Masakit ang ulo at katawan, iyon ang naramdaman ni Merimee nang magising siya kinabukasan. Nakadilat siya ngunit tila tinatamad siyang bumangon. Pilit niyang inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi.
Nakumpirma niyang hindi siya nananaginip nang mapagtantong wala siyang saplot at isang kumot lamang ang nagtatakip sa kanyang kahubdan. Bigla siyang napabangon. Sinilip ang sariling katawan sa ilalim ng kumot.
"No..." sambit niya.
"Good morning," bati ng isang baritonong boses na nasa pinto. Napabaling siya ng tingin doon. Nakangiti ito sa kanya. "How's your sleep?"
Pinagmasdan niya ito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing wala rin itong saplot.
"Bastos!" bulalas niya at nagtakip ng mukha. "Bakit ka hubo't hubad? Takpan mo nga 'yan!" aniya.
Narinig niya ang pagtawa nito. Marahan itong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.
"May dapat pa ba akong itago? Nakita mo na 'to lahat," nanunudyong wika nito.
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha. Mabuti na lang at nakatakip ang mga kamay niya doon.
"Don't tell me, wala kang maalala sa nangyari kagabi?" tanong nito.
Inis na humarap siya dito.
"Alam mong nakainom ako," mahinang saad niya.
Nawala ang ngiti sa mga labi nito dahil sa sinabi niya.
"Are you saying na hindi mo ginusto ang nangyari?" seryosong dagdag nito.
Hindi siya nakasagot. Gusto niyang sabihin na gising ang diwa niya kagabi at alam niya ang nangyari sa pagitan nila. Pero isa lang ang gusto niyang makumpirma ngayon. Kung ano ang dahilan nito. Kung pagmamahal na ba o sadyang natukso lang ito dahil sa espiritu ng alak.
Bigla itong tumayo at agad na nagbihis. Walang sabi-sabing umalis doon at iniwan siya.
Noon humulagpos ang luhang pinipigilan niya kanina pa. Nagkamali ba siya dahil ipinagkaloob niya ang kanyang pagkababae dito? Masyado ba siyang umasa na may iba nang kahulugan ang mga pinakita nito sa kanya?
"Ang tanga-tanga ko..." sambit niya sa sarili.
Maya'y dumating si Missy. May dala itong pagkain para sa kanya.
"Pinabibilin ni sir na samahan muna kita. May business trip siya sa Taiwan. Mawawala siya ng ilang araw," anito habang naghahain sa lamesa. "What's wrong, ma'am?" puna nito nang mapansing humihikbi siya.
"W-Wala, wala... "
"Mami-miss mo si sir ano?"
Pinilit niyang ngumiti dito upang ikubli ang tunay niyang nararamdaman. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain nang makarinig sila ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan.
Nagkatinginan sila ni Missy. Wala naman siyang inaasahang panauhin. Tumayo ito upang buksan ang pinto. Gano'n na lang ang kanilang pagkagulat sa tumambad sa kanila.
"Well, well, well..." bungad ni Crystal na diretsong pumasok sa loob. "Dito ka pala itinatago ni Raegan," ang sabi pa. "I have a companion, Merimee!" nakangisi pang saad nito. "Come in, Tita Dynna," sabi nito sa kausap na nasa labas.
Nagulat siya nang makita ang ina ni Raegan. Galit ang isinasaad ng mukha nito.
"As far as I'm concerned, minabuti kong sabihin kay Tita Dynna ang totoo," patuloy ni Crystal.
"Totoo ba ang sinasabi niya? Na hindi Cheryl Arnaiz ang pangalan mo at hindi ka tunay na nobya ng anak ko?" Ma-awtorisadong tanong ni Mrs. Ballesteros sa kanya.
Tila itinulos na kandila si Merimee sa kanyang kinatatayuan. Maging si Missy ay hindi nakahuma.
"Totoo ba?!" galit na ulit nito.
Napayuko siya.
"I told you, Tita Dynna. Walang magandang intensiyon ang babaeng 'yan kay Raegan. Hinuhuthutan lang niya ang anak mo," sulsol ni Crystal.
"Ano'ng alam mo tungkol sa kabaliwan ng anak ko, Missy?" baling ni Mrs. Ballesteros sa sekretarya ni Raegan.
Atubiling sumagot ang dalaga. "Ang alam ko po ma'am, nagmamahalan sila ni sir. Kaya nga po ako nandito ay dahil pinasasamahan siya ni sir sa akin, dahil nag-aalala siya kay ma'am Cheryl," pahayag nito.
"Stop lying Missy, or you will be fired! Huwag mo nang pagtakpan pa ang babaeng 'yan!" banta ni Crystal. "Magkano ba ang ibinabayad sa 'yo ni Raegan para magsinungaling sa harap mismo ng kanyang ina?"
"Nagsasabi po ako ng totoo," ani Missy.
"Liar!" sigaw ni Crystal.
"Enough," saway ni Mrs. Ballesteros. Bumaling ito kay Merimee 'pagdaka. "Gusto kong marinig mismo sa bibig mo ang katotohanan sa ipinaparatang ni Crystal sa 'yo. Bibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag ngayon din," anito.
Napaluha na si Merimee. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang lahat. Nataunan pang wala si Raegan upang ipagtanggol siya sa ina nito.
"Speak now!" bulyaw ni Crystal na abot hanggang tainga ang ngiti sa nararamdamang tagumpay.
"Wala akong intensiyong magsinungaling. Nagmamahalan kami ni Raegan," aniya.
"Sinungaling!" bulalas ni Crystal. "Binayaran ka lang para magpanggap na girlfriend ni Raegan! I have proofs. Pina-imbestigahan kita, Merimee! At malaki ang ibinabayad sa 'yo ni Raegan para sa palabas n'yo," nanggagalaiting pahayag pa nito. "Magsisinungaling ka pa?" May kinuha itong envelop sa dalang bag at inihagis sa kanya. "Ayan ang patunay na bayaran ka lang! Ikaw si Merimee Dueñas, anak ng isang mananahi at taxi driver lang, na may isang kapatid na pinag-aaral sa kolehiyo. Isa ka lang empleyada sa department store at umalis ka dahil sa alok ni Raegan sa 'yo!"
"Totoo ba ito, Cheryl? Merimee ang pangalan mo?" Naguguluhang tanong ni Mrs. Ballesteros.
"I have proofs, Tita Dynna. Pati mga bank estatement accounts na nasa pangalan niya. Forty thousand pesos ang bayad sa kanya ni Raegan bawat buwan ng pagpapanggap niya," nakangising patuloy ni Crystal. "Hindi niya mahal ang anak mo, Tita Dynna. Walang ibang nagbibigkis sa kanila kundi ang kanilang deal, para mapaniwala ang lahat na mag-aasawa na si Raegan at para hindi maikasal sa akin. Don't you get it, Tita Dynna? Sinamantala ng babaeng 'yan ang kalituhan ni Raegan na magpakasal sa akin, when in fact ako ang tunay na nagmamahal sa anak mo."
Napailing-iling si Mrs. Ballesteros at napabuntong-hininga.
"Hinihiling ko na itanggi mo lahat ang sinasabi ni Crystal, Merimee," ang mahinang wika nito sa kanya.
Subalit napailing siya. Wala na siyang masulingan. Nasukol na siya at wala nang dahilan pa para itanggi niya ang mga sinabi ni Crystal.
"Aaminin ko, inalok ako ni Raegan... pero 'yon ay nagawa ko lang dahil sa pamilya ko. Wala akong ibang intensiyon..." tangi niyang nasabi.
Bakas ang tuwa sa mukha ni Crystal dahil sa narinig.
"See, Tita Dynna? Umamin na siya," ang sabi pa.
"Pero kahit kailan, hindi ako nagkainteres sa pera ni Raegan. Walang halong pagkukunwari ang pagmamahal na pinakikita ko sa kanya. Mahirap aminin pero nahulog na ang loob ko sa kanya... at 'yon lang ang totoong alam ko. Mahal ko siya kahit hindi niya ako bayaran... mahal ko siya kahit palabas lang para sa kanya ang lahat!" pahayag niya habang lumuluha.
"Mukha ka pa ring pera!" sigaw ni Crystal sa kanya. "Let's go, Tita Dynna. Maliwanag na ang lahat sa atin."
Nanlulumong tumalikod si Mrs. Ballesteros at umuna nang lumabas doon.
"Hindi ka mananalo sa akin, Merimee. I told you, akin lang si Raegan," pahabol pa ni Crystal bago tuluyang umalis doon.
Napahagulgol siya nang iyak nang makaalis ang dalawa. Agad naman siyang nilapitan ni Missy.
"Ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'yon!" anito. "Isusumbong ko kay sir ang ginawa niya," ang sabi pa.
"No, please... huwag na," pigil niya dito. "Alam ko naman na malalaman rin nila ang totoo. Pero hindi ko lang talaga inasahan na sa ganitong paraan..."
"I'm sorry, ma'am..." mahinang wika nito.
"Siguro, dapat na kong umalis," aniya at nagtungo sa kanyang silid upang mag-impake.
"Pero ma'am, walang order si sir na umalis ka," wika ni Missy.
"Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya," aniya.
Hindi rin siya nagpapigil dito. Iginayak na niya ang kanyang mga gamit at lumuluhang binalikan ang masasayang alaala nila ni Raegan. Alam niyang may posibilidad na magalit ito sa kanya sa gagawin niya. Ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Natuklasan na ng ina nito ang totoo. Wala na siyang mukhang ihaharap pa dito.
Bumalik siya sa bahay nila nang gabing 'yon. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. Maging ang magulang niya ay naguguluhan kung ano ang nangyari sa kanya, hindi rin siya mapilit ng mga ito na magsalita kaya hinayaan na muna siyang mapag-isa.
Kinabukasan ay mahihinang katok sa pinto ang gumising sa kanya. Nabungaran niya ang kanyang ina.
"May naghahanap sa 'yo sa baba, anak. Raegan daw," anito.
Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Ngunit bantulot siya kung haharap dito o hindi.
"Kailangan n'yo raw mag-usap," saad ng kanyang ina at umalis na.
Nadatnan niyang nakatayo si Raegan sa harap ng bintana nila. Tanaw rin niys mula sa labas ang mga tsismosa nilang kapitbahay na nakatingin sa bahay nila.
"Bakit ka umalis nang hindi ko alam?" bungad nito na hindi tumitingin sa kanya.
"Sarili kong desisyon 'yon," tugon niya.
"Naglagay ako ng malaking halaga sa account mo pagkatapos ng nangyari sa atin. Tapos aalis ka nang gano'n na lang?" tila nag-aapoy sa galit ang mga mata nito nang balingan siya.
Napamaang siya. Samu't saring emosyon na ang lumulukob sa kanya nang mga sandaling 'yon.
"Binabayaran mo ang nangyari sa 'tin?" hindi makapaniwalang sambit niya. Isang malaking insulto sa kanya ang ginawa nito. "Binibili mo ang pagkababae ko?"
"That's not what I meant, Merimee!"
"Then explain to me! Dahil hindi ko maintindihan kung bakit mo nagawang tapatan ng salapi ang nangyari sa 'tin gayong pareho nating ginusto 'yon!" galit na pahayag niya.
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Manhid ka, Reagan. Manhid ka!" singhal niya dito at iniwan na ito doon. Umiiyak na bumalik siya sa kanyang silid at doon ay ibinuhos lahat ang sama ng loob niya.
YOU ARE READING
LOVE FOOL
RomanceFake name. Fake age. Fake address. Merimee Dueñas faked it all alang-alang sa fake love na kailangan niyang panindigan para lang mapag-aral sa kolehiyo ang kanyang kapatid at ipamukha sa mga tsimosa nilang kapitbahay na nakabingwit siya ng mayamang...