T.M. 2

15 0 0
                                    

Author's POV

Pagkalipas ng ilang araw ay nakalabas na din si Mazy sa ospital. At ngayon ay nasa AID Headquarters na silang Six Stars.

"Ano ba kasi yung pag-uusapan natin? Pwede namang sabihin mo na lang sa amin tapos kami ng bahalang magsabi sa iba" Tahlina

Hanggang ngayon ay hindi parin sinasagot ni Mazy ang mga tanong nila.

"Oo nga,Baka mapano ka pa ulit. Alam mo namang kalalabas mo lang ng ospital" Maietrics

"Nandoon naba silang lahat?" Pagbabalewala ulit ni Mazy sa mga pinagsasabi nila.

"Nandoon na silang lahat,kanina pa" Fami

Pagpasok nila sa kwarto,nagsitayuan bigla ang lahat ng nasa loob as sign of respect sa mga nakakataas. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Mazy.

"Kaya ko kayo pinatawag ay gusto kong malaman niyo na nabawasan na kami ng isa. Kung napapansin niyo niyo,ilang buwan na akong hindi nagpapatawag ng meeting ay dahil sa alitan sa grupo, na naging dahilan para mabawasan kami. At iyon din ang dahilan kung bakit gusto ko na palitan na natin ang pangalan ng ating samahan. Hindi na tayo tatawagin na AID o Angels In Disguise. Papalitan ko na ito ng Black Diamonds. Hindi niyo na rin kami tatawagin na Six Stars, kami na ngayon ay tatawagin niyong TroubleMakers. At bilang nakakataas kailangan niyo sundin at respituhin ang aking nais. Ang sino mang lumabag sa akin ay sisiguraduhin ko na hindi na masisikatan ng araw." sabi ni Mazy,sabay labas ng kwarto.

Sinundan na lang siya ng apat. Walang nagtatangkang tanungin siya tungkol doon sa sinabi niya kanina sa takot nila dahil sa sobrang seryoso niya kanina habang nagsasalita. Binasag na ni Mazy ang katahimikan.

"Sabihin mo rin sa kanila na bukas na bukas ay lilipat na tayo ng headquarters" Mazy

"Masusunod" sabi ni Mou-Mou at tinawagan na ang mga nakausap nila kanina.

Fami's POV

Pagkauwi ko galing headquarters dumiretso na agad ako sa CR at binabad ang sarili sa bathtub. Ewan ko ba wala naman akong masyadong ginawa pero feel ko pagod na pagod yung buong katawan ko. Siguro dahil kay Mazy kanina, grabe naman kasi, katakot siya eh!Napakaseryoso niya. Buti na lang at hindi ko siya katabi. Ang pwesto kasi namin kanina ay ganito.

AKO-MAIETRICS-MAZY-TAHLINA-MOU

Pero mahahalata mo sa aming lahat na takot na takot kami sa kanya. Tuwing may meeting kami ay hindi nawawala sa dulo ng pagsasalita niya ang kanyang famuos line na 'Ang sino mang lumabag sa akin ay sisiguraduhin kong hindi na masisikatan ng araw' kaya walang tumatangi sa mga nais niya. Bukod sa palagi itong tama ay natatakot silang magaya sa isang dating miyembro ng aming gang. Hindi niya sinunod si Mazy kaya kinabukasan noon na nakasabit sa puno ng mangga,puno ng dugo,pasa at paso ang buong katawan,at walang malay. Noong araw din na iyon nakita si Mazy na kumakain ng mansanas sa ilalim ng puno ng mangga (Kung saan nakabitin ang lalaki) at punong-puno din siya ng dugo sa katawan. Walang sinasanto at pinapalampas yang si Mazy.

Pagkatapos ko maligo-este-magbabad sa CR ay nagbihis na ako at nanuod ng TV. Grabe,hindi ko akalain na aatakihin nanaman si Mazy ng sakit niya. 5 years ago,sa pagkakatanda ko,ang huling beses na inatake siya ng sakit niya. Meron kasing malalang sakit sa puso si Mazy at meron pa siyang asthma. Haiy naku! Wala namang magandang palabas. Makatulog na nga lang. Pinatay ko na yung TV. Pati yung ilaw. Iniwan ko na lang bukas yung nightlight ko.

*Fast Forward*

Mazy's POV

(Insert Song)

NP: We Can't Stop (Covered by Boyce Avebue and Bea Miller Acoustic)

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon