Maririnig ang tunog na paglapag ng eroplano at voice over na sinasabi sa paliparan. Magbubukas ang tanghalan na puro puting telang nakabalot sa mga kasangkapan. Makikita pa din ang package sa gitna ng sala. Noon papasok si George sa sala. Tatawagin si Ana. Ang mga anak, subalit walang sasalubong sa kanya. Pupunta siya sa gitna, magtataka sa nakitang package na hindi pa bukas. Lilibutin ang tingin sa paligid. Noon papasok si Paul, bahagyang magugulat.
Paul: Sino ho sila?
George: (mabilis na lilingon, mangingiti pagkakita kay Paul) Paul? Paul anak, si Papa mo ‘to…(mabilis na yayakapin ang anak. Hindi tutugon ng yakap si Paul, maiilang si George, bahagyang lalayo.) Si Ana, ang Mama mo asaan? At si Pauline? Bakit walang tao dito sa bahay? At naiwan nyong nakabukas ang pinto. Buti hindi kayo pinasok ng mga magnanakaw. Kamusta ka? Kamusta ang magiging trabaho mo? Bakit nga pala hindi nyo pa nabubuksan ‘tong paadala kong package?
Paul: Bakit ka pa umuwi?
George: (Magugulat. Magtataka sa boses ni Paul) Dahil ama n’yo ako. Dahil bahay ko rin ‘to. Dahil sa wakas pinayagan na akong makapagbakasyon. May mali ba dun?
Paul: Sampung taon. Natiis mo kami ng sampung taon. Kung saan mo man hinugot ang lakas ng loob na magpakita pa sa amin, bilid naman ako sa’yo.
George: Alam mo kung bakit ako umalis…akala ko naiintindihan mo ‘un. Paul, anak---
Paul: ---wag mo akong tawaging anak! Sampung taon nagtiis si Mama na tumayong ina at ama sa amin ni Pauline! Sampung taon araw araw nalulungkot at umiiyak at labis na nag-aalala kung may asawa pa ba siyang nakaalalala sa kanya! Sampung taon, paulit-ulit at parang sirang plakang pinapaalala sa amin na meron pa kaming ama! Amang masipag! Amang nagsasakripisyo! Amang responsable! Amang---
George: Hindi ako nagkulang sa inyo! Hindi ako nakalimot magpadala! Halos makuba ako kakatrabaho may maipadala lang ako sa inyo! Doble doble ang sakripisyo ko! Alam mo ba ‘un? At ano ‘to? Ano ‘to, Paul? Bakit ako nakakarinig ng ganito? Bakit mo alko sinusumbutan ng ganito?
Paul: Dahil wala kang kwentang ama! Wala! Lahat sa’yo, akala mo, pera!
(Noon susulak ang galit kay George, hindi mapipigilang sasapakin si Paul, galit na hahablutin ito sa damit. Darating noon si Pauline, makikita sila, mabilis na aawat ito sa ama.)
Pauline: Papa! Papa tama na! Papa! (umiiyak)
George: (galit, pasigaw) Nagtrabaho ako dun! Hindi ako nagpakasarap! Bawat sentimo, bawat perang pinapadala ko dito, dugo’t pawis ang katumbas nun! Halos hindi na ako matulog! (may halong iyak) Halos hindi na ako makakain ng matino! Halos mabaliw ako! Kakaisip sa inyo, kakaisip kung ok lang ba kayo? Kung safe bang walang tumatayong tatay dito mismo sa bahay na ‘to! Ilang pasko, bagong taon, mga birthday, anniversary namin ng Mama ang tiniis kong hindi ma-celebrate na kasama kayo! Hindi moa lam Paul (dududruin si Paul), hindi n’yo alam kung ilang beses kong tinangkang mag-empake at takasan ang employer ko dun! Hindi n’yo alam kung ilang beses akong naririnig ng kasamahan kong Pilipino umiiyak mag-isa sa banyo at nagkukulong dun ng ilang oras! Para ano, para ilang beses tawagin ang mga pangalan n’yo. Para ilang beses na sabihing mahal na mahal na mahal ko kayo! Na-mimiss ko na kayo! Na gusting gusto na ng Papa n’yong umuwi ng Pilipinas para magkasama sama tayo! Hindi n’yo alam…hindi n’yo alam!
(Ilulugmok ni George ang sarili sa sahig. Iiyak doon. Makikitang tiim bagang si Paul. Si Pauline din ay malakas na umiiyak. Babalot ang katahimikan. Walang magsasalita. Pagkadaka’y tatayo si George. Pupunasan ang mga luha.)
George: Ang alam ko lang…hindi ako naging masamang ama…(malalim na bubuntong hininga) Nasaan ang Mama n’yo, gusto ko siyang makita….
(Malakas na hahagulgol si Pauline.)
Pauline: Papa…si Mama…
George: Anong…? May nangyari ba sa Mama n’yo?
Pauline: Papa, kasalanan ko…kasalanan ko…Papa…
George: Anong ngang nangyari sa Mama nyo?!
Paul: Patay na siya! Inatake sa puso si Mama! Patay na si Mama!
(Mapaparalisa si George. Tulalang tatalikod sa mga anak. At tila wala sa sariling lalakad palabas ng tanghalan habang may binubulong.)
George: Hindi totoo yan…hindi…hindi….
(Sa labas, maririnig ang malakas na sigaw ni George ng “HINDI!!!” at nakakapangalibot na sigaw at hagulgol nito. Mabilis na lalabas ng tanghalan sina Paul at Pauline.)
![](https://img.wattpad.com/cover/24607938-288-k841414.jpg)
BINABASA MO ANG
PACKAGE (isang yugtong dula)
General FictionIto'y kwento ng isang OFW. Kwento ng isang ama...ina...kanilang mga anak. Kwentong matagal ng ginasgas ng lipunan subalit patuloy na mag-iiwan sa atin ng mga marka...ng kurot sa puso. Kung makakatangap ka ng isang package, anong laman ang gusto mo?