**KESTLER's POV**
yow! First time to mga tol haha... anyway ako nga pala si Kestler Anderson, ang pinaka-gwapo sa balat ng lupa. Hahaha walang aangal don kung hindi--
(A/N:kung hindi ano?)
Biro lang yon author hahaha... so back to the story. I am 25 yrs of age same with shawn my bud haha... magkababata kami niyan simula pa nong bata kami hanggang ngayon.
Isa ako sa kasali sa mafia organization kung saan si Drelle ang aming boss o leader. Ang ama niya ay ang dating mafia Lord at nong panahon na mamatay ang ama niya ay kay Drelle na ipinasa ang pagiging mafia lord niya. Kaya ngayon si Drelle na ang kinatatakutan ng lahat well maliban saming mga kaibigan at kasamahan niya.
"O bud, saan ka nanggaling?" Tanong ni Khurt sa kadadating na si Yohan.
"Nakipag meeting." Tipid na sagot nito. Kahit kailan talaga ang bugok na to ang tipid-tipid magsalita.
"Ows! Tungkol ba dyan sa inutos sayo ni ate Yssa?" Tanong ko. Si ate Yssa ay ang nakatatandang kapatid ni Yohan at sa susunod na buwan na ito ikakasal kaya todo paghahanda ang pamilya nila sa kasalang magaganap.
"Yeah."
"So kamusta ang pakikipag-meeting mo? I've heard isang sikat na fashion designer ang kinuha ng ate mo para mag-design sa gown niya at sa mga bride's maid niya." Totoo ang sinabi ni khurt. Isang sikat na Fashion designer ang kinuha ni ate dahil sa imported ang mga tela na ginagawang gown ng babaeng yon.
Pano ko nalamang babae? Of course i ask ate Yssa at natatandaan ko pa nga ang pangalan ng designer na yon e.
Lianna Sanchz, yan ang name nong designer na kinuha ni ate.
Umupo naman siya at nagsalin ng wine sa wine glass."Yeah.. the meeting went well at nakakatuwa ang kasama niya." Nakangiting sabi ng bugok. Nanlaki naman ang parehong mata namin ni Santiago dahil ngayon lang namin nakita ang side na ito ni yohan.
"Totoo ba tong nakikita ko Collins? Ngumiti ka?" Di maka-paniwalang tanong ko.
"Wow himala at ngumiti ang isang Yohan Collins at dahil yon sa babae!"
"Tch! Shut up you too. Anderson kamusta ang inuutos sayo ni Mckenzie?" Tanong naman ni Yohan at nilagok ang wine niya.
"Mabuti naman. Yon nga lang mukhang napapansin na ni Let ang parati kong pagmamanman sa bahay nila." Sabi ko at sumandal sa couch na inuupuan ko.
"How did you say?"
"Palagi kasi siya naka tingin sa direksyon ko buti nalang at may suot akong sumbrebro kundi nalintikan na."
"Oi kung makapag salita ka dyan na nalintikan na as if naman kilala na tayo ni Violet. E diba nga hindi pa naman niya tayo kilala pero kilala natin siya maliban nalang kay Yohan na hindi pa nakikilala si Violet dahil ayaw niyang tumigin sa litrato ni Violet." Tama si Santiago. Hindi pa nga kami kilala ni Let sa personal pero kami kilala na namin siya dahil palagi kaming inuutusan ni santiago na laging bantayan si Violet.
"I don't want to look up at the pictures. Soon i will know her and i want to see her in personal not in that freaking picture of her." Napapa-iling na lang kami sa inaasta ni Yohan. Woman haters kasi ang gago kaya ganyan yan haha..
**VIOLET's POV**
"Bakit hindi ka pa nage-sleep baby?" Tanong ko ng makapasok ako sa room ang anak ko.
"Momyyy.." tumayo ito ay patakbong yumakap sakin. Napatawa naman ako dahil sa kakulitan ni Caden.
"Why are you still awake baby? Di porket weekend bukas e mag pupuyat ka na. Bad yan sayo dahil bata ka pa." Pangangaral ko dito. Tumingala lang ito sakin at nag pout.
"E kasi momy di pa po ako dina-dalaw ng antok at saka po nagd-draw pa po ako."
Mahilig talaga ang baby ko sa pagd-draw, mukhang minana niya ang talent sa pagd-drawing sa ama niya knowing Shawn is good at drawing.
"Can i see?" Hinila naman niya ko at nag indian sit kami sa sahig. Kinuha niya ang drawing book niya at pinakita sakin.
Di ko mapigilan ang hindi lumuha dahil sa ginuhit niya. It was a one happy family.
"Drinaw ko po ang family natin momy kaso sayang lang dahil wala si dady." Niyakap ko naman ito at tahimik na lumuha. Ayokong makita ako ni cade na umiiyak dahil alam kong iiyak din ito.
"Tell me baby, gusto mo na ba talagang makita at makasama ang dady mo?"
"Kung pwede po momy. I miss him already at naiinggit din po ako sa mga kaklase ko sa school na complete and happy family sila."
Ganon na ba ko ka selfish para hindi mapansin na nangungulila na pala ang anak ko sa pagmamahal ng isang ama.
"Im so sorry baby if momy is selfish. I just don't want to loss you. But don't worry makikita at makakasama mo din ang dady mo." Sabi ko at hinalikan ang ulo niya.
"T-talaga po momy?"
Kumalas siya ng yakap sakin at tumingala sakin. Ngumiti at tumango naman ako.
"Yeyyy!!! Finally makikita ko na din ang dady ko." Tumatalon-talon na sabi niya.
"Kaya mag sleep ka na para bukas na bukas din ay hahanapin natin kung nasaan ang dady mo."
"Thank you po momy and i love you." Humalik ito sakin bago pumunta sa kama niya at natulog. Napapa-iling nalang ako dahil halatang-halata na masaya siyang malaman na makikita na niya ang ama niya.
'Don't worry baby. This time ay itatama ko na ang mga mali ko. I can't afford to see you sad.'