T.M. 14

5 0 0
                                    

Someone's POV

"Dianne, anak. Huwag mo na masyadong alalahanin si Demon Dealer" ako

"Pero, DAD~" sabi ni Dianne

"Tandaan mo Dianne. Nasa atin ang alas" ako

"Wala siyang magagawa kundi ang sundin ang gusto natin" sabi ng asawa ko

"Kailangan lang natin maghintay ng tamang panahon" ako

"Pero ano muna ang kailangan nating gawin?" sabi ni Dianne

"Kailangan muna magkabalikan ni Chio at ng ex girlfriend niya. Ilang araw na kasing hindi lumalabas ng kwarto ang kapatid mo" sabi ng asawa ko

"Sino ba kasi yung Hinayupak na babaeng yun. Wala siyang karapatan para saktan ang kapatid ko!!!" sabi ni Dianne

"Kung sino man siya. Pagsisisihan niya ang ginawa niya sa anak ko. Pagsisisihan niya at sinaktan niya ang isang Chio Telo" ako

Mazy's POV

Matapos ang ilang linggo pasukan nanaman. Sabay-sabay kami ngayon na papasok. Pero may isa kaming problema

"Sino ang maiiwan para bantayan si Reign??" tanong ni Loja

"Lahat ba talaga tayo may pasok ngayon??" tanong ko

"Kami sanang anim ang magbabantay kaso may practice kami ngayon eh" sabi ni Ash

"May practice kami ngayon?!~ Eh wala ka namang ibang pinasukan kundi practice lang eh!" sabi naman ni Matrix

"Wag na nga kayong magaway. Dumadagdag pa kayo eh" sabi ni Fami

"Isama na lang kaya namin siya sa practice namin? Tutal tatlong oras lang naman kami doon eh" sabi ni Dane

"Pero...." sabi ko

"Pumayag ka na Mazy~. Malelate tayong lahat sa ginagawa mo eh!" sabi ni Loja. Palibhasa may report kasi ngayon sa first subject niya kaya nagmamadali.

"Sige na nga. Basta ba walang mangyayaring masama sa pinsan ko?!" sabi ko habang nakatingin ng sa kanila ng masama

"Ma'am Yes Ma'am" sabi nila ng sabay sabay habang nakasaludo sa harapan ko

"Mga sira ulo. Seryoso ako sa sinabi ko. Kapag may nangyari sa pinsan ko, kahit magalusan lang. Patay kayong lahat sa akin. Lalo ka na Dane!" sabi ko

"Oo na. Tama na yan Mazy. Halina at baka pumutok na sa kaba itong isang toh. May report pa siya ngayon" sabi ni Fami habang papunta sa pintuan.

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon