T.M. 17

6 0 0
                                    

Dianne's POV

"Sumagot ka!! Paano mo nalaman na ampon lang kami?!" sabi ko

"...." Kanina ko pa siya tinatanong pero hindi niya parin ako sinasagot

"Sinabi ng sumagot ka eh! Bakit ba ayaw mong sumagot?!" sigaw ko ulit sa kanya sabay sampal ng napaka lakas.

"....." Pero wala pa rin siyang sagot

*Flash Back*

"Papa" sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto

"Oh, Hija. Nandito ka na pala. Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo?" tanong sa akin ni papa

"Opo, papa. Ah papa may gusto lang po sana akong itanong sayo?" sabi ko

"Ano iyon anak?' sabi ni papa

"Totoo niyo po ba kaming mga anak nila Chio at Lio??" sabi ko

Humarap sa akin si papa "Nasabi niya na pala sayo" sabi niya

"N-nagsisisnungaling lang siya diba, papa?" sabi ko

"Hindi ko kayo tunay na mga anak, Dianne. Yung kinikilala niyong mama, siya yung tunay na ina ni Mazy. At ang kinikilala niyang ama ay ang tunay ninyong ama nila Chio" sabi niya

"I-ibig sabihin isa din kaming Fuentavella?" sabi ko

"oo" sabi niya

*End OF FLash Back*

Ang sakit malaman na ampon lang pala kayo ng mga kinikilala mong magulang.

"Hanggat hindi ka sumasagot sa mga tanong ko, iisa-isahin ko ang mga kamiyembro mo" sabi ko

Mazy's POV

"Hanggat hindi ka sumasagot sa mga tanong ko, iisa-isahin ko ang mga kamiyembro mo" sabi ni Dianne. Wala akong sinasagot sa mga tanong niya. Wala akong ibang inisip kundi ay ang, paano kung malaman niya na ang isa sa mga bihag nila ngayon ay ang kapatid niya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya??

"Sigurado ka bang lahat sila kaya mong patayin??" sabi ko habang nakatingin sa kanya

"Even you darling. Payment mo na rin toh sa ginawa mo sa kapatid ko" sabi niya

"Gusto ko ang una mong patayin ay ang lalaking may panyong itim sa leeg" sabi ko

"Hahaha. Bakit galit ka ba sa lalaking ito??" sabi ni Dianne

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon