High School

6.6K 316 69
                                    

CHAPTER 7

Parehong kinakabahan but at the same time excited sina Ramcel at Victoria sa unang araw ng klase. Hindi kasi nila sigurado kung magiging magkaklase sila nito. Napag-usapan nilang sabay pa rin silang papasok, uuwi at kakain ng Lunch kahit magiging magkaiba sila ng section.

Nagkukumpulan ang mga estudyante sa harap ng Bulletin Board malapit sa Principal’s Office nang dumating sina Ramcel at Victoria. Ayun kay Helena, na binigyan sila nang nakalolokong ngiti, nakapaskil dun ang pangalan ng mga estudyante at kung saang section sila na-assign.

Matapos ang ilang “excuse me” nakasingit rin sina Ramcel sa unahan. Laking tuwa nila ni Vi dahil sa iisang section sila. Masaya syang hinila ni Vi palayo sa crowd nang makuha ang pakay. Niyakap sya nito sa kagalakan.

“Ang sweet nyo talagang dalawa. Nakakainggit kayo,” Helena commented innocently. Pero alam ni Ramcel na may pang-uuyam sa likod ng ngiti nito.

“Masaya lang kami ng bestfriend ko na magkaklase pa rin kami,” sagot ni Vi, na nagawa nitong mukhang fashionable ang uniform nila. Kulay puti ang collared top nila na may kulay royal blue necktie, na kasing-kulay ng skirt nila. “Ram, ayusin mo yang tie mo!” Pinandilatan sya nito nang makitang naka-undone ang necktie nya.

“Nasasakal kasi ako,” dahilan ni Ramcel. Hindi kasi sya sanay sa necktie. Ribbon lang kasi ang gamit nila nung elementary. Hindi sya marunong magtali ng necktie kaya si Reese pa ang gumawa nun para sa kanya. “Saka hindi ko alam ibalik.”

“Ikaw talaga,” nangingiting sabi ni Victoria. Muling naamoy ni Ramcel ang pamilyar na vanilla scent nito nang mas lumapit ulit ito sa kanya para itali ang necktie nya. Automatic na namang lumakas ang tibok ng puso nya. Hindi nya mapigilang mapatitig sa magandang mukha nito habang inaayos nito ang necktie nya. Nang matapos ito, nagsalubong ang kanilang mga paningin. Ang ganda talaga ng mga mata nitong kulay chocolate.

“Ram…” Titig na titig ito sa mga mata nya. Pakiramdam ni Ramcel naglaho ang lahat sa paligid nila. “…your grayish eyes...they are beautiful. ” Hindi nya alam kung gaano sila katagal nagtitigan pero naputol lang iyon nang marinig nila ang bell. “Halika na. Hanapin na natin yung classroom natin.” Hinila nito ang kamay nya.

Dahil 1st day ng pasukan, wala silang masyadong ginawa kundi ang mag-introduce sa kanilang mga sarili sa harap ng klase, which was Ramcel’s least favorite activity.

“Bakit kasi kailangan pa magpakilala, tayo-tayo rin lang naman,” bulong na reklamo ni Ramcel kay Vi, na nailing lang. May mga bagong mukha syang nakikita pero mga apat lang yun. Lahat nang nasa klase nila, mga magkakakilala na. Dapat yung apat na lang ang magpakilala.

Isa sa apat na transferees ang napansin ni Ramcel na kanina pa napapasulyap sa kanya pagkatapos nyang magpakilala sa harap. Pretty ito at matangkad din. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata. Ginantihan na lang nya ito ng matipid na ngiti. Liezle Marie Lobregat ang pangalan nito at galing sa isa ring Catholic school ngunit walang secondary level doon kaya sya lumipat sa St. James’ Cathedral School. Habang nagpapakilala ito sa harap, kay Ramcel lang ito nakatingin at nginitian sya nito ulit bago umupo.

“Kilala mo ba sya?” Biglang tanong ni Vi habang binubuksan nito ang lunch box na hinanda nito para sa kanilang dalawa. Natakam si Ramcel nang makitang chicken curry ang laman ng isa sa mga maliit na Tupperware. Marami rin itong baong kanin dahil alam ni Vi na matakaw si Ramcel.

“Sino?” Halos hindi magawang tanggalin ni Ramcel ang paningin sa anim na oozing with cheese ensaymada na laman nang pinakahuling Tupperware na binuksan ni Vi. Napilitan syang mag-angat nang paningin at nakita nyang nakakunot ang noo nito.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon