T.M. 15

7 0 0
                                    

*After 3 weeks*

Chio's POV

Kasalanan ko ang lahat. Dapat kasi hindi na talaga ako sumali sa gang na yun. Dahil sa akin kaya hindi na ko pinagkakatiwalaan ni Mazy. Sa isang iglap nawala yung pagkakaibigan namin. Dahil lang sa buwiset na nararamdaman ko para sa kanya. Sana pala utak ko yung pinairal ko at hindi yung nararamdaman ko. Sa gitna ng paglalabas ko ng lungkot ko ay may bumukas ng pintuan ng kwarto ko.

"Ngayon ko lang nakita ang isang Chio Telo ay umiiyak at nagmumukmok sa kwarto niya para lang sa isang babae" si Lio lang pala

"Umuwi ka lang ba dito Lio para bwisiten ako?!" sabi ko

"Chill lang bro. Hindi ako ang babaeng nakipagbreak sayo, hahahaha" sabi niya

"Ano nga pala yung naririnig ko na pumupunta ka sa mga bar at ang pangalan ko pa ang ginagamit mo?!" tanong ko

"Eh yun yung una nilang tinawag sa akin eh. May magagawa pa ba ako" Lio

"Kaya siguro nakipagbreak sa akin si Mazy dahil sa mga kagag*han na ginagawa mo eh!"

"Hindi ko na kasalanan kung walang tiwala sayo ang girlfriend mo Chio" sabi niya sabay labas ng kwarto ko

Bwiset!! Siya ang kakambal ko na si Lio Telo. Wala kaming pagkakaiba mula sa mukha, pananalita at kilos. Meron lang akong balat sa kanang kamay ko habang siya naman ay may nunal sa kanang kilay niya. Bago pa maospital si Mazy noong nakaraan ay umuwi na siya, pero hindi siya sa bahay namin tumuloy.Kung hindi pa siya nakita ni ate Dianne sa mall hindi pa niya maiisip na umuwi at magpakita man lang kila mama at papa. Speaking of ate Dianne, bakit siya pumunta sa school kanina at bakit niya sinasaktan si Mazy? Tumayo ako sa kama at kinuha ang susi ng kotse ko, pupunta ako sa HQ at hihingi ng tawad kay Mazy. Sasabihin ko lahat-lahat sa kanya, pero sana hindi pa huli ang lahat. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko silang lahat na nasa sala at mukhang nagkakasiyahan.

"Oh?! Himala ata Chio at bumaba ka" sabi ni Ate Dianne

Pero hindi ko siya pinansin.

"Papa. Lalabas lang po ako sandali. May pupuntahan lang" Pagpapaalam ko

"Sige anak magiingat ka" sabi ni papa

"Huwag kang magpapagabi, anak" sabi ni mama

"Opo mama" sabi ko

Pagdating ko sa Cavite, iniba na kasi ang lugar ng HQ. Sinalubong ako ng mga guwardiya namin.

"Sir Thunder. pinapatawag po kayo ni Ma'am Demon Dealer sa main HQ po" sabi ng isang gaurd

"Salamat po" sabi ko

Pagbukas ko ng pinto ng main HQ ay walang ilaw. Maya-maya ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko at tinakpan ang ilong ko. Onti-onting dumidilim ang paningin ko.

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon