Chapter 1

39 0 0
                                    

"Kailangan ba talaga 'yon?" kunot-noong tanong ni Merimee sa kanyang kausap. "I mean, akala ko sa mga movies at teleserye lang nangyayari ang mga ganyang ka-echosan. Sa real life rin pala?"


"Oo, ganyan talaga ang mga mayayaman, bessang!" tugon ng matalik niyang kaibigan na si Joyce.

Kasalukuyan silang kumakain noon sa isang fast food chain na 'di kalayuan sa pinapasukan nilang department store. Kapwa sila mga sales clerk at magda-dalawang taon na rin silang nagta-trabaho doon.

"Pero... sigurado ka ba talaga riyan, bessang? Baka naman D.O.M 'yan ha, mapapasubo ako," paninigurado niya.

"Pinsan daw 'yon ng tropa ni Carlo," ang nobyo nito ang tinutukoy nito. "At mayaman daw talaga!"

"Ano naman ngayon?"

"Ano naman ngayon?" Joyce rolled her eyes. "Siyempre, sigurado ang bayad sa 'yo, at siyempre, kikita ka, gagang 'to!"

"Hindi, I mean..." sabay napabuntong-hininga siya. "Bakit ba kasi ako ang ipinain n'yo riyan? Hindi pa naman ako gano'n ka-desperada para pumatol sa fake show ah," katwiran niya.

"Ang dami mong arte, kaloka ka," kumibot ang nguso ni Joyce. "Eh sino ba ang nangangailangan ng pera para sa tuition ng kapatid niya sa college? At sino ba ang gustong makaipon ng malaki para makapag-aral uli? 'Di ba, parang ikaw 'yon?" nang-aasar na tugon nito 'pagdaka.

"So, dahil matindi ang pangangailangan ko, ako ang ipinain n'yo ni Carlo? Pag-umpugin ko kaya kayo ng boyfriend mo?"

Humagik-ik ng tawa si Joyce.

"Pumayag ka na kasi. Harmless naman daw 'yon, sabi ni Carlo. Nakilala na niya 'yon sa pool party minsan. Bachelor pa raw talaga at ayaw pa nga raw mag-asawa," paliwanag pa nito.

"Bakit ayaw pa? Baka babaero."

Nagkibit-balikat ito.

"Basta ang sabi ni Carlo, sobrang istrikto raw talaga lalo sa mga tauhan sa business nito. Saka bonus na rin daw ang pagiging gwapo," kinikilig pang dagdag nito.

"Gwapo? Sigurado ka?"

"Teka, pinasa ni Carlo sa messenger ko ang picture nila eh. Hahanapin ko," sabay dinukot nito sa dalang shoulder bag ang cellphone at ilang pindot-pindot pa ay iniharap sa kanya ang isang larawan ng tatlong lalaki. Ang isa ay nakilala niyang si Carlo. Ang dalawa pang kasama nito ay 'di niya kilala. "Itong nasa right side raw ang lalaking sinasabi niya. Titigan mong mabuti."

Sinunod naman niya ang sinabi nito. Pinagmasdan ang mukha ng lalaki kahit hindi masyadong malinaw ang kuha. Ngunit sa isang tingin ay halatang mestisuhin ito. Maputi. Ngunit mukhang masungit dahil seryoso ito sa litrato.

"Okay naman ang hitsura niya, in fairness," aniya.

"Okay lang? Gwapo naman ah!"

"Gusto kong makita siya sa personal para masiguro kong gwapo nga siya," katwiran niya.

"Ang arte. Pera ang usapan diyan, bessang. Hindi mukha niya."

"Alam ko," natatawang tugon niya. Hindi man niya aminin sa sarili ay tila nae-excited na rin siyang makilala ang lalaking 'yon. At batid niyang malaki ang maitutulong ng offer niyon sa kanya at sa pamilya niya.

"So ano, sasabihin ko na ba kay Carlo na okay na? Para ma-set na nila kung kailan kayo magkikita at makakapag-usap tungkol sa offer," wika ni Joyce. Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumango siya at inihanda ang sarili sa maaaring mangyari sa sandaling magkasundo sila ng lalaking 'yon sa presyo at sa duration ng kanilang magiging deal.

Kung hindi nga lang sana siya kinakapos sa kita niya sa department store na pinapasukan, hindi niya susunggaban ang alok na 'yon ni Joyce at Carlo. At dahil may tiwala naman siya sa dalawang 'yon, batid niyang hindi naman siya mapapahamak sa sandaling patulan nga niya ang offer. Batid niyang may ilalatag na kasunduan ang lalaking 'yon at sana ay magkaintindihan sila para 'di na ito kumuha ng iba pa.

May maipagmamalaki rin naman siya dito kahit pa'no. Nang magsabog ang Diyos ang kagandahan ay tila nasalo na niyang lahat. Maganda ang kanyang aura at balingkinitan ang katawan. Masasabi pa ngang artistahin ang hitsura niya dahil likas siyang maganda at makinis. Hindi na niya kailangan pang gumastos ng mga pampaputi o pampaganda dahil nga natural na 'yon sa kanya. Tama lang din ang kanyang taas.
r
Today's the day na naka-marked sa kalendaryo ni Merimee na magkikita sila ni Mr. Ballesteros. May kaunting kaba siyang nadarama dahil ngayon lang sa buong buhay niya na makikipag-date siya sa isang lalaki na first time pa lang niyang mami-meet at dahil lang din may isang mahalagang bagay silang dapat pag-usapan na involved ang pera.

Kung 'di lang talaga matindi ang kanyang pangangailangan, hindi talaga niya papatusin ang ganitong uri ng deal. Matino siyang babae at alam niya sa sarili na kung may iba pang paraan ay hinding-hindi siya papasok sa ganitong sitwasyon. Iniisip rin kasi niya ang maaaring maging impression ni Mr. Ballesteros sa kanya, kung anong klaseng babae ba siya at nasilaw siya sa pera. Ngunit ano pa nga ba ang dapat na asahan niya? Kailangan niyang tanggapin anoman ang maging pagtingin nito sa kanya. After all, ito ang magiging "boss" niya, at the same time ay magiging huwad na nobyo.

"Hi," anang baritonong boses na pumukaw sa kanyang atensiyon. Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang taong hinihintay niya. Bahagya pa siyang nagulat dahil ibang-iba ang hitsura nito sa larawan kaysa sa personal. "Sorry if I keep you waiting," ang sabi pa at humila ng upuan sa harapan niya at naupo.

"No, no, it's okay. Hindi pa naman ako natatagalan dito," wika niya.

"Gusto mo bang kumain muna bago natin pag-usapan ang..." sinadya nitong hindi ituloy ang sasabihin dahil batid nitong alam na niya ang ibig nitong sabihin.

"Sure, no problem," nakangiting tugon niya.

Tumawag ito ng waiter at hiningi ang menu. Um-order ito ng light meal para sa kanilang dalawa.

"So... My cousin told me that you are Carlo's friend. I am Raegan Ballesteros by the way," pagpapakilala nito at inilahad ang kamay.

Tinanggap naman niya 'yon.

"Cheryl Arnaiz. Call me Cheryl..." aniya.

Bahagya itong tumawa.

"Iyan ba ang binigay nilang pangalan sa 'yo? 'Yong totoo?" ang sabi pa.

Napabuntong-hininga siya. "Okay. I'm Merimee Dueñas. Twenty five na 'ko. Pero sabi nila, sabihin ko raw na thirty na 'ko," aniya.

"That's right. Kasi thirty five na 'ko."

Tumango-tango siya. Sampung taon pala ang tanda nito sa kanya, yet, wala sa hitsura nito na nasa mid-thirties na ito. Mukha lang din naman kasi itong nasa twenty plus lang. Sabagay, ganyan naman ang mayayaman. Parang 'di tumatanda. Malay rin ba niya kung produkto ng Salamat Doc ang pagiging mukhang bata nito. Marami itong pera kaya hindi imposible na magpa-face lift ito.

"Wala sa hitsura mo," nahihiya niyang wika.

"I'll take that as a compliment. Proper diet lang, then gym visit every now and then, saka iwas stress at bisyo," paliwanag nito na tila nabasa ang nasa isip niya. "Hindi kailangan mahal ang magpaganda ng katawan. Self-discipline lang at huwag abusado sa katawan, 'yan ang main secret ko to achieve a healthy lifestyle. Ikaw, anong ginagawa mo to maintain your aura?"

Bigla siyang natamilmil. Hindi siya naging handa sa tanong nito. Wala rin naman kasi siyang alam na ginagawa niya para ma-maintain ang hitsura niya. Hindi yata niya naisama sa kanyang daily routine ang tungkol sa healthy lifestyle. Ang alam lang kasi niya ay bumangon sa umaga, gumayak patungo sa trabaho at matulog kapag exhausted na siya.

"W-Wala naman..." naisagot niya. "Parang sa sobrang busy ng buhay ko, wala na 'kong time para sa ganyan."

Ito naman ang tumango-tango sa sinabi niya. "Alam mo, mukhang magkakasundo tayo. I like your attitude. Nakikita kong honest kang tao, at 'yon ay mahalaga sa 'kin, lalo na kung makaka-trabaho mo 'ko sa deal na 'to," pahayag nito.

Dumating na ang kanilang order na pagkain at isinantabi na muna nila ang tungkol sa pag-uusap nila. Nahihiya siyang tingnan ito ngunit 'di niya mapigilan ang sarili na 'di ito sulyapan. Nahahawig ito sa artistang si Albert Martinez. Naiisip tuloy niya na siya si Beauty Gonzales nang mga sandaling 'yon.

Moment of truth na nang matapos ang kanilang lunch. May kaba pa rin sa dibdib niya nang mga sandaling 'yon. Lalo nang ilatag na nito ang mga kondisyon sa kanilang magiging set-up.

"You will act as my girlfriend, as what you are told," anito at may iniabot na folder sa kanya. 

LOVE FOOLWhere stories live. Discover now