T.M. 10

11 0 0
                                    

Chio's POV

I love you talaga Miss Author at ako pa talaga ang inuna mo!!! pero wag mo lang sasabihin kay Mazy ah?! Baka kasi magalit sa akin yun, magselos yun~

Pumunta agad ako noong nagtext sakin si Loja na nasa ospital si Mazy, kahit na ang sabi niya ay next week na ko dumalaw. Syempre magaalala ako bilang boyfriend niya. teka, hindi niyo alam? Hindi niyo ba nabasa doon sa chapter 6? Naku!!! basahin niyo na lang ulit. Sinabi na sakin ni Loja kung saang ospital at kung ano ang room number. Natakot ako nung sinabi niya sakin yung dahilan kung bakit siya na-ospital. Madami daw kasing lumabas na dugo sa kanya.Pagkadating ko sa kwarto ni Mazy nakita ko siya na nakaupo sa higaan niya at nakatingin sa malayo.

"Ang layo naman ng tingin ng mahal ko. Iniisip mo ba ko? nandito na ko, wag mo na kong isipin" sabi ko sa kanya

"Chio?! Pano mo nalaman na nandito ako?" sabi ni Mazy

"Si Loja. Sinabi niya sakin. OK ka lang ba? Sumuka ka daw kasi ng napakaraming dugo" sabi ko

"Grabe naman napakarami talaga?!" sabi niya sabay tawa. Kahit na pinapakita niya sakin na malakas siya ay kitang-kita sa mga mata niya na buong gabi siyang umiiyak. Sana akin na lang yung sakit niya, sana ako na lang yung nahihirapan at hindi siya.

"Oh?! bakit ganyan ka makatingin sakin. May dumi ba ko sa mukha?" sabi ni Mazy

"Wala. Ngayon ko lang kasi napansin kung gaano kaganda yung mahal ko. Grabe ang ganda niya talaga" sabi ko sa kanya. Ayaw kong maramdaman niya ang lungkot, kaya ko toh ginagawa

"Chio... Alam naman nating lahat na kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. P-pwede bang itigil na n-natin toh?" biglang sabi sa akin ni Mazy

"Mazy wag mo naman sabihin yan. Kung inaakala mo na iiwan kita kasi nalaman ko na may sakit ka, nagkakamali ka. Kahit na ano pa man yang sakit mo Mazy hinding-hindi kita iiwan, kasi hindi ko kayang makita na nahihirapan ka magisa" sabi ko

"I Love You Mazy" sabi ko

"...... I Love You too Chio" sabi ni Mazy. Dahil doon sa sinabi niya bigla na lang akong tumayo sa upuan ko at lumapit sa kanya. Noong una parang nagaalangan pa ko pero bigla na lang lumapit sa akin si Mazy, hinalikan ako sa labi.

Manity's POV

"Pare akala ko ba pupunta ka kay Mazy? bakit nandito ka at.... nagwawala?" tanong sakin ni Matrix

"Sh*t!Sh*t!Sh*t!" yun na lang ang nasabi ko

"Ano ba kasi ang nangyayari dito kay Manity at kanina pa nagwawala?" tanong ni Qieeper

"Kase..Pfft~ Nung papunta kami sa kwarto ni Mazy Pfft~ ano... HAHAHAHHAHAHHA!" sabi ni Ash

"Oo Ash naintindihan namin yung paliwanag mo" sabi ni Loja

"Eh kasi naman  palagi kong naaalala yung mukha ni Manity noong nakita namin yung eksena sa ospital. Hahahaha!" sabi ni Ash

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon