Scene 5: Isang Tawag

316 1 0
                                    

Hahatiin sa dalawang eksena. Sa kaliwa ay makikita si George na nagdadalawang isip kung tatawagan ang asawa. Sa kanan naman ay si Ana. Panay ang tingin sa cellphone, halatang may hinihintay na tawag. Ilang sandali pa, magdedesisyon si George na tawagan si Ana. Magpapakipot saglit si Ana at ng akma ng ibaba ni George ang tawag ay saktong pagsagot ni Ana.

George: Ana? (hindi magsasalita si Ana. Bobosesan lang ang asawa) Ana? Andyan ka ba? Naririnig mo  ba ako? Miss na miss na kita asawa ko…(mapapahkbi si Ana, maririnigg iyon ni George) Umiiyak ka ba? Ana?

Ana: George…ikaw kasi eh.

George: Asawa ko, nagtatampo ka ba?

Ana: Kahapon pa dapat ‘tong tawag na ‘to ah.

George: Sorry na. Pinag-overtime ako ni boss. Kakagising ko lang nga eh. Ikaw agad naisip ko. Itong tawag na ‘to.

Ana: Papa naman kasi. Alam mo namang sa loob ng sampung taon, itong tawag lang na ‘to ang nagpapanatag sa akin na ok ka pa dyan. Na may asawa pa ako at may ama ang mga anak natin.

George: Sorry na, asawa ko. Minsan lang naman nadedelay tawag ko ah.

Ana: (Hindi iimik)

George: Ana, alam mong miss na miss ko na kayo. Sa pictures at skype ko lang kayo nakakausap at nakikita eh. Musta si Paul? Si Pauline?

Ana: (bubuntong-hininga) Ayun, napapadalas na ang pagtatalo ng mga anak mo. 

George: Oh bakit naman? Kulang ba pinapadala ko at hindi kasya sa pangangailangan nila?

Ana: Sobra sobra naman, Pa. Itong panganay mo lang talaga, lagging nasisita ang bunso natin sa mga luho nito.

George: Regalo na natin iyon kay bunso. Bakit hindi sa’yo humihingi si Paul ng mga posibleng pamorma niya o gadgets?

Ana: Mana sa’yo anak mo, matipid. Ayaw ng luho. Nakuha naman sa akin ang pagiging simple. (Matatahimik si George. Mauupo. Matutulala.) Si Pauline, ewan ko ba kung kanino nagmana, eh siguro dala na din ng environment ng eskwelahan nila. Pero malambing parehas ang mga anak mo. Si Paul kahit parang lagging masungit at suplado, hindi kinakalimutang kumain dito ng agahan, ayaw niya daw magtampo ako. At nagtetext pa din iyon kung anong oras siya uuwi at hindi ba siya makakauwi. Nakahanap na nga din pala ‘un ng trabaho. Next month simula na niya.

George: Nagtatampo pa din ba sa akin si Paul kasi hindi ako nakadalo ng graduation niya?

Ana: Kinausap ko na. Pinaliwanagan ko na hindi ka talaga pinayagan ng Employer mo dyan. 

George: Oh anong sabi?

Ana: Ok lang daw, bawi ka na lang sa susunod.

George: Andami ko ng utang sa panganay natin. NI isang graduation niya wala akong naadaluhan. 

Ana: George, babalik na naman ba tayo dyan? Wala ba talagang pag-asang makapagbakasyon ka? Kahit isang buwan lang.

George: (ngingiti) May sorpresa ako sa’yo, Ma…

Ana: Ano?

George: Approve na ang two months leave ko pauwi ng Pinas… (Matatahimik.) Ma? (noon na maiiyak si Ana.) Ma? Umiiyak ka ba? Ayaw mo ba akong umuwi? 

Ana: Ewan ko sa’yo, Pa! Naiiyak ako sa saya. Buti naman pinayagan ka na…miss na miss ka na naming eh…

George: Ako din naman eh. Dapat ipagluto mo ako ng lahat ng paborito ko ah. 

Ana: Oo naman. So kelan naman ang alis mo dyan, ‘Pa?

George: Sa makalawa. Naka-empake na nga ako. Excited na talaga akong makauwi ng Pilipinas.

Ana: Ipagdadasal kong matuloy na talaga yan.

George: Tuloy na tuloy na ‘to ‘Ma. Wala ba akong makakausap sa mga bata?

Ana: Wala silang lahat, nasa eskwela pa si Pauline, si Paul naman kasama ngayon ng girlfriend niya.

George: Ganoon ba, oh sige, sa susunod na lang. Huwag mo nga pala muna sabihin sa mga bata na pauwi na ako. Gusto ko silang isorpresa.

Ana: (malapad na ngingiti) Sige ‘Pa, kung ‘yan ang request mo.

George: Thank you, Ma. Oh sige na, kailangan ko ng pumasok sa trabaho. I love you, ‘Ma.

Ana: I love you, ‘Pa…

Papatayin ni George ang phone. Parehas nilang dadalhin ang telepono sa dibdib.

 

PACKAGE (isang yugtong dula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon