Chapter 10 (Finale)

18 0 0
                                    

Mabigat ang kalooban ni Merimee sa ginawa niyang pagtataboy kay Raegan. Hindi rin siya mapanatag dahil sa ginawa niya. Hindi niya mapigilan ang 'di lumuha dahil sa katangahan niya. Kung bakit nga ba kasi laging nasa huli ang pagsisisi.

"Ano ba'ng gagawin ko, bessang? Mali ba na inaway ko siya?" naguguluhang tanong niya kay Joyce habang kausap ito sa cellphone.

"Mali talaga. Umamin na nga sa 'yo 'yong tao na mahal ka. Alam mo bang nagpumilit siyang hingin ang address mo sa 'kin diyan para lang humingi ng tawad at para umamin sa 'yo ng tunay niyang nararamdaman," may panghihinayang na pahayag nito.

"Naguluhan kasi ako bigla. Nanaig ang pride ko..."

"Walang ibang may kasalanan niyan kundi ikaw. Hinanap ka na, pinakawalan mo pa. Hindi ko nga alam kung sobrang pagpapakipot ang ginawa mo o sobrang kaartehan. Ikaw na naman ang nawalan ngayon," may bahid pa ng paninisi na wika nito. "Kapag 'yon bumalik kay Crystal, lalo kang magsisisi."

"Naku, huwag naman sana!" bulalas niya. "Ano ba'ng dapat kong gawin, bessang? Alam mo ba kung sa'n siya natuloy dito sa Singapore? Pupuntahan ko siya para magkausap uli kami," desperadong wika niya dito. "Sige na, alamin mo kung na kung nasa'n siya," pakiusap niya.

"Sandali lang bessang, may incoming call ako mula kay Raegan. Iho-hold muna kita sandali," anito at nawala saglit sa linya.

May ilang minuto rin siyang naghintay sa pagbabalik nito at gano'n na lang ang pagkagulat niya sa sinabi nito.

"Bessang? Hello?"

"Andito pa 'ko. Ano sabi niya?" may kasabikang usisa niya dito.

"Umalis ka na diyan ngayon din, at sundan mo siya sa Changi Airport! Bilisan mo!" anito.

"Ha? Paalis na agad siya?" gulat niyang bulalas.

"Kaya nga bilisan mo, pigilan mo siya!" utos nito.

Tila naman siya manikang de susi na tumalima sa sinabi nito. Mabilis pa sa alas-kuwatro na lumabas siya at nag-abang ng taxi. Pinalad naman siyang may dumaan agad sa tapat niya at nakasakay siya.

"To Changi Airport, uncle," sabi niya sa driver. "Terminal 2."

Kinakabahan siya at nilalamig sa loob ng sasakyan. Dinadalangin niya na abutan pa niya si Raegan. Abot-abot rin ang panalangin niya na hindi sila ma-traffic sa daan upang makarating agad sila sa airport.

Ngunit hindi dininig ang kanyang panalangin. Mag-iisang oras na siya sa loob ng taxi ngunit malayo pa sila sa pupuntahan nila.

Lalo siyang nakadama ng lungkot nang marinig ang awiting pumailanlang sa loob ng sasakyan.

"Lately I see clouds of sorrow in your eyes
Some deep sadness you can never quite disguise
Now I'm scared to ask what it's leading to
But I'm more afraid of not asking you

Is there something that you want to tell me
Is there something that I ought to know
Are we something that's still worth fighting for
Or should I simply let you go
Is there something I can do to reach you
Are we something more than history
I'll find some way to convince you to stay
If you just tell me honestly
Is there something left of you and me"

Halos tumagos sa puso niya ang lyrics ng kantang "Is There Something" ni Christopher Cross. Tila pinapaalala niyon ang k'wento ng pag-ibig nila ni Raegan.

"You've got secrets you've been keeping for too long
And I'm going crazy acting like there's nothing wrong
I can taste the truth every time we kiss
And I can't go on
At least not like this

I don't want to lose you
But what's the use of holding on
I don't really have you
If the feeling's gone

Is there something I can do to reach you
Are we something more than history
If there's no way to convince you to stay
And be the way we used to be
Then there's something that I want to tell you
And I want you to believe it's true
We had something that I'll never forget
Even if I wanted to
'Cause part of me will always be with you"

Tuluyan na siyang napaiyak. Hindi lang dahil sa realization ng kantang napakinggan niya kundi dahil sa katotohanang anomang oras ay maaaring maglaho lahat ng pangarap niya dahil lang sa pride na pinairal niya. Paano nga ba kung hindi na niya maabutan si Raegan sa airport? Ano na ang gagawin niya?

Maluha-luha siya nang sa wakas ay makarating din sila sa airport. Subalit dahil wala naman siyang plane ticket at passport ay hanggang sa check-in area lang siya nakapasok. Hinagilap ng hilam niyang mata sa luha si Raegan. Subalit dahil marami ang tao, lalo na ang mga nasa immigration na, lalo siyang napaiyak nang maisip na nakapasok na ito sa loob at hindi na niya ito naabutan.

Tila siya pinagsakluban ng langit at lupa. Wala siyang dapat sisihin ngayon kundi ang sarili niya. Nagsusumamo na nga kasi, humihingi ng tawad, ngunit nagawa pa rin niyang magmalaki rito at ipagtabuyan ito sa harap ng maraming tao.

Tuluyan nang bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Bakit nga ba siya pinahihirapan nang ganito? Bakit nga ba kailangang kapwa pa sila masaktan ni Raegan para mapagtanto nilang mahal nila ang isa't isa?

Pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. Napaupo siya sa waiting area at doon napahagulgol nang iyak.

Pinalampas niya ang pagkakataon na makasama muling ang taong mahal niya. Pinalampas niya ang pagkakataon na tanggapin ang pag-ibig na alay nito sa kanya. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na maisiwalat ang lahat ng nilalaman ng puso nito. Nabulag siya ng galit na kinikimkim niya. At ngayon ay tila wala na siyang magagawa pa kundi ang pagsisihan na naman ang kagagahan niya.

Hindi sana siya nagpadalos-dalos. Hindi sana siya nagpadaig sa pride na lumukob sa kanya nang mga oras na humihingi ito ng tawad. Ang nais lang naman niya ay suyuin siya nito hanggang lumambot at sumuko siya. Ngunit nagkamali rin siya nang bigla niya itong iwan sa ere gayong ang puso niya ay tumututol na lumisan doon, tumututol sa pagmamatigas niya. Nagpadaig siya sa traydor niyang damdamin na hindi na naman siya dinamayan sa oras na gipit na gipit siya at walang masusulingan. Marupok siya at batid niya 'yon. Subalit bakit nagawa niyang ipagtabuyan si Raegan gayong nagmamakaawa na ito sa kanya?

Ngayon, pa'no na nga ba siya? Tahimik naman na sana ang mundo niya rito, kung hindi lang ito nagpakita sa kanya at niligalig siya.

"Heart," anang mahina ngunit baritonong tinig.

Natigilan siya at agad nag-angat ng mukha upang makita ang pinagmulan ng boses.

Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon si Raegan. Buong akala niya ay nakaalis na ito.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito.

"Nagtanong ka pa!" Bigla siyang yumakap dito at sumubsob sa dibdib nito. "Ang daya-daya mo..."

Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok.

"I'm really sorry... akala ko hindi mo na talaga ako mapapatawad. Akala ko, matitiis mo talaga ako," anito. "Sinabi sa akin ni Joyce na papunta ka na dito kaya hindi na 'ko tumuloy... I cancelled my flight dahil ayokong umalis na 'di tayo nagkakaayos, heart."

Wala siyang pagsidlan ng tuwa nang mga sandaling 'yon. Humigpit pa ang yakap niya dito.

"Hindi mo lang alam kung ga'no ako kasaya ngayon... kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to, na mayakap kang muli," mahinang wika niya. "Patawarin mo rin ako kung hindi kita pinakinggan sa pagsusumamo mo."

"Naiintindihan kita, at laging iintindihin..."

"Maraming salamat, heart."

"No, maraming salamat sa 'yo... Dahil mula nang makilala kita, binago mo ang buhay ko. Binago mo ang mga paniniwala ko. Noon, akala ko hindi ko na kayang magmahal at magtiwalang muli. Ngunit nang ipagkaloob mo ang 'yong sarili sa 'kin nang walang pag-aalinlangan, nabatid kong napaka-palad ko dahil sa 'yo. Dahil ipinagkatiwala mo na sa 'kin ang lahat, kahit walang kasiguruhan," pahayag nito.

"Marami rin akong natutuhan sa 'yo, Raegan... natuto akong magtiis. Natuto akong maging matatag. Higit sa lahat, natuto akong magtiwala na hindi lahat ng pangit na simula ay walang magandang wakas."

Masuyo siyang hinagkan nito sa labi.

"Isang pagpapala ang magmahal... hayaan mong sakupin ka nito," anito 'pagdaka. "At isa ka sa mga biyayang ipinagkaloob sa akin, at pangako, iingatan ko ang pagmamahal na ibinigay mo," dagdag pa nito.

Ngumiti siya at muling yumakap dito. Wala na siyang mahihiling pa nang mga oras na 'yon. Walang kasing sarap ang makulong sa bisig ng taong minamahal mo. 

LOVE FOOLWhere stories live. Discover now