Chapter 11

4.1K 81 0
                                    

**VIOLET's POV**

"are you sure beshie?"

"Yeah. Ayokong makita ang anak ko na malungkot dahil sa pangungulila niya sa ama niya."

"E baka nakakalimuta mo ding babaeta ka kung pano ka sinaktan ng gagong yon. Ano magiging marupok ka na naman dahil mahal mo ang gagong yon?"

Napahinga naman ako ng mala-lim. Tama din naman kasi si Lia masakit sakin ang pang-iiwan na ginawa ni Shawn pero anong magagawa ko para din naman to sa anak ko.

"Bahala na beshie. Ang importante e maging masaya si Caden. I can sacrifice for his happiness." Sabi ko.

"Aish.. fine. Just make sure na walang gagawing katarantaduhan ang lalaking yon sa inyo kundi naku! Makaka tikim talaga sakin yon."

Natawa naman ako sa inasal ni Lia. Over protective siya samin ni Cade kaya naman walang nangahas na manligaw sakin ulit. And yes kahit may anak na kami ay marami pa rin akong suitors anong akala niyo sakin?

"Aalis na kami beshiee.."

"Take care you two."

***

Nandito kami ngayon ng anak ko sa kompanya ni Shawn. Kina kabahan ako. Ngayon na lang ako ulit nakadalaw dito after all those years. Although kilala na ko ng mga empleyado dito.

"Momy, andyan po ba sa loob ng big building na yan si dady?" Inosenteng tanong ng anak ko.

"Of course baby. Just behave ok and don't do anything bad."

"Ok po."

Pumasok na kami sa loob at sa entrance palang e binati na kami ng guard.

"Ma'am Violet ikaw na ba yan?"

"Opo ako na nga to manong. Kamusta po? Its been a while since huli tayong nagkita."

"Mabuti naman po ma'am. Ang laki na po ng pinagbago niyo ah at sino ang kasama mong bata? Pamangkin mo po ba yan?"

"Naku hindi po manong. He's Caden and he's my son."

Nanlaki naman ang mata niya ng sabihin ko yon. Expect ko na dapat yon e nong huli kasi nila kong nakita e wala pa kong anak haha..

"Ay naku sorry po ma'am. Akala ko pamangkin niyo yan e. Pumasok na po kayo at baka importante ang ginagawa niyo dito." Tumango naman ako at pumasok na kami sa loob.

Maraming napapatingin samin at yon iba e natigil sa ginagawa nila.

"Si ma'am violet ba yan?"

"Oo nga. Ang laki ng pinag bago niya ah."

"Lalo siyang gumanda."

"Kyahh.. how to be you po ms.Violet."

"Pero sino yang kasama niyang bata?"

"Pamangkin? O anak?"

"Gaga wala pang asawa kaya si ma'am kaya pano siya magka-ka-anak."

"Huh? Pero tignan niyo yong bata kamukha niya si Sir Drelle. Di kaya anak nila yan?"

"Hindi natin alam."

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga naririnig ko mula sa kanila. Tama naman sila e anak ni Drelle tong anak ko. Ganon na ba talaga kahalata na mag-ama sila?

Nabalik lang ako sa reyalidad ng kinalbit ako ng anak ko.

"What is it baby?"

"Momy, kanina ka pa po kina-kausap ng babae." At nginuso ang tinutukoy niya. Napatingin naman ako dito at yon pala ay ang secretary-- si Angel.

"Ano yon ms.?"

"Sabi ko ho kakausapin mo po ba si mr.Mckenzie?" Nakangiting tanong nito.

"Yes. Nandyan ba siya?"

"Opo ma'am. Pasok na po kayo sa office niya." Tumango naman ako at hinila na ang anak ko. Kumatok muna ako ng isang beses at binuksan ang pinto. Buti nalang at hindi lock.

"What do you need Angel?" Ang akala niya siguro ako ang secretary niya.

"S-shawn."

**SHAWN's POV**

nanigas ako sa kina-uupuan ko ng marinig ko ang boses na yon kaya dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at nakita ko si Violet na may kasamang batang lalaki.

"V-violet..." hindi na ko nag-aksaya pa ng oras at dali-daling tumayo at yumakap sa kanya.

God knows how much i miss her so bad. Ngayon ko nalang ulit siya nayakap.

"S-shawn.. i-i cant't breath." Napakalas naman ako ng yakap sa kanya at tinitigan siya sa mukha.

"Momy.. is he my biological father?" Nabaling ang attensyon ko sa isang batang lalaki na.. na kamukhang-kamukha ko.

Tumingin naman ako kay Violet na nag-iwas ng tingin.

"A-anong.. a-anak ko ba siya?" Mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya.

"Y-yes."

"A-ano?..."

Lumingon siya don sa batang lalaki na inosenteng nakatingin samin at lumuhod para mag-pantay ang mukha nila.

"Diba baby, you really want to see and know your father? Then he is your father."

Hindi pa nagl-loading sa utak ko ang mga nalaman ko ay bigla nalang akong dinamba ng yakap.

"Dadyy!!!" Ngawa niya. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ko. Niyakap ko nalang ang batang to na siyang anak ko.

***

Ilang minuto pang nagtagal ang drama namin at ngayon ay nag lalaro na si Caden sa office ko at naka-upo naman kami ni Violet dito sa mahabang sofa.

Aaminin ko may galit na nabuo sa akin but i can't blame her after all it was my fault kung bakit siya umalis.

"A-anong pangalan niya?" I ask.

"C-Caden... Caden Kahn."

"Hindi mo sinunod sa apelyedo ko?" Tumungo naman siya at marahang tumango.

"Bakit Violet? Sana naman kahit malayo ako sa inyo ay sinunod mo pa rin ang apelyedo niya sa akin."

"Ang kapal mo din e no shawn? Pagkatapos lahat ng ginawa mo sakin ay aasa kang isusunod ko sayo ang anak ko? No way! Nasan ka ba nong panahong kailangan kita.. kailangan ka namin? Nasan ko nong mga oras na ipapanganak ko na si Cade ha? Nasan ka non?!!"

Nagulat naman ako ng sumigaw siya kaya pati anak namin e napatingin na samin.

"Momy, dady are you two fighting?"

"Ahh no baby. Back to your playing. Nagt-talk lang kami ng dady mo." Napabuntong hininga naman ako dahil totoo lahat ng sinabi niya. Wala nga akong nong mga panahong kailangan nila ko. Wala ko nong panahong manganganak na si Violet kaya ano bang karapatan ko para magreklamo.

"S-sorry.."

"Psh.." ani niya at tinalikuran ako saka lumapit kay Caden.

'Don't worry Violet, ibabalik ko ang mga tiwalang sinira ko.'


Pregnant By A Mafia LordWhere stories live. Discover now