T.M. 11

8 0 0
                                    

Manity's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko. Tinatamad pa kasi ako tsaka hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil doon sa kabulastugan ni Ash. Nasan na kaya yung mga yun, wala kasing kaingay-ingay sa labas ng kwarto ko eh. Usually kinakatok na nila yung kwarto ko para magluto na ko ng pagkain para sa kanila.

'Say it's true

 There's nothing like me and you

 Not alone, tell me you feel it too

 And I would runaway

 I would runaway (YEAH)

 I would runaway

 I would runaway with you'

May tumatawag. Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng drawer ko. Si Ash tumatawag.

"Hello"

[ Manity, nasan ka na? ]

"Huh?! Anung nasan na ko? Nandito ako sa kwarto ano ka ba"

[ Tao ako, gag*. Alam ko nasa kwarto ka. Pumunta ka na dito ]

"Bakit nasan ka ba?"

[ Ano ka ba birthday ni Mazy. Pumunta ka na dito sa ospital ]

"Birthday ni Mazy? Bakit hindi niyo ko ginising para sabay-sabay na tayo pumunta dyan?"

[ E-eh kasi nagmamadali na kami kanina. Bilisan mo na malapit ng magising si Mazy ]

"Oh sige"

[ Sige. nandito kami sa rooftop. Wear something na medyo formal tignan ]

"Oh sige,sige. Bye"

[ Sige, bye ]

Tumayo na ko sa higaan ko at naligo. Ayaw ko naman pumunta doon na mabaho ako at hindi pa naliligo noh. Sinuot ko na lang yung bigay sakin ni Mommy na polo, tapos nagpantalon na lang ako. Medyo formal daw sabi niya eh. Sumakay na ko sa taxi na pinara ko. tanda niyo diba hindi kami marunong magdrive, si Ash lang ang marunong. pagdating ko sa ospital, syempre binayadan ko muna yung taxi driver. pagbaba ko sa taxi dumiretso na ko sa loob. tinanong ko doon sa nurse na nasa counter kung saan ang daan papunta sa rooftop. Pagkasabi niya sakin ng directions ay dumiretso na ko doon. Pagbukas ko ng pintuan sa rooftop. Ang bumungad sa akin ay isang lamesa na bilog at may dalawang upuan. Sa kaliwa may nakalatag na blanket at may basket sa gitna. Sa kanan may parang malaking upuan na malapad na pwedeng higaan tapos may unan na madami. Tapos  may nakita akong isang babae na naka pantalon at nakablouse na offshoulder yung isang side, nakaupo siya sa dulo ng parang upuan na higaan. Hindi ko makita kung sino yung babae kasi nakatalikod siya sa akin. Biglang sumarado yung pintuan. Tumakbo ako bigla doon at pinipilit kong buksan, pero nabigo ako. Pero may narinig akong mga nagtatawanan sa kabilang side ng pintuan.

"They also trick you huh?" sabi nung babae

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon