T.M. 16

7 0 0
                                    

Manity's POV

Tama si Fami, kailangan ko na talagang sabihin kay Mazy ang totoo. Sa album, nakita ko sa album na yoon ang isang batang babaeng nakangiti ng walang alinlangan. Kasama ang mga kinilala niyang mga kaibigan, at pamilya. Isang batang walang kamuwang-muwang sa buhay niya na sa isang iglap maa-aring kunin ng kahit sinong tao ang buhay na meron siya. Tumatakbo ako ngayon papunta sa main HQ. Kailangan na talagang malaman ni Mazy kung sino talaga ang mga taong kinakalaban nila, kung sino ang BOSS ng kinakalaban nila, kung sino ang gustong pumatay sa kanya at kung bakit siya gustong patayin nito.

Pagkadating ko sa main HQ. Hindi ko na nakita pa sila Mazy at Chio.

"Nasan sila M-Demon Dealer at Thunder??" tanong ko doon sa nagbabantay sa labas ng kwarto.

"Kanina pa po sila umalis" sabi niya

"Alam mo ba kung saan sila pumunta??" tanong ko

"Ang alam ko lang po ay umuwi na po si Ma'am Demon Dealer sa kanila para daw po magpahinga" sabi niya

"Salamat" sabi ko sabay labas ng HQ.

Kailangan ko siyang puntahan, kahit saan pa siya pumunta kailangan ko siyang sundan para masabi ko na sa kanya lahat ng dapat niyang malaman at para maprotektahan ko siya sa mga taong gustong manakit sa kanya.

Habang nasa daan ako ay wala na akong pakialam sa mga nakikita ko basta kailangan kong makapunta agd kay Mazy. Biglang may humarang sa kotse ko na anim na sasakyan. T-teka, hindi pwede toh. Kailangan ko pang pumunta kay Mazy. Sana mali yung iniisip ko sa mga taong nasa loob ng mga sasakyan na ito.

Mazy's POV

"Masaya ako at bati na rin kayo sa wakas. Akala ko hindi na kayo magkakabati eh" sabi ni Loja

"Akala ko din. Kaya ko parin pala magpatawad ng tao" sabi ko

"Eh si Manity, mapapatawad mo rin ba siya??" tanong sa akin ni Loja

"Matagal ko na siyang pinatawad, Loja. Ang kailangan ko lang ay ang explanation niya" sabi ko

"Ang ipinagtataka ko lang kasi kay Manity ay kung bakit hindi niya masabi-sabi sa atin kung ano ba ang problema niya??" sabi ni Loja

"Yan din ang tanong na nasa isip nating lahat, Loja" sabi ko

*TOK*TOK*TOK*

"Sino yun??" sabi ni Loja

"Sino yan??!!" sigaw ko mula sa sala

"D-demon Dealer ... nandito ka ba?" sabi nung nasa labas

"Manity?? Ikaw ba yan?" sabi ko

"Ako nga Demon Dealer. Papasukin mo naman ako. May gusto sana akong sabihin sayo" sabi niya

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon