Chapter 8

10 0 0
                                    

Buong akala ni Merimee ay dumating si Raegan upang i-comfort siya matapos ang ginawang pakikialam ni Crystal sa kanila at matapos ang ginawang pamamahiya ng dalaga sa kanya sa ina nito. Subalit nagkamali siya. Hinarap lang pala siya nito upang ipamukha sa kanya ang perang umano'y inilagak nito sa bank account niya bilang kabayaran sa nangyari sa kanila ng gabing 'yon.

Labis siyang nasaktan sa ginawa nito. Tila pinamukha nito sa kanya na wala siyang pinagkaiba sa mga bayarang babae. Sisihin man niya ang sarili ay huli na ang lahat. The damage has been done. Hindi na niya kayang ibalik ang panahong iyon upang baguhin ang nangyari. Kung 'di sana siya tinraydor ng kanyang damdamin, hindi sana siya matutuksong ibigay dito ang kanyang sarili, gayong alam na alam niyang sa umpisa pa lang ay wala na siyang aasahan dito.

Iniyakan niya ng ilang gabi ang pang-iinsultong ginawa ni Raegan sa kanya. Hindi niya matatanggap na maging gano'n na lang kababa ang tingin nito sa kanya. Oo nga't kasalanan niyang nagpatangay siya sa kanyang damdamin, ngunit 'yon ay dahil nga sa pagmamahal niya dito. Ngunit isang malaking pagkakamali ang umibig dito, 'yon ang napagtanto niya.

"Sigurado ka na ba talaga bessang sa desisyon mo?" malungkot na tanong ni Joyce sa kanya nang umagang 'yon.

"Oo... pagkatapos ng mga nangyari, gusto kong ayusin muna ang buhay ko, bessang," naiiyak na pahayag niya dito. Buo na ang pasya niyang mangibang-bansa muna upang makalimot kahit pa'no sa sakit na dulot ng pagkabigo niya kay Raegan at sa ginawang pang-iinsulto nito sa kanya.

"Sorry ha... Kung 'di ka siguro namin pinilit ni Carlo, hindi mangyayari sa 'yo 'to," may panghihinayang na saad nito.

Pinilit niyang ngumiti dito. "Huwag mong sabihin 'yan, bessang. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Ginusto ko 'yon kaya huwag mong sisihin ang sarili mo," wika niya. "Naging masaya rin naman ako sa panahong magkasama kami ni Raegan..."

Niyakap siya nito. "Mag-iingat ka do'n ha? Tatawag ka lagi sa 'min," bilin pa nito. Tumango lang siya.

Mamayang gabi na ang flight niya patungong Singapore. Natanggap siya sa in-applyan niyang trabaho doon sa isang remittance center.

May mga oras din na umaasa siyang darating si Raegan upang mag-sorry sa kanya at pigilan siya sa pag-alis. Ngunit batid niyang tila siya sira-ulo na nangangarap ng isang himala.

"So... what are you up to now?"

Napalingon si Raegan sa pinagmumulan ng tinig. Si Crystal, nasa pinto ng kanyang opisina.

"Siguro naman, you've made up your mind this time?" Nakangiti pang wika nito at dahan-dahang humakbang palapit sa kanya.

"What do you want? Wala kang appointment sa 'kin," walang emosyong saad ni Raegan dito.

"Oh, come on. After I blew up your fake relationship with that bitch, isn't it fair that I should have you by now?" confident pang wika nito. "Huwag ka nang tatanggi pa, Raegan. I get anything that I want, kahit ikaw pa. Kaya huwag ka nang magmatigas pa."

He chuckled. "Ang lakas rin naman ng loob mong sabihin sa 'kin 'yan, Crystal. As far as I know, wala akong gusto sa 'yo. At kahit nilaglag mo kami ni Merimee kay mama, that's not enough reason para balingan na kita," pambabara niya dito. "Are you happy now? Matapos mong ipahiya si Merimee kay mama, sa tingin mo ba, magugustuhan pa kita?"

Napalis ang ngiti sa labi ni Crystal. "Huwag kang magmalaki sa 'kin, Raegan. Wala pang lalaking tumanggi sa 'kin!"

"Put my name on your list, para matauhan ka na," inis na wika niya. "At p'wede ba, huwag na huwag ka nang magpapakita sa 'kin? Get out of my office now! Get out!" pagtataboy niya dito.

"Hindi pa 'ko tapos sa 'yo, Raegan. I don't take 'no' for an answer!" galit na sabi nito.

"The hell I care. Get lost!" galit ring tugon niya dito.

Naihilamos niya ang sariling kamay sa kanyang mukha sa labis na pagkainis kay Crystal. Kahit kailan ay hinding-hindi niya magugustuhan ang babaeng 'yon.

Isa lang ang laman ng isip niya hanggang ngayon. Si Merimee.

May dalawang buwan na rin mula nang huli niya itong makita.

At dalawang buwan na rin mula nang may nangyari sa kanila. Hindi na niya ito malimutan mula noon. Umalis siya dahil nais niyang makapag-isip at magmuni-muni kung tama ba ang nararamdaman niya para dito.

Aminado siya sa sarili na hindi mahirap mahalin si Merimee. Napakabait nito at napakalambing. Ngunit hindi rin mawala sa isip niya na lahat ng pinakikita nito ay bahagi lamang ng kanilang palabas. Lahat ng pagmamalasakit nito, maging ang ka-sweet-tan na pinakikita sa kanya ay dahil lang sa sinabi niya ditong gawin nito bilang fake girlfriend niya.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magkakaroon siya ng puwang sa puso nito. Inakala rin niya na lasing lang ito at nadarang sa panunukso niya kaya pumayag itong may mangyari sa kanila.

"Kumusta na kaya siya?"

"Sino sir?" sambit ni Missy.

"Si Che- I mean si Merimee."

"Gusto mo bang alamin ko ang kalagayan niya, sir?" mungkahi ng kanyang secretary.

"Can you?"

"Oo naman sir. Alam ko naman ang bahay nila eh," anito.

Pinayagan nga niya ito sa mungkahi nito. Nagpadala pa siya ng pumpon ng bulaklak na ibibigay sa dalaga. Sabik siyang inabangan ang pagbabalik nito sa opisina upang malaman ang balitang hatid nito.

Subalit nadismaya siya sa kanyang nalaman. Tila siya nanlumo at nakadama ng panghihinayang.

"Sir, pinabibigay raw po ito ng nanay ni ma'am Merimee. Ibalik ko raw ito sa 'yo," at iniabot nito ang isang sobre sa kanya. Hindi na niya kailangan pang buksan 'yon upang alamin ang laman niyon. Nang mahawakan niya ang matigas na bagay sa loob, alam na niyang ATM card 'yon. "Nag-balance inquiry ako sir, gaya ng bilin ng ina ni ma'am Merimee. At ang total cash po na laman ng ATM na 'yan ay five hundred thousand pesos."

Bahagya siyang nagulat. Sa makatuwid ay hindi ginalaw ni Merimee ang perang inilalagak niya sa bank account nito?

"Paano nangyari 'yon?" naguguluhang sambit niya sa sarili.

Agad ay sinubukan niyang hanapin si Joyce. Alam niyang bestfriend ito ni Merimee.

"Kailan pa siya umalis?" bungad niya dito. Nasa isang fast food chain sila nito kung saan madalas kumain ito kasama si Merimee no'ng magkasama pa ang mga ito sa department store.

"May isang buwan na rin eh," ani Joyce.

"Wala ba siyang nabanggit tungkol sa 'kin?"

Bumuntong-hininga ito.

"Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin sa 'yo 'to eh... pero labis siyang nasaktan sa ginawa mong pagbabayad sa kanya matapos ang nangyari sa inyo."

Natahimik siya. Alam niyang mali ang kanyang ginawa. Ngunit iyon lang ang paraang naisip niya para makabawi kay Merimee. Subalit ngayon ay napagtanto niyang isa iyong malaking pagkakamali.

"Gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Merimee sa 'kin tungkol sa 'yo," dagdag nito.

"Tungkol saan?" kunot-noong tanong niya.

"Na manhid ka," anito.

Hindi siya nakahuma.

"Manhid ka dahil 'di mo maramdaman na walang halong pagkukunwari ang mga ginagawa niya sa palabas n'yo. Hindi mo kayang i-differentiate ang huwad sa totoo," pahayag nito.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"May katangahan ka ring taglay eh, no?" natatawang wika ni Joyce sa kanya. "Mahal ka ng bestfriend ko. Inamin niya sa 'kin na lahat ng ginagawa at pinapakita niya sa 'yo ay totoo... dahil umaasa siyang isang araw ay tototohanin mo na rin ang drama n'yo. Pero hanggang sa natapos nang gano'n na lang ay hindi ka niya nagawang paibigin. Bigo siyang palambutin ang puso mo... kaya nagdesisyon siyang umalis na lang para makalimutan ka."

Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon ni Joyce sa kanya.

Hindi naman talaga siya manhid. Ramdam naman niya ang mga ginagawa ni Merimee ngunit nag-alangan lang siya dahil sa deal nila ng dalaga. Inakala pa rin niyang hinuhusayan lang nito ang pagpapanggap na mahal siya para mapaniwala ang lahat. Dahil kahit siya mismo, napaniwala rin nito, ngunit tuwina ay naroon ang alinlangan na ginagawa lang 'yon ng dalaga ayon sa kanilang napagkasunduan.

Natakot rin siyang aminin sa sarili na nahuhulog na siya kay Merimee dahil takot siya sa rejection. Kaya pinilit rin niyang supilin ang damdaming nagsisimulang umusbong para sa dalaga.

And he was such a fool to doubt his gut instinct na mahal na rin siya ni Merimee. Ayaw niyang aminin sa sarili na nagkakahulugan na sila ng loob nito. At siya na lalaki, ang unang dapat gumawa ng hakbang upang umamin ng nararamdaman subalit naduwag siya.

"All along, mahal na pala namin ang isa't isa pero kapwa kami natatakot..." aniya.

"Exactly," sabi naman ni Joyce.

"Tell me, sa'n ko siya mahahanap?"

"Seryoso ka?"

"I'm dead serious!"

"Nasa Singapore nga siya."

"Wala akong pakialam kahit saang parte pa siya ng mundo naroon. Basta ibigay mo sa 'kin ang address niya!"

"My pleasure," nakangiting sagot ni Joyce.

Nang gabi ring iyon ay nagpa-book ng kanyang flight si Raegan papuntang Singapore. Ngayon pang sigurado na siya kay Merimee, hindi na niya hahayaang mawala pa ito.

LOVE FOOLWhere stories live. Discover now