Chapter 4

5.6K 132 0
                                    

**VIOLET's POV**

isang linggo na kaming nananatili dito sa pilipinas. Maayos naman at wala kaming nagiging problema. Naayos na din nila momy at dady ang naging problema sa kompanya nila.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang napag-usapan ni momy at ng anak ko.

Ganon na ba niya talaga ka-gusto ang makita at makasama ang dady niya?

Alam kong hindi ko magagawa yon dahil after all, ang dady na niya mismo ang tumaboy sakin-saming mag-ina at mahirap para sakin makaharap ulit ang dady niya pero mas mahirap sakin ang nakikitang nangunguli ang anak ko sa pag-mamahal ng dady niya.

Gosh! Mababaliw na ata ako sa kakaisip nito ah. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration.

"Anak, are you ok?" Napatingin ako kay momy na nasa pinto ng kwarto ko. Hindi kasi ako nagl-locked ng kwarto.

"Mom!" Tumayo ako at hinagkan siya sa pisngi at yumukap sa kanya.

"May problema ba ang baby ko ha?" Natatawang umiling naman ako at saka kumalas na sa yakap.

"Hindi na po ako baby mom. May anak na nga ako e at yon ay ang apo ninyo."

"Your still my baby, Violet. At kahit ilan pa ang maging anak mo para sakin baby pa rin kita."

Nakalabing sabi niya. Umiling-iling nalang ako bago umupo sa edge ng kama ko.

"So, bakit po kayo nandito? Diba nasa opisina kayo dahil may business matters kayo?"

"Oo.. pero tapos na kami sa business matters kaya nauna na ko sa papa mo. Nasa opisina pa rin siya hanggang ngayon dahil may kausap siyang isa sa mga investor's."

Hmm.. investor's? Alam ko namang maraming naging investor's si papa dahil narin sa sikat ang kompanyang pinapa-takbo niya but i've never heard na nakipag-usap si papa sa mga yon.

"Diba mom never siyang nakiki-pagusap sa kahit na sinong investor's niya? Lagi ngang si secretary Yuri ang kumaka-usap sa mga yon e. Bakit nag-iba yata?"

"Hayaan mo na anak. Malay mo ay importante silang pag-uusapan. Siya nga pala hindi sa pinapangunahan kita anak, pero kailan mo ba balak ipakilala si Cade sa tatay niya."

Nanigas naman ako sa kina-uupuan ko dahil sa tanong na yon. Kailan nga ba? O may balak ba kong ipakilala ang anak ko sa tatay niya?"

"Listen to me Violet. I know he hurts you a lot, pero anong magagawa non sa anak mo? Maiibsan ba non ang pangungulila ni cade sa pagma-mahal ng ama niya?"

"B-but mom..p-pinagtabuyan na n-niya po ako. B-baka hindi niya po t-tanggapin si cade at mas lalo lang masasaktan ang anak ko." Nag-umpisa namang tumulo ang mga luha ko.

Yumakap naman sakin si mom at hinagod ang likod ko.

"Shhh... hindi natin malalaman kung anong mangyayari sa hinaharap. Subukan mo anak at kung ipagtatabuyan ka pa rin niya then you have no choice but to accept the fact na hindi niya matatanggap ang anak mo--anak niyo."

"BILISAN mo na po mama at nagugutom na po ako." Narinig kong maktol ng anak ko sa labas ng kwarto. Dali-dali ko namang inayos ang sarili ko at dinampot ang bag saka lumabas ng kwarto.

"Oo na po heto na." Hinawakan ko naman ang maliit na kamay ng anak ko at sabay kaming bumaba.

"Anak, apo saan kayo pupunta at bihis na bihis kayo?" Tanong ni dady. Oo nga pala naka-uwi na siya galing opisina. Nagtataka na nga ako dahil sa kanina pa siya nakangiti psh.

Nababaliw na yata ang papa ko.

"Sa labas lang po. Gusto kasing kumain ni Cade sa Jollibie at gusto niyang magliwaliw since hindi pa siya sanay dito." Sagot ko.

Pregnant By A Mafia LordWhere stories live. Discover now