaaway ko doon sa school at siya yung sinipa ko ang ano yung ano niyo sabay nguso sa junjun ni Keo. Agad naman nitong tinakpan ang junjun niya.
Mas lalo tuloy itong nagulat dahil sa sinabi ko at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Ano bang nangyayari sa lalakeng ito? Parang nakakita ng multo. Iniwan ko na siya doon na nakatunganga at nakabukas pa ang bunganga. Maghanap nga ako ng langaw at ipasok sa bunganga niya. Pero tinatamad ako kaya wag nalang pala.
**
Hayy! sa wakas nakauwi na rin ako kailangan ko rin palang magreview dahil may quiz daw bukas. Sobrang napagod ako ngayong araw na ito. Pumunta muna ako sa banyo para maligo bago ako magreview.
Paglabas ko sa banyo biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jao pala ang nagtext.
Fr: Jao
Ate si nanay nasa hospital kailangan na daw siyang operahan.
Bigla akong nanghina sa nabasa ko kailangan ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ni nanay. Hindi sapat ang kinikita nila sa karinderia kaya kailangan kong magdagdag ng raket para kumita ng pera ,kailangan kong kumita ng pera para makatulong din sa gastusin.
Habang nag iisip ako ng mga posibleng solusyon hindi ko maiwasang hindi maluha, inaaalala ko ang kalagayan ni nanay ngayon.Nasa malayong lugar ngayon kung kayat nag aalala ako.
**
Wala akong ganang pumasok sa school ngayon luting din sa siguro dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Halos buong maghapon akong luting hindi rin ako sigurado kung tama ba ang mga sagot sa quiz namin kanina. Ang nasa isip ko nalang ngayon kailangan kong maghanap ng trabaho, kailangan kong kumita ng pera.
Pauwi na ako ng bigla akong tawagin ni Keo.
"Amanda"! sigaw nito.
walang ganang liningon ko ito.
Oh anyare sa mukha mo? tanong nito.
Hindi ko siya sinagot at nakatitig lang ako sa kanya at walang emosyon ang aking mukha.
Naiiyak na talaga ako pero ayaw kong ipakita sa kanya dahil ang akala nila isa akong matapang at matatag kaya kahit anong mangyari kailangan kong maging matatag .
Anong problema Amanda? nag aalalang tanong ni Keo sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil nagbabadya na naming tumulo ang luha ko.
Wala ayos lang ako. pilit na ngiting sabi ko.
Isang tipid na ngiti lang din ang ginanti sakin ni Keo sabay tapik sa balikat ko.
Sa totoo lang gumagaan ang loob ko dahil may kaibigan akong tulad ni Keo.Akalain mo mayaman, gwapo, habulin ng mga babae pero hindi siya kagaya ng iba. Humble siya mapagkumbaba, mabait medyo may topak nga lang minsan ang isip nito pero ayos lang magkasundo naman kami.
Bigla niya akong inakbayan.
Hoy anong ginagawa mo? mamaya may makakita baka akalain nila syota mo ako. sigaw ko sa kanya.
at agad ko naman itong inalis ang pagkaka akbay niya sa akin dahil baka mamaya may makakita pa sa amin at baka kung anong sabihin maissue pa kami.
Eh ano naman ngayon? ngising sabi nito sa akin.
Sinuntok ko siya sa sikmura pero mahina lang naman. Delikado na baga mapuruhan ko.
Arayy ko naman Amanda. daing nito Hindi ka naman mabiro eh dagdag pa nito.
Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin kaya umayos ka. banta ko ditto.
Ikaw talaga Amanda napaka Amazona mo bagay talaga yang pangalan mo sayo , nagbibiro lang naman ako eh ngisi ngising sabi nito.
Bigla niya ulit akong inakbayan at kinaladkad papunta sa parking lot.
Hoy! saan mo ako dadalhin. angal ko ditto.
Wag ka nang umangal libre ko naman eh. sabay kindat sa akin.
Abat......
A/N:
after so many years hahaha Chour! nakapag update na rin dahil naalala ko matagal ko na palang naisulat ito.
Next Update: September 16, 2019.
Don't forget to Vote and leave a Comment :)
BINABASA MO ANG
The Jerk Meets the Feisty
AksiyonUubra kaya ang pagiging Jerk mo pag nameet mo ang isang Feisty lady?