Pinili ni Merimee ang pinakamaganda, pinaka-elegante at pinaka-seksi niyang formal dress para sa dinner na 'yon. Isang red dress na above the knee na asymmetrical ang tabas sa manggas at ang kalahati ay spaghetti strap naman. Ipinares niya ang wedge sandals na kulay pula rin. Nag-apply siya ng manipis na make-up at nagwisik ng cologne na vanilla scent.
Napakaganda at napaka-seksi niya sa kanyang suot nang gabing 'yon. Hindi maikakaila na namangha rin si Raegan nang makita siya.
"You looked gorgeous. Baka maligawan ka sa dinner, " may himig pagbibiro pang wika nito.
Pakiramdam niya ay namula ang kanyang mga pisngi sa papuri nito. Gumanti siya ng matamis na ngiti bilang tugon dito.
"Sana maging okay ang first meeting namin ng mama mo," kinakabahang wika niya.
"You'll be fine. Basta't gawin mo lang ang mga sinabi ko sa 'yo, wala tayong magiging problema," bilin pa ni Raegan nang buksan nito ang pinto ng kotse para sa kanya.
Malamig ang aircon sa loob ng sasakyan nito ngunit pakiramdam niya at nag-iinit ang kanyang mukha dahil sa mga titig nito sa kanya.
"Missy mentioned someone in the name of Crystal..." maya'y wika niya.
Nagkibit-balikat lang ito at ini-start na ang kotse.
"Tell me about her," aniya.
"There's nothing interesting about her. And I don't like her," ang walang emosyong saad nito na nakatuon ang atensiyon sa minamanehong sasakyan. "Besides, mas maganda ka sa kanya," sinulyapan pa siya nito.
"Then why did Missy asked me to be cautious with her?" nagtatakang tanong niya.
"Because she thinks she's superior. Ayaw niyang may makalalamang sa kanya. And Missy thought, sa ganda pa lang ay lamang ka na," nakatawang tugon nito.
Napabuntong-hininga siya. Hindi pa man niya nakakaharap ang Crystal na 'yon ay tila gusto na niyang iwasan ito. Hindi siya sanay sa gulo at ayaw rin niyang makipag-away sa ganitong sitwasyon.
Ngunit ika nga, anomang nakatakdang mangyari ay mahirap iwasan. Nang makarating sila sa mansion nina Raegan kung saan ginaganap ang dinner, bumalik ang kabog sa dibdib ni Merimee. Tila nais niyang umatras. Subalit kabilang ito sa napagkasunduan nila ni Raegan, sa mga ganitong pagkakataon mas kailangan siya nito upang ipangalandakan sa mga kakilala nito na siya ay nobya nito.
"Inhale, exhale... kaya mo 'yan Merimee..." bulong niya sa sarili bago pa man umibis ng kotse ni Raegan.
Agad sinalubong ng mga kakilala si Raegan at mabilis itong nawala sa kanyang paningin. Halos malula siya sa laki ng bulwagan at sa dami ng tao. Lahat naman ay ngumingiti sa kanya, at so far, wala pa siyang ibang nararamdaman maliban sa kaba.
"Heart, come, join us," narinig niyang tawag ni Raegan sa kanya.
Napalunok siya nang makita ang isang babaeng may edad na sa tabi nito. Marahil ay mama nito 'yon. Nakangiti naman iyon sa kanya. At kapansin-pansin ang isa pang babaeng nasa gawing kanan niyon na tila sinusuri siya ng tingin.
"Mama, meet my girlfriend Cheryl. Cheryl, meet my mama," pakilala ni Raegan sa kanila.
Agad siyang humalik sa pisngi ng ina nito.
"It's a pleasure meeting you, hija," wika ni Mrs. Dynna Ballesteros sa kanya.
"No, the pleasure is mine, ma'am," ganti naman niya.
"Masaya ako na finally, may babae rin na naibigan ang anak ko. Do I hear wedding bells, hijo?" Sabay baling nito kay Raegan.
Inakbayan naman agad siya nito. Bahagya siyang nailang. Ngunit batid niyang umpisa na ng kanilang palabas kaya dapat ay makiayon siya sa agos.
"Darating din tayo diyan, 'ma. For the meantime, let's enjoy the night," ani Raegan at hinagkan pa ang ina sa pisngi.
"Sige, maiwan ko muna kayo at haharap muna ako sa 'king mga amiga," paalam ni Mrs. Ballesteros sa kanila.
Napahigpit ang kapit niya sa bewang ni Raegan nang isang babae ang lumapit sa kanila at halikan ang lalaki sa labi.
"I'm quite surprised that you have a girlfriend in an instant," anang babae na hindi inaalis ang pagkakatingin sa kanya, mula ulo hanggang paa.
"Hello, Crystal," narinig niyang bati ni Raegan dito. "Isn't it more surprising if I don't have a girlfriend?"
"Sa'n mo naman napulot ang babaeng 'yan?" walang gatol na wika nito.
"Watch your words, lady," ani Raegan. "Hindi ko siya napulot kung saan, kaya 'wag kang masyadong ma-insecure sa kagandahan niya," sarkastikong dagdag pa nito.
"You know me, Raegan... I don't stop at nothing. You just made it more exciting by presenting a dummy here," nang-uuyam na wika pa ni Crystal.
"Excuse me?" umarko ang kilay niya sa sinabi nito. Gusto niya itong sabunutan kanina pa dahil sa pinapakita nitong kaartehan. "Did you say dummy?"
"Oh, yes! Exactly," ang sabi pa, sabay ngiti sa kanya.
"Well, this dummy you're talking to is going to be Mrs. Raegan Ballesteros soon," ganti naman niya dito.
"Dream on. That's not gonna happen," nakaismid na wika nito.
Pumagitna na si Raegan sa kanila. Hinapit siya nito sa bewang at hinarap kay Crystal.
"I'm sorry to interrupt this silly conversation, but I want to have this dance with my girl. Excuse us," nakangiti pa nitong paalam at iginiya na siya sa dance floor upang isayaw sa saliw ng malamyos na musika.
"Thanks for saving my ass," mahina niyang bulong dito.
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang bewang.
"Anything for my lady," nakakalokong ngumiti ito at hinagkan pa siya sa ilong. Bahagya naman siyang kinilig sa ginawa nito lalo pa nang mahagip ng kanyang paningin ang galit na galit na si Crystal na titig na titig sa kanila.
"Mukhang matindi ang tama ng babaeng 'yon sa 'yo ah," tudyo niya dito. "Parang lalamunin na tayo nang buhay eh."
"Hayaan mo siyang umusok ang ilong sa selos at inggit," bulong nito sa kanya. 'Di man niya aminin, may kakaibang kiliting dulot ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga. Pakiramdam niya ay may maliliit na boltahe ng kuryente na nagsisimulang lumatay sa kanyang katawan lalo pa't magkadikit na magkadikit sila nito. Tila sila magkayapos na suman.
"Can't you see
This is all a big mistake
I should try to walk away
But I need someone to hold me
And I know
There's no way that this could last
Still I know that if you asked me to
I know I would stay tonight"
Ninanamnam niya ang lyrics ng kanta nang mga sandaling 'yon na animo'y tumatagos sa kanyang puso dahil sa kanilang sitwasyon. Tila bumagay ang kantang 'yon sa kanyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon.
Yumakap siya nang husto kay Raegan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama habang nakakulong sa mga bisig nito. Tila nais niyang hilingin na huwag nang matapos ang awitin upang 'di na sila maghiwalay nito.
"Sa tingin mo ba, napaniwala natin sila sa drama natin?" mahina niyang tanong dito.
"Mukha namang kumbinsido sila," anito.
"Maliban kay Crystal," saad niya.
"Don't mind her," wika nito.
"Pa'no kung maging balakid siya sa mga plano natin?"
Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Hindi natin hahayaan na sirain niya ang palabas natin. Tayo ang bida sa pelikulang ginagawa natin, at kung siya man ang magiging villain, ako naman ang magiging hero para pigilan siya sa masama niyang balak para magkaroon tayo ng magandang ending," pahayag nito.
"Pelikula na may bayad ang actress," biro niya.
"Kung kasing-ganda at kasing-husay mo naman ang heroine, willing akong magbayad nang magbayad para mapaganda ang palabas," anito.
Gusto niyang kiligin sa mga sinasabi nito. Ngunit batid niyang balatkayo lamang ang lahat dahil kailangan nilang magmukhang inlove sa isa't isa upang mapaniwala ang lahat na may minamahal na nga ito, at malapit na itong ikasal.
Ngunit sa tingin niya, hindi ang ina nito ang magiging balakid sa kanilang dalawa kundi ang kontrabidang si Crystal na ngayon pa lamang ay nararamdaman na niyang may kakaibang kinikilos. Kanina pa niua nakikita na may kausap ito sa cellphone habang nakatingin sa kanila.
"I want you to investigate about a certain Cheryl Arnaiz, and I want a result asap," wika ni Crystal sa kausap nito sa kabilang linya habang nakatitig kay Raegan at sa babaeng kayakap nito. "Nobody messes with me. And nobody says no to me. Akin ka lang, Raegan Ballesteros! At kahit sino pang babae ang ipakilala mo sa mama mo, hindi ka magtatagumpay. I will show you what I am capable of. Don't underestimate me, dahil kaya kong sirain anoman ang namamagitan sa inyo ng babaeng 'yan!" wika nito sa sarili.
Nakangiti si Merimee nang lisanin nila ni Raegan ang mansion. Inihatid siya nito sa condo unit niya.
"I really had a great time with you," aniya nang nasa tapat na sila ng pinto.
"Me too. And, thank you for being the most beautiful girl tonight," nakangiti nitong saad at marahang inilapit ang mukha sa kanya. "Can I kiss you goodnight?"
Hindi na siya sumagot. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya.
Marahan siya nitong hinagkan. Nais niyang magtagal pa sana ang pagkakalapat ng kanilang mga labi, ngunit natatakot rin siyang matangay sa mapanuksong halik ni Raegan, lalo nang unti-unting naging maalab ang ginagawa nitong pagsakop sa kanyang labi, na animo'y nais higupin ang kanyang lakas.
Napadilat siya at tila nagising sa nangyayari. Marahan niya itong itinulak sa dibdib. Tila naman ito natauhan.
"G-Goodnight," nakangiting wika nito pagdaka.
"Goodnight," tugon niya at sabay napayuko.
Dumiretso na si Raegan sa elevator at kumaway pa sa kanya bago tuluyang sumakay doon.
Saka lamang siya nakahinga nang maluwag at nagmamadaling pumasok sa loob ng kanyang unit. Kinikilig siyang hinaplos ang kanyang labi na kanina ay kahinang ang labi ni Raegan.
YOU ARE READING
LOVE FOOL
RomanceFake name. Fake age. Fake address. Merimee Dueñas faked it all alang-alang sa fake love na kailangan niyang panindigan para lang mapag-aral sa kolehiyo ang kanyang kapatid at ipamukha sa mga tsimosa nilang kapitbahay na nakabingwit siya ng mayamang...