T.M. 19

5 0 0
                                    

*After 2 months*

Mazy's POV

Nandito na kami ngayon sa bahay. Ligtas kaming lahat. Walang masyadong napuruhan, kundi ako noong naglalaban kami ni Dianne. Hindi ko siya pinatay, kasi kahit papaano ay anak parin siya ng kinikilala kong ama. Nakita ko na din ang mama ko, pero hindi ko na lang din pinaalam sa kanya na ako ang anak niya na naiwan niya sa dati niyang asawa. Minabuti ko na kila Dianne na lang siya magbigay ng atensyon niya. OK na ko kahit makita ko lang siya na masaya. Atleast ngayon nakita ko na siya. Masaya na ko sa pamilya na meron ako. Tapos na ang lahat pero hanggang ngayon ay hindi ko parin pinapansin si Manity. Lumalapit siya sa akin pero umiiwas ako. Alam ko maninibago siya kais napatawad ko na siya pero eto nanaman ako, iniiwasan siya. Mahal kita Manity, pero kailangan kong gawin toh. Para sa atin din toh.

"Ate Mazy, tawag ka daw ni tita" sabi ni Loja

"Nasan daw siya?" sabi ko

"Nondoon siya sa garden" sabi ni Loja

"Sige, salamat" sabi ko

Bakit kaya ako pinapatawag ni tita? Pagpunta ko sa garden. Iba ang nadatnan ko doon. Isang lalaking nakatalikod, ang pinaka ayaw kong kausapin

"Mazy" sabi niya noong napalingon siya sa pwesto ko

"Wala naman pala dito si tita. Pinaglolo-loko ata ako ni Loja eh" sabi ko sabay talikod at naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay. Hindi ko siya pinansin, pero pinigilan niya ako.

"Mazy, please. Makinig ka naman sa akin oh?" sabi niya, pero hindi ako sumagot. Wag mo tong gawin Manity lalo akong nahihirapang iwan ka eh.

"Bago kita makilala, una kong nakilala si Dianne. Siya at ang pamilya niya ang tumulong sa akin para makapag-aral ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. At para makabawi ako sa kabutihang loob nila sa akin ay may ipinagagawa sila sa akin. Ang patayin ang batang nasa litrato"

sabi niya sabay pakita ng litrato na nasa bulsa niya. Litrato ng isang batang masaya, may matamis na ngiti sa mukha, isang batang walang kaalam-alam na may gustong pumatay sa kanya. Na ang isang Mallan Trinity Grant na nasa harapan ko ay ang ginamit nila para mapatay ako.

"Totoo bang siya ang first love mo?" tanong ko sa kanya

"Oo" maikling sabi niya sa akin

"Kaya ba kayo sumali sa gang namin ay para mapadali mo ang pagpatay sa akin?" sabi ko. Umiiyak nanaman ako, sabi ko hindi na ko iiyak eh!

"Sabi nila sa akin noon, madali ko daw makikita ang papatayin ko kapag sumali ako sa gang niyo" sabi niya

"Sinungaling ka" sabi ko

"Hindi ako nagsisinungaling" sabi niya

"Minahal mo ba talaga ako?" sabi ko

"Oo, Mahal na mahal kita Mazy" sabi niya

"Sinungalin ka talaga Manity" sabi ko

"Hindi ako nagsisinungalin Mazy, maniwala ka naman oh?!" sabi niya

"Eh ano yung contract na yun? Pinirmahan mo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala?!" sabi ko

"Wala na yun. Matagal ko ng binalewala yung kontrata na yun" sabi niya

"Akala ko ba hindi mo ko lolokohin? Akala ko ba hindi mo din ako sasaktan katulad ng iba? Niloko mo ko! Pinaniwala mo ko sa lahat ng sinabi mo sa akin! Katulad ka rin nila! Mga manloloko kayo!!" sigaw ko sa kanya habang pinapalo ko siya

"Please let me explain" sabi niya

"Explain what?! Kitang-kita ko na ang lahat! Ano pa ba ang dapat mong iexplain sa akin, huh?!" sabi ko

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon