SCENE 8: Ang Trahedya sa Pamilya

1.9K 1 0
                                    

Paikot-ikot sa sala si Pauline. Hindi mapakali. Sa ganoon siya maabutan ni Ana. Magugulat ito ng maramdamang naroon ang ina. Sa gitna makikita ang isang malaking kahon, package iyon mula sa ama nila sa Saudi.

Ana: Ok ka lang ba, Pauline? Para kang manok dyan na hindi maka-itlog ah. Baka gusto mong buksan ang package na dala ng ama mo?

Pauline: Ok lang ako, ‘Ma. May hinihintay akong tawag. Kanina pa eh.

Ana: May boyfriend ka na ba? May hindi ka ba sinasabi sa aking dapat mong sabihin?

Pauline: ‘Ma, duh, I hate boys.

Ana: Tomboy ka ganun?

Pauline: I’m just not ready to commit.

Noon papasok si Paul sa sala, may tangang sulat.

Paul: ‘Ma, may sulat ka galling sa school ni Pauline. Nakabukas na ng nakita ko sa mailbox eh.

Ana: Oh ikaw na nga bumasa anak, tungkol ba saan ‘yan?

Pauline: Sulat? Galing saan? Sa school naming.

Paul: Yup, (bubuksan ang nakatuping ayos nito) Dear Mrs. Ana Fernandez, I would like to inform you---(mabilis na hahablutin ni Pauline ang sulat mula sa kapatid. Magugulat si Paul) Bakit ba?! Bakit mo inagaw? 

Pauline: This is not so important. Waiver lang ‘to.

Paul: (kukunot ang noo) What is that? Hindi ganyan ang magiging reaksyon ko kung waiver lang talaga yan. Ano yan Pauline, iabot sa akin yan…

Ana: Pauline, ano bang nangyayari? 

Pauline: This is just a waiver! Walang espesyal sa sulat na ‘to.

Paul: Huwag mo akong galitin. Hand me that piece of paper…one, two, three…

Pauline: (icrucrumple ang papel, itatapon sa dibdib ni Paul) 

(masasalo ito ni Paul, saka babasahin ng maigi, magugulat si Paul, lalatay ang galit)

Paul: Bakit nangyari ‘to?

Ana: (mag-aalala) Ano bang nangyayari, Paul?

Pauline: E-Ewan ko. May kumakalaban lang sa akin. SIniraan ako sa mga professors ko, pinapakat na…

Paul: Hindi ganun ang nakasulat dito! Mama, itong magaling n’yong anak, eh nahuling nakikipagkutsyaba sa kaklase niya para lamang makasapa. Dumating pa sa puntong nanaanakot at nagbabayad siya ng matatalinong estudyante to have no failing grades. At ngayon, bilang parusa, kick out siya sa University nila. (magugulat ang ina, maninikip ang dibdib) Bakit Pauline? Bakit mo ‘un ginawa?

Pauline: Hell I care kung ayaw mong maniwala--- (lalatay ang malakas na sampal sa mukha nito mula kay Paul, titili ang si Ana, mabilis na aawat si Ana, subalit nahablot na ni Paul ang buhok ni Pauline at kinaladkad niya ‘to sa package sa gitna ng sala. Pinaluhod roon. Habang nagmamakaawa si Ana na tigilan ni Paul)

Paul: Hell you care?! Hell you care?! Iyan, ‘yang package na ‘yan. ‘Yang nagpadala ng package na ‘yan! Hindi ka man lang nahiya. Mag-aayos ka lang naman ng pag-aaral mo ah. Puro ka luho! Puro ka bili! At dahil sobra sobra ang binibigay sa’yo, akala mo lahat mabibili ng pera! Wala kang kwenta! Hindi ka na nahiya kay Mama! Hindi ka na nahiya sa amin? Sinungaling ka! Sinungaling!

Ana: Tama na sabi! Tama na! Tama na, Pa----(biglang mahihimatay) 

(Maririnig nila Paul ang pagbagsak ng ina, mabilis na lalapitan ito, malilimutan ang galit kay Pauline. Si Pauline ay nag-aalalang lalapit din sa Ina.)

Paul: ‘Ma! Mama! Tumawag ka ng ambulansiya. Dali!

(Patakbong lalabas si Pauline, humahagulgol, bubuhatin naman ni Paul ang Mama niya palabas ng tanghalan.)

 

PACKAGE (isang yugtong dula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon