CHAPTER 2
Matapos nang weird na pakiramdam na yun kay Victoria, hindi na ito nakita ni Ramcel ng mga sumunod na araw. Nasa mukha ng Mommy nya ang pagtataka sa tuwing makikita sya nitong nagwawalis sa harap ng tindahan nang hindi sya nito inuutusan. Nagbabakasakali kasi si Ramcel na baka lumabas ito ng gate.
Mababa lang ang bakod sa pagitan ng bahay nina Ramcel at nina Victoria kaya paminsan-minsan syang sumusulyap sa kabila pero hindi nya ito makita. Ni hindi ata ito lumalabas kahit sa magandang hardin nila. Takot sigurong maarawan, naisip nya. Yun marahil ang dahilan kung bakit ang puti nito.
Medyo disappointed sya. Akala pa naman nya magkakaroon na sila ng bagong kaibigan ni Jenny. Hindi talaga sya likas na pala-kaibigan, pero curious talaga sya kay Victoria.
Dahil sa pagkukusa ni Ramcel sa pagbabantay ng tindahan at pagwawalis ng bakuran nila, binilhan sya ng Mommy nya ng latest issue ng Funny Komiks at ibang fantasy comics na kinagigiliwan nya.
Focused sya sa pagbabasa nang pumasok sa tindahan ang Mommy nya dala ang isang supot ng ripe mango at isang tupperware. Kahit nakatakip iyon, sa amoy pa lang, alam nyang ang specialty nitong seafood kare-kare ang laman niyon. Biglang kumalam ang sikmura nya. Paborito kasi nya yun.
“Ramcel, dalhin mo ito sa mga Arzedon para matikman nila ang niluto ko,” nakangiting sabi ng Mommy nya.
“Sinong mga Arzedon?” Tanong nya at ibinalik ang tingin sa binabasa.
“Yung bago nating kapitbahay. Nakilala ko si Mrs. Arzedon kahapon dahil nag-enroll ang anak nya sa St. James. Nagkasabay kami. Mabait naman,” sagot ng Mommy nya.
“Si Victoria?” Interesado syang tumingin sa Mommy nya. Tumango ito kaya lihim na natuwa si Ramcel. “Pang-umaga o panghapon sya?”
“Pang-umaga sana kaso naubusan na ng slot kaya panghapon na rin sya. Baka maging kaklase mo,” tugon ng Mommy nya. “Eto. Dalhin mo sa kanila. Para kay Victoria yang mga mangga. Nagkasakit kasi sya. Makakabuti sa katawan nya ang prutas.”
“Kaya pala hindi sya lumalabas,” naisip ni Ramcel kaso bigla naman syang kinabahan na makita ito. Pero excited din sya. “Bakit ako? Ikaw na lang.”
Pinandilatan sya ng Mommy nya. “Aalis kasi ako. Pupunta ako sa parlor dahil maraming nagpa-appointment ngayon. Hindi kakayain ni Ate Marilen mo yun.”
Dun napansin ni Ramcel na nakabihis pang-alis na ang Mommy nya. May business kasi itong parlor sa bayan pero pumupunta lang ito dun tuwing hapon para na rin maningil sa mga pautang nya. Bukod kasi sa parlor, nagpapa-utang din ng bigas ang Mommy nya sa mga tindera ng damit sa palengke. Sa Maynila naman nagt-trabaho ang Daddy nya bilang arkitekto. Umuuwi lang ito tuwing weekend o kaya twice a month.
“Andyan naman ang Ate mo. Maghalinhinan na lang kayo sa pagbabantay ng tindahan mamaya.”
“Sinong magbabantay ngayon kung pupunta ako sa kabilang bahay?”
“Ako,” medyo masungit na sabi ng Ate Reese nya. Pumasok ito sa loob ng tindahan. Bagong ligo ito at napuno ang paligid nang halimuyak ng shampoo nito. Maganda ang ate nya at matangkad. Makinis ang maputi nitong balat at hanggang beywang naman ang itim na itim nitong buhok. Kaya kahit nasa Grade 6 pa lang ito, isa na ito sa mga popular girls sa eskwelahan nila.
BINABASA MO ANG
Since Nine
RomanceWalang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari store nila para may pambili. Walang nakakapukaw sa atensyon nya hanggang sa makilala si Victoria, a...