Scene 2: Pag-asa

562 2 0
                                    

Saudi. Simpleng ayos ng silid. Makikitang nag-aayos ng mga damit sa maleta si George. Nakakalimang pasok na siya ng damit ng pumasok ng silid si Rod, isa ring Pilipino.

Rod: Tuloy ka na pala…

George: (malapad ang ngiti) Sa susunod na linggo. 

Rod: Tsk. Buti naman naisip mong magbakasyon. Aba, hula ko tumagal ka pa ng dalawang taon dito, mamamatay ka na hindi dahil sa pagod sa pagtratrabaho kundi dahil sa pangungulila sa pamilya mo. Sampung taong natiis mo sila. Hanep ka pare. 

George: Pare, hindi mo lang alam ang pinagdadaanan ko. (hihinto sa pag-aayos, mauupo sa gilid ng kama.) Para sa pamilya ko, matitiis ko lahat. Mas gusto kong umuwi sa kanila na maayos at mabuti ang kalagayan nila kaysa konti na lang mamamatay na sila sa gutom. 

Rod: Kunsabagay. Siguro mahina ka no?

George: Mahina?

Rod: Naisip ko lang. Kung umuwi ka noon matapos ang dalawang taong kontrata mo sigurado ako hindi ka na babalik ditto. 

George: (Matatawa) Pwede ka na pala kumuha ng pwesto sa Quiapo pare.

Rod: (matatawa rin) Sira ka!

George: Biro lang (patlang). Pero seryoso pare. Tama ka talaga. Kung noon ko naisipang umuwi, hindi ko matitiis pamilya ko. Hindi na ako babalik ditto.

Rod: Magugutom naman ang pamilya mo. 

George: Pare-parehas kamo kami.

Rod: Kaya maraming Pilipinong nag-aabroad. Nagtitiis. Nangungulila. Para kumita ng pera. Para may maipadala sa pamilyang naiwan nila.

George: Ang sabihin mo, maraming Amang nangingibang bansa. Para patunayang sila ang haligi ng tahanan. Baon ang tapang at pagmamahal sa pamilya nila.

Rod: Kahit may takot, may pangamba. Tiis lang talaga. Makakaya naman eh.

George: Sampung taong gulang ng iniwan ko ang panganay ko. Walo naman ang bunso. Anlalaki na nila ngayon. (namumuo ang luha sa mata) Si Ana. ‘Ung asawa ko. Mahal na mahal ko ‘un. Mahal na mahal. Miss na miss ko na ‘un. (maiiyak na.)

Hindi magsasalita si Rod. Hahayaan lamang umiyak si George. Didilim ang tanghalan. Aalis ang dalawa sa stage.

PACKAGE (isang yugtong dula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon