Makaririnig nang isang malakas na tili. Pakalad na ipapasok sa tanghalan si Jasmine ng ama niya. Hawak ng mahigpit ang buhok niya. Habang tumitili si Jasmine sa sakit. Kasunod naman niya ang ina at ang kapatid na bading at sumisigaw na, tama na.
Jasmine: Tama na, ‘tay! Tama na!
Ama ni Jasmie: (itatapon sa gitnang ng tanghalan si Jasmine, mabilis na dadaluhan siya ng ina at kapatid.) Napakalandi mo! Nakatapos ka lang ng pag-aaral mo, yan ka, buntis?! At anong papalamon mo dyan sa magiging anak mo? At nasaan ‘ung magaling na lalaki? Tinakbuhan ka? Ano ngayon, tayo kakargo sa anak mo? Dagdag palamunin dito sa bahay!
Ina ni Jasmine: Tama na sabi. Buntis ang anak mo, hindi ka na naawa. Tayo lang ang malalapitan niya.
Ama ni Jasmine: Oh kung hindi ba naman boba ‘yang anak mo! Alam na nga niyang hindi tayo mayaman, tapos magdadala pa ng problema sa bahay na ‘to!
Jasmine: Problema ‘Tay? Ako pa nagdala ng problema dito? Naririnig mo ba sinasabi mo? Ilan kaming magkakapatid? Walo! Lahat kami walang karapatang mag-aral dahil sa inyo! Dahil ayaw n’yong kumayod para itaguyod ang pamilya na ‘to. Nakapagtapos ako dahil ginusto ko! Dahil sa scholarship at pagtratrabaho hindi dahil sa inyo!
Ama ni Jasmine: Aba, pu---(akmang sasampalin ang anak, mabilis na haharang ang ina at kapatid)
Jasmine: Sige, bugbugin n’yo ako ng bugbugin. Dyan lang naman kayo magaling. Manakit. Pero ang magplano para sa pamilya na ‘to, para mangarap para sa amin, para tulungan kaming matupad ang mga pangarap namin, kahit kailangan hindi ko naramdaman ang pagka-ama mo!
Ama ni Jasmine: Ang kapal ng mukha mo! Anak lang kita at nasa poder kita, kaya lahat ng batas dito, akin! Nakapagtapos ka lang akala mo, ikaw na ang hari sa bahay na’to? Tingnan natin kung san ka dalhin ng kayabangan mo na ‘yan. Sige, buhayin mo yang anak, ipangalandakan mo yang kalandian mo sa lugar natin. Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo.
(Pigil ang galit na mabilis na tatalikod.)
Jasmine: Hindi ako magiging katulad n’yo! Hindi hahayaang maghirap ang anak ko! Hindi ko ipapaasa sa kanya ang responsibilidad na dapat ay sa inyo!
Ama ni Jasmine: (pang-asar na tatawa.) Tingnan natin, magaling ka eh.
(tuluyang lalabas ng tanghalan)
Kapatid ni Jasmine: Ate, sana hindi mo na sinagot si Tatay ng ganoon. Maya-maya, uuwi na naman ‘un ng lasing at hindi lang ikaw ang sasaktan nun pati si Nanay.
Jasmine: Hindi ko na mapigilan. Pakiramdam ko, wala na akong kakampi. Maski kayo.
Ina ni Jasmine: Nagulat lang kami. Pero matatanggap naming yan. Nandyan na yan eh.
(Magyayakapan ang tatlo. Mas lalakas ang iyak ni Jasmine. Sabay sabay silang lalabas ng tanghalan.)
![](https://img.wattpad.com/cover/24607938-288-k841414.jpg)
BINABASA MO ANG
PACKAGE (isang yugtong dula)
General FictionIto'y kwento ng isang OFW. Kwento ng isang ama...ina...kanilang mga anak. Kwentong matagal ng ginasgas ng lipunan subalit patuloy na mag-iiwan sa atin ng mga marka...ng kurot sa puso. Kung makakatangap ka ng isang package, anong laman ang gusto mo?