Isang bench sa parke. Makikitang may espasyo sa pagitan ni Paul at ni Jasmine, GF nito. Halatang may pinag-aawayan ang dalawa.
Jasmine: Hindi mo ako narinig? (sisingasing si Paul, malalim na bubutong-hininga si Jasmine) Paul---
Paul: ---Jasmine, hindi ngayon. Hindi pwede. Gustuhin ko man, hindi pwede.
Jasmine: Paano ‘to? Paano ako? Ganoon na lang…ganoon na lang, Paul? Iwanan? Laglagan? Sarilinan? Ano pa, Paul? Ano pang pang-iiwan ang gagawin mo sa akin?
Paul: Napag-usapan na natin ‘to. Ikaw ang hindi nakikinig!
Jasmine: (pilit kakalma) Ako pa…ako pa pala. Sige, ako lang ang may kasalanan dito. Ako lang may gusto ng relasyon na ‘to. Ako lang ang may gusto ng----
Paul: Stop it! Stop having this drama! Hindi lang naman dapat puro ikaw. Wala bang ako sa relasyong ito? Kung may tiwala ka sa akin----
Jasmine: Oo! Walang ikaw, walang ako, sa relasyong ito! Dapat, tayo! Dapat merong tayo! Paul naman, tayo gumawa nito, panindigan mo naman! Panindigan naman natin ‘to.
Paul: Uulitin ko, hindi pa ako handa. Hindi pa kita mapapanagutan.
Jasmine: Ang sabihin mo, takot ka lang!
Paul: Takot? Anon na namang pinagsasabi mo?
Jasmine: (sisingasing, kakagatin ang labi, galit na tatayo sa kinauupuan) Alam mo ‘un, alam na alam mo ‘un!
Paul: Fine! Fine, Jasmine, you won! Gusto mong malaman kung anong kinatatakot ko? Takot akong matulad sa Papa ko. Takot akong panagutan kita ng hindi pa ako handa. Takot na makita ka at ng magiging anak natin na naghihirap na mamamatay sa gutom. Takot ako kasi baka dumating ang araw, ang isang bagay na ginawa ng Papa ko na kinasusuklaman ko ay gawin ko din sa magiging pamilya ko. Ayokong mag-ibang bansa, ayokong maging amang pera lang ang batayan para masabing responsible. Gusto ko maramdaman ako ng magiging anak ko. Makita nila ako araw-araw. Mahirap bang intindihin ‘un? Mahirap ba?
Jasmine: (haharap kay Paul) Mahirap. Mahirap kang maintindihan. Kasi hindi mo rin ako naiintindihan. Sabi ako, walang ikaw, walang ako sa relasyong ito. Tayo. Magtutulungan naman tayo eh. Para sa magiging Baby natin!
Tatakbo palabas ng tanghalan. Lights off.
BINABASA MO ANG
PACKAGE (isang yugtong dula)
Aktuelle LiteraturIto'y kwento ng isang OFW. Kwento ng isang ama...ina...kanilang mga anak. Kwentong matagal ng ginasgas ng lipunan subalit patuloy na mag-iiwan sa atin ng mga marka...ng kurot sa puso. Kung makakatangap ka ng isang package, anong laman ang gusto mo?