Sa Sala. Si Ana, makikitang nagwawalis at naglilinis ng sala. Hanggang sa mapansin niya ang litrato ng asawa malapit sa sofa. Dahan-dahan niya iyong kukunin. Hahaplusin at dadalhin sa dibdib. Darating si Paul. Makikita ang ina. Iismid at dire-diretsong mauupo sa sofa.
Paul: Ma, ‘di ka ba napapagod?
Ana: (Pupunasan ang nangilid na luha) Kung ang tinutukoy mo ay ang paghihintay ko sa pagbabalik ng Papa mo, oo, hindi ako mapapagod. Dahil ama n’yo ‘un.
Paul: Sampung taon niya tayong iniwan. Oo, sige nagpapadala siya, pero hanggang ganoon lang. Parang wala man lang siyang amor na magbakasyon at makita man lang tayo.
Ana: Gustuhin niya man ay hindi siya pinapayagan ng Employer niya. At naghihinayang ang Papa mo sa kikitain niya. Habang lumalaki daw kasi kayo, lumalaki din ang gastos.
Papasok ng sala si Pauline, nakababatang kapatid ni Paul.
Paul: ‘Yang bunso n’yo ang pagsabihan n’yo. Kung ano ano ang gusting ipabili. Gusto lagi sunod sa uso.
Pauline: (sisimangot, hihinto ilang dipa kay Paul) Kuya, I’m not in a mood para makipagtalo sa’yo. Hindi ko pinipilit si Papa para bilhan ako ng mga kailangan ko sa school. I’d like to underline and quote, kailangan ko ‘un sa school!
Paul: (gagayahin ang boses ng kapatid) “I’d like to underline and quote”….Arte mo! Iphone 4s kailangan sa school? Mac laptop? Eh may desktop naman tayo dito at gumagana pa ung Nokia 5110 mo! Ang sabihin mo, pasosyal ka lang! Hindi nag-ibang bansa si Papa para lang sa luho mo! Mahiya ka naman!
Pauline: Would you please stop, Kuya?! I don’t deserve this, alam mong ayokong sinesermunan ako. Kung si Mama at Papa nga ‘di ako sinesermuna, ikaw pa?!...Nakakainis ka talga!
Paul: Artehan mo pa, kulang pa!
Pauline: Mama oh!
Ana: Paul, tama nay an. Kung konsolasyon mang matatawag ‘di naman nagloloko sa pag-aaral ‘yang kapatid mo. Pasado naman lahat ng grado. Regalo na lang naming ‘un ng Papa mo sa kanya.
Pauline: Tingnan mo! Ikaw lang talaga kontrabida dito eh. (lalapit kay Ana, bebeso). Thank you, Ma! The best Mom ka talaga! Ma…
Ana: Hmmm….allowance mo? Oh, kabibigay ko lang sa’yo kahapon ah?
Pauline: Ma, may emergency project eh. Tapos hindi pa nagbibigay ‘ung mga ka-groupmates ko. Ako muna ang magaabono, pramis next week hindi na ako magpapadagdag ng allowance. Is just that nahiya naman akong pilitin sila. Eh deadline na this week eh. (paamo ang mukha, titikhim ng malakas si Paul.)
Ana: Oh siya…(dudukot ng isang libo sa bulsa) Kasya na ba yan?
Pauline: You bet, ‘Ma! Bait talaga! (ikikiss ang ina sa pisngi, sabay dila sa kuya niya at mabilis na aalis ng sala.)
Paul: Ma, pinamimihasa mo eh.
Ana: Paul, meron naman kaming maibibigay eh. Ayokong pagkait sa kapatid mo ang pwedeng meron siya. Pagbigyan mo na kami ng Papa mo…please.
Paul: (sisingasing) Kayong bahala. (padabog na aalis ng bahay.)
Ana: Saan ka na naman pupunta? Paul! Paul! (Hindi sasagot ang anak, maiiwan si Ana sa sala. Mauupo. Muling aabutin ang larawan ng asawa. Hahagulgol.)
BINABASA MO ANG
PACKAGE (isang yugtong dula)
Ficción GeneralIto'y kwento ng isang OFW. Kwento ng isang ama...ina...kanilang mga anak. Kwentong matagal ng ginasgas ng lipunan subalit patuloy na mag-iiwan sa atin ng mga marka...ng kurot sa puso. Kung makakatangap ka ng isang package, anong laman ang gusto mo?