Batid niya sa sarili na hindi pa ito ang tamang panahon para maisiwalat ang kanilang palabas ni Raegan. At hindi ang isang tulad ni Crystal ang magpapabagsak sa kanilang dalawa. Kaya naman sinikap niyang huwag ipahalata rito na kinakabahan siya at buong tapang na hinarap niya ito upang matahimik ito.
"I have no time for your bullshit, Crystal. Get out of my way or I'll drag you on the way outside this hotel," nakangiti niyang wika dito.
"Who are you fooling, ha? I wasn't born yesterday. Kung si Raegan ay nagawa mong mauto para bayaran ka, p'wes ang mama niya ay hindi mo maloloko! Wait 'til Tita Dynna finds out the truth," banta pa nito.
"Crystal darling, you're imagining things!" aniya at bahagya pang hinaplos ang pisngi nito. "Wake up. Kahit kailan ay hindi ka magugustuhan ni Raegan. Kahit mawala man ako sa buhay niya, hindi ikaw ang huling babaeng mamahalin niya," nakangiti pa niyang dagdag.
"How dare you!" galit na bulalas nito at hinablot siya sa braso. "Kilala ko ang mga uri mo. Wala kang pinagkaiba sa linta na naninipsip ng dugo!"
"Really? Eh ikaw? Wala kang pinagkaiba sa basura. Itinatapon na, bumabalik pa!"
Akmang sasampalin na siya ni Crystal nang biglang dumating si Raegan at pigilan ito.
"Don't you dare try to hurt her," tiim ang bagang na wika ni Raegan habang mariing hawak ang braso ni Crystal.
Gulat na binawi nito ang kamay sa lalaki. "Akala n'yo ba hindi ko malalaman ang mga ginagawa n'yong kalokohan? Huwag kang magpaka-tanga Raegan! Tigilan mo na ang pagpapagamit sa babaeng 'yan!"
"Shut up. Just shut up..." wika ni Raegan. "You have no idea what you're saying, Crystal."
"Isusumbong kita kay Tita Dynna!"
"Go ahead."
Inis na iniwan sila nito baon ang pagbabanta. Nang mawala na ito sa kanilang paningin, saka lang siya nakahinga nang maluwag at napayakap siya nang mahigpit kay Raegan.
"Salamat at dumating ka... Paano niya nalaman ang lahat?" mahinang tanong niya.
"Well, she have resources, I guess. But don't worry about it, kaya kong ipaliwanag kay mama ang tungkol dito. Ako ang bahala," pagbibigay reassurance nito sa kanya.
"Happy birthday, my heart..." bulong niya dito 'pagdaka at hinagkan ito sa pisngi. Ngunit tila 'di ito nasiyahan sa ginawa niya. Sinakop nito ang kanyang labing nag-aanyaya.
Pakiramdam niya, mahal na siya nito. Ngunit hindi pa rin siya p'wedeng umasa sa mga gestures lang nito dahil baka nami-misinterpret lang niya ang mga ginagawa nito. Maaaring bahagi lang 'yon ng kanilang palabas kaya hindi niya dapat bigyan 'yon ng ibang kahulugan.
Isinantabi na muna niya ang alalahanin tungkol sa banta ni Crystal. Bahala na si Raegan kung sakaling magkabukingan. At kung matatapos na ang kanilang pagpapanggap, matatapos na rin ang paghihirap ng puso niya at malamang ay malimutan na rin niya ang damdamin para sa lalaki.
She tried to blend in and enjoy the rest of the night alang-alang sa kaarawan ni Raegan. Nilunod niya ang sarili sa matamis na alak. Kung ito na ang huling pagkakataon na makakasama niya ito, hiling niyang sana'y hindi na matapos pa ang gabing ito.
"Marami ka na yatang nainom, heart," narinig niyang bulong ni Raegan nang lapitan siya nito. Kasalamuha niya ang iba pang mga kababaihan roon na bisita nito.
"I'm fine, heart. Kaya ko pa ang sarili ko," nakangiti niyang tugon.
"Sige, sinabi mo 'yan. Babalikan kita after thirty minutes at uuwi na tayo," bilin pa nito.
Tumango-tango lang siya at muling tumagay sa shot glass. Kung nakailang lagok na siya ng wine ay 'di na niya mabilang. Tanging alam lang niya ay gusto niyang mamanhid upang 'di niya maramdaman ang kirot ng nababadyang paglalayo nila ni Raegan.
Hulog na hulog na siya rito at hindi na niya kayang itanggi 'yon sa kanyang sarili.
"We're going home," tinig ni Raegan iyon, hindi siya maaaring magkamali. Naramdaman niyang binuhat siya nito mula sa kanyang kinauupuan. "Sabi ko sa 'yo huwag kang iinom nang marami," bulong pa nito. Hindi siya makapagsalita. Ipinagpaubaya na niya dito ang paghahatid sa kanya sa unit niya.
"Just sit back and relax, okay?" narinig pa niyang wika nito habang inaayos nito ang kanyang seatbelt. Dahil sa kanyang nainom ay 'di na niya namalayang nakaidlip siya sa kotse nito. At nang gisingin siya nito, bigla siyang nahilo at napasuka sa dibdib nito. Ngunit wala siyang narinig na kahit anoman mula dito. Sa halip ay binuhat siya nitong muli hanggang nakarating sila sa unit niya.
Naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama. Narinig rin niya ang mga yabag ng paa na palayo sa kanya.
"Raegan..." mahina niyang sambit sa pangalan nito.
Maya pa'y narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo.
Sinubukan niyang bumangon. Ngunit nakaramdam siyang muli ng pagkahilo at napasuka siya sa kama.
Nang balikan siya ni Raegan, nakasandal na siya sa headboard ng kama. Hindi na ito nagulat nang makita ang isinuka niya. Nakatapis lang ito ng tuwalya mula sa bewang nito. Kahit nahihilo ay nagawa niyang pagmasdan ang kahubdan nito. Napako ang tingin niya sa matipuno nitong dibdib.
Lumapit ito sa kanya at hinimas ang kanyang likod.
"Are you okay?" ang tanong. Umiling siya. "Ang asim na ng amoy mo, alam mo ba 'yon?" natatawang sambit pa nito.
Nahihiya man ay pinilit niyang bumangon. "Maliligo ako," aniya.
"Kaya mo bang pumunta sa banyo?"
"Oo naman," at sinubukan niyang tumayo. Subalit muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at agad siyang nasalo nito at naalalayan.
"Sasamahan na kita," anito.
"Huwag kang papasok sa banyo," wika niya. "Saka bakit ka nakahubad?"
Tumawa ito. "Sinukahan mo 'ko, remember?"
Tila siya napahiya sa narinig.
"I'm sorry. Naparami yata ang inom ko," aniya.
"Marami talaga. Hindi ko alam kung sobrang natuwa ka lang sa birthday ko kaya ka uminom. Hindi ka naman pala sanay," ang sabi pa nito.
"Dito ka na lang," ang sabi naman niya nang nasa tapat na sila ng pinto ng banyo. "I can manage."
Nagkibit-balikat lang ito at hinayaan siyang pumasok sa loob. Dinudunggol ng kaba ang kanyang dibdib. Natatakot siyang matukso dito kaya naisip niyang magtago sa banyo. Subalit dahil sa hilo, muntik na siyang matumba sa loob. Narinig nito ang pagkalabog kaya agad itong dumulog sa kanya. Hindi pala niya na-i-lock ang pinto ng banyo.
"Akala ko ba, kaya mo?" ang bungad nito nang datnan siyang nakalupasay sa tiles na sahig malapit sa bath tub. Marahan itong lumapit sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Pinaupo siya nito sa gilid ng tub at kumuha ito ng towel. Binasa iyon at ipinunas sa mukha niya. Nakadama siya ng ginhawa sa ginagawa nito.
Naramdaman niyang unti-unti nitong inaalis ang hook ng damit niya sa likod. Marahan na naibaba nito ang damit niya hanggang sa kanyang bewang. Bigla ay naitakip niya ang mga braso sa kanyang dibdib. Animo siya isang bata na hinuhubaran nito. May suka na rin ang kanyang damit at alam niyang maasim na ang kanyang amoy.
"Relax, okay? Kailangan mong maligo," anito.
Tuluyan na nitong nahubad ang kanyang saplot. Tanging ang bra at underwear na lang niya ang natira. Tila siya mapapaso sa malalagkit na tingin nito sa kanyang katawan. Maya pa'y inalalayan siya nitong tumayo at itinapat siya sa dutsa ng shower. Binuhay nito iyon at dumaloy ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan.
Bago siya tuluyang mabasa, inalis na nito ang kanyang bra. Wala siyang naging pagtutol sa ginagawa nito nang mga sandaling 'yon. Nagpaubaya lang siya.
Hanggang maramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang likod. Pikit-matang tinanggap niya ang bawat init ng pagdampi ng kamay nito sa kanyang likuran.
Pagkatapos ay naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang punong tainga.
"I want you... so bad..." bulong nito, kasabay ng paghalik nito sa kanyang balikat patungo sa kanyang leeg.
Pakiramdam niya ay libo-libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang katawan. Napapaso siya sa init ng mga halik na iginagawad nito sa kanyang balat.
"R-Raegan..." anas niya.
"Just tell me to go on..."
"J-Just... do it," bulong niya.
Bigla ay sinakop nito ang kanyang labi. Maalab ang mga halik na iginawad nito sa kanya.
At habang magkahinang ang kanilang mga labi, malayang naglakbay ang mga kamay nito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Tila rin may sariling isip ang kanyang kamay. Naalis agad niyon ang tuwalyang nakatapis kay Raegan. Dumaiti sa kanyang hita ang tinatago nitong sandata na handa na siyang angkinin anomang sandali.
"Tell me you want me, Merimee..." anas nito sa kanya.
"I want you, Raegan..." tugon naman niya na tila lunod na lunod na sa kumunoy na kinasadlakan niya sa mga bisig nito.
Walang sinayang na sandali si Raegan. Matagal rin siyang naghigpit ng sinturon para sa babaeng ito. Ngunit sa mga oras na ito, hindi na rin niya kayang pigilan ang bugso ng kanyang damdamin para dito. He wants to let her feel how he wanted her so bad...
Paliligayahin niya ito sa paraang alam niya. At hindi na siya malilimutan nito pagkatapos ng gabing ito.
YOU ARE READING
LOVE FOOL
RomanceFake name. Fake age. Fake address. Merimee Dueñas faked it all alang-alang sa fake love na kailangan niyang panindigan para lang mapag-aral sa kolehiyo ang kanyang kapatid at ipamukha sa mga tsimosa nilang kapitbahay na nakabingwit siya ng mayamang...