SCENE 10: Pagbabalik-Loob

556 3 2
                                    

(Maririnig ang isang mabining awitin. Makikita si Paul sa gitnang tanghalan. Nakaupo sa ibabaw ng package. May hawak siyang maliit na bola. Malayo ang tingin. Umiiyak. Sa isip ay naglalaro ang ilang eksena noong bata pa siya. Maaaring gawing voice over ang mga sumusunod na dialogue or maaari ring gawin sa isang gilid, depende sa naisin ng director.)

….10th birthday ni Paul…

George, Ana at Pauline: Happy birthday to you! (Palakpakan at tunog ng pumutok na confetti)

Ana: Happy birthday, Paul!

Pauline: Happy birthday kuya!

George: Happy 10th birthday, Kuya Paul! Hipan mo na ung kandila! At huwag kalimutang mag-wish!

Paul: Wish ko, sana hindi tayo magkahiwa-hiwalay! Na buo pa din ang tayo, forever! 

….after ng birthday ni Paul, sa garden…

George: Paul, pikit mo muna mata mo?

Paul: Para saan Papa?

George: Basta!

Paul: Ok. (pipikit)

George: Pagbilang ko ng tatlo, saka ka didilat ah! Wag madaya…isa, dalawa, tatlo!

(didilat na si Paul, makikita ang isang bola na n i-request niyang bilhin sa kanya. Mamimilog ang mga mata.)

Paul: Papa! Papa, thank you!!!

George: Tinupad ko pangako ko! Wala na akong atraso sa’yo…

Paul: Papa, may isa ka pang promise sa amin ni Mama… 

George: Ano ‘un?

Paul: Na hindi mo kami iiwan…kahitn kailan…

(Babalik sa kasalukuyan. Patatalbugin ni Paul ang bola, saka mahigpit na ipipitin sa mga palad. Hindi niya mapapansin ang pagdating ng ama. Dadako ito sa kanang bahagi niya.)

George: Hindi n’yo na binuksan yang package na padala ko. Inupuan mo na lang…(Hindi magsasalita si Paul, pasimpleng pupunasan ang mga luha. Mapapansin ni George ang hawak nitong bola) Taon-taon, pinaalala ko sa Mama mong bilhan ka ng bagong bola ng basketball, kaso daw tumatanggi ka. Kaya noong namili na ako ng mga ipapasalubong, naisip ko ako mismo ang bibili at pipili. Andyan nga ‘un sa package.

Paul: Hindi ko naman kailangan ng package n’yo…

George: Eh anong kailangan mo?

(Tatayo si Paul. Hindi sasagot.)

George: Sorry anak. Sorry kung sinumbatan kita. Sorry kasi hindi ko man lang iniisip ang mararamdaman mo. Na kailangan mo ng ama sa paglaki mo. Na ---

Paul: Hindi naman kasi sapat na may mga kaibigan ka lang. Iba pa din ang … tatay…ang may ama. 

George: (tatango) Pero wala namang amang nangarap ng masama sa anak nila. Wag na nating banggitin ‘ung mga pabaya talaga. Kung may pangarap man kami, mas gusto naming mas matupad ang mga pangarap n’yo. Kasihodang magpaalipin kami. Alam mo sa Saudi, samu’t saring kwento ng pagka.ama. Amang mas piniling umuwi sa piling ng pamilya niya dito sa Pilipinas baon ang kakarampot na ipon at takbuhan ng mga kamag-anak na umaasang maabunan ng biyaya. Amang nakulong at napugutan ng ulo dahil sa sobrang pangungulila ay nagawang mangaliwa. Amang kinalimutan nang tuluyan ang pamilya nila dito sa Pilipinas at nakahanap ng makakasama roon. Iyong malapit sa kanila at nag-aalaga sa kanila. Pero kapag tinanong mo sila kung may isang bagay man silang gusting baguhin sa buhay nila, iyon ay ang oportunidad n asana hindi na sila nangibang bayan. Na sana pinilit nilang hinanap ang mabuting kapalaran dito sa Pilipinas. Dahil sa bawat package na pinapadala naming, minsan nagdarasal kaming sana kasama kami roon sa package. Sana sapat na kaming regalo sa pamilyang naiwan naming dito. Masakit din sa amin minsan na malaman na mas sabik pa ang pamilya naming sa ipinapadala naming package kaysa sa kami mismo ang dumating sa piling nila. Dahil hindi naman kami isang regalo o package o anupaman….ama kami, Paul. Tatay kami.

Paul: Mas lamang ang takot sa amin, Papa. Sa bawat buwang nagpapadala ka ng package. Natatakot kami ni Mama. Na baka …na baka…hindi na tsokolate, magarang damit, palamuti, mamahaling sapatos ang laman ng package…kundi…ikaw mismo! Ikaw mismo na walang buhay at handa na lamang paglamayan.

George: Paul…

Paul: Pero ikaw ang nasorpresa. Kami ang nagbigay ng package sa’yo. Si Mama…si Mama…(hahagulgol) Gusto kong sisihin ang Diyos…gusto kong magtanong ng magtanong kung bakit siya pa…

George: Na sana ako na lang ganun ba?...

Paul: Papa…

George: Walang perpektong ama, Paul. May mabubuti at mayroon ding masasama. Pero ang ama ay ama. Kung paano tayong magiging mabuting ama sa magiging anak natin ay iyon ang mabigat na hamon. Iba ang pakiramdam ng isang anak. Subalit mas mabigat ang responsibilida at bigat ng damdaming pinapansan ng isang magulang.  Hindi mo pa ako maiintindihan ngayon, pero kapag naging ama ka…at gusto mong matupad ang mga pangarap ng mga anak mo…mauunawaan mo ako. At kung nasaan man ang Mama mo ngayon, alam mong nagdarasal ‘un. Na sana…mapatawad mo ako.

(Hahagulgol muli si Paul.)

Paul: Papa…Papa…(Mabilis na lalapit sa ama. Mula sa likuran ay luluhod ito’t kukunin ang kanang kamay ng ama.) Sorry, Papa! Sorry…! Sorry Papa!

(Dahan-dahang lilingunin ito ni George. Unti-unting aakayin patayo. Saka yayakapin.)

George: (ilalayo ng bahagya ang anak, hahawakan sa magkabilang pisngi.) Wala kang kasalanan anak. Wala. Kayo ng kapatid mo. Kung anuman ang pagkukulang ko, ng bawat isa sa atin. May panahon pa para bumawi. Ok? Tandaan mo, mahal na mahal ko kayo…kayo ng kapatid mo…at ng Mama mo…

(Noon papasok si Pauline. Lalapit ito sa mag-ama. Yayakap sa dalawa.)

Pauline: Papa!

(tatagal ang eksena sa ganoon. Saka magdidilim.)

END. 

 

PACKAGE (isang yugtong dula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon