SCENE 7: Payong Kaibigan

263 1 0
                                    

Garden. Makikitang parehas na may hawak na kape si Paul at ang kaibigan niyang si Dan, isang pastor. May center table sa pagitan nila.

Paul: Magpapa-counseling sana ako sa’yo. Ngayong pastor ka na, siguro naman pwede na ‘un.

Dan: You’re my bestfriend since college. At hindi pa man ako pastor nun, lagi mo na akong hinihingan ng opinion sa lahat ng bagay. What is it this time?

Paul: Anong pakiramdam ng lumaking ulila?

Dan: (kikibit balikat) The usual. Parang may kulang.  Naiinggit ka kapag nakakakita ka isang batang may ama at ina na nagaakay sa kanila. I was raised in the orphanage remember? Ang tatay tatayan ko na dun eh si Brother John. Pero iba pa din kapag alam mong tunay mong ama ung kaharap mo. Tunay mong mga magulang. 

Paul: Anong kaibahan ba ng ama sa ina?

Dan: Marami. Una na diyan, siya ang knight in shining armour ng pamilya. Sa kanya kumukuha ng katatagan at lakas ang isang ina para magpatuloy na itaguyod ang pamilya. Cliché to say, siya talaga ang haligi ng tahanan. Inspirasyon din siya ng isang anak. 

Paul: Do you wish you have a father?

Dan: Always. May mga bagay kasing hindi mo masasabi sa iyong ina na maiintindihan ka ng isang ama. May mga gusto at takot na kadalasan ang ama ang magbibigay sa’yo ng mga unang impormasyon. At ‘ung mga pagkakataon hindi lang ang iyong ina ang proud sa’yo pati ang punong lalaki sa pamilya n’yo. (tititigan ng maigi si Paul) Hanggang ngayon ba galit ka pa din sa father mo? (tatango si Paul) Hindi ko ieendorso sa’yo ‘ung gasgas na paalalang buti ka nga may ama pa, hindi tulad ng iba dyan.

Paul: Wala naman akong pinagkaiba sa kanila. 

Dan: Malaki pa din ang pagkakaiba. Hindi man pisikal na andyan ang ama mo, pero ginagawa niya ang lahat para mabuhay ang pamilya n’yo.

Paul: Hindi lang naman usapin ito ng pera. 

Dan: Pero ‘un ang kailangan n’yo para mabuhay kayo. At hindi naman pumunta ang ama mo doon para lang kumita ng pera. Kundi para hindi mo siya masumbatan na wala siyang kwentang ama. You may not see him physically, pero ramdam mo pa din ang presensiya niya. Iyon ang mas importante, kaysa andyan nga siya pero anlayo layo ng loob niya sa’yo. Distansya lang ang nasa pagitan n’yo ngayon, huwag mo namang ipagkait pati ang pagmamahal mo bilang anak sa isang ama.

Paul: Ewan ko Dan. 

Dan: Buksan mo kasi ang puso mo. Wag kang pakulong sa galit at sama ng loob. Ang ama mo’y ama mo. Lumapit ka sa Diyos. Magdasal ka. Kausapin mo siya ng puso sa puso At nang ibulong niya sa;yo ang mga dapat mong gawin. At huwag mong hintaying kung kailan handa ka ng magsabing mahal mo siya eh wala na siya sa mundong ito…tara dito ka na maghapunan.

Lalabas ng tanghalan si Dan. Susunod si Paul.

 

PACKAGE (isang yugtong dula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon