Best Friend

6.8K 340 86
                                    

CHAPTER 5

Mabilis lumipas ang mga araw at lalong napalapit ang loob ng tatlo sa isa't-isa. Hindi na nila namalayan ang mga sandali, Grade 6 na sila. Mas naging exciting ang pagpasok ng tatlo dahil lagi silang magkakasama. Hindi man sila magkakatabi dahil alphabetically arranged ang upuan, kontento na silang nasa iisang section sila. Kapag hindi strikto ang teacher, nagpapalit-palit ang buong klase kaya ang ending, silang tatlo pa rin ang magkakatabi.

"Ram, wala pa tayong one week na nagkaklase, bakit ang dami ng sulat yang notebook mo?" Curious na tanong ni Jenny habang pinagmamasdang nagsusulat si Ramcel habang hinihintay nila ang Math teacher nila. "Ano yang sinusulat mo? May assignment ba tayong hindi ko alam?"

Inirapan lang ito ni Ramcel at hindi sumagot. Tuloy lang sya sa pagsusulat.

"Ano ba kasi yan?" Usisa ni Jenny. Dahil hindi sumagot si Ramcel, hinatak nito ang notebook na pinagsusulatan nya saka binasa. Kung ibang tao ang gumawa nun, baka kanina pa ito nasabunutan ni Ramcel. At hindi rin nya magawang magalit dahil maging Victoria ay nakibasa rin. "Nagsusulat ka ng kwento? Kelan pa?"

Nag-init ang mukha ni Ramcel at agad na binawi ang notebook mula sa kaibigan. "Recently lang. Saka hindi naman maganda kaya wag mo ng basahin." Nahihiya nyang isinara ang notebook saka itinago sa bag.

"Ay ang daya!" Protesta ni Jenny. "Dapat mabasa namin yan."

"Ayoko!" Sinimangutan ito ni Ramcel.

"Akala ko ba friends tayo?" Pangungunsensya pa ni Victoria. "Dapat shine-share mo yan."

"Oo nga!" Gatong ni Jenny.

"Saka na pag tapos ko na," umayon na ring sabi ni Ramcel dahil hindi sya titigilan ng mga ito lalo at nadistract sya sa magandang mukha ni Victoria. Bakas sa mukha at mga mata nito ang pagsusumamo. Sapalagay ni Ramcel, kapag hiningi nito ang isang pack nyang Yakult, ibibigay nya ng buong puso.

Naiiling na lang si Ramcel nang tuwang-tuwang naghigh-five ang mga ito. Hindi na sya ginulo ng mga ito sa mga sumunod na araw. Hinahayaan lamang sya ng dalawa kapag nakikita syang tahimik na nagsusulat. Alam ng mga kaibigan na umiinit ang ulo nya kapag iniistorbo sya habang nag-iisip.

"Ramcel?" Isang araw ay tinawag sya nang kanyang adviser na si Ms. Javier at sya ring Filipino teacher nila. Kasalukuyang naglalabasan na ng classroom ang mga kaklase. Katatapos lang ni Ramcel ayusin ang gamit nya at paalis na rin sana kasama nina Jenny at Victoria. "Pwede ba kitang makausap sandali?"

"Sige po." Sumenyas na lamang sya sa dalawang kaibigan na mauna na ang mga itong lumabas.

"You two can stay," nakangiting sabi ni Ms. Javier. Nagkatinginan silang tatlo pero lumapit ang mga ito sa desk ng teacher nila. "Alam kong matutuwa din sila sa ibabalita ko tungkol sayo, Ramcel."

"Ano po yun, teacher?" Curious na tanong ni Victoria.

Sumilay ang maluwang na ngiti sa mga labi ng teacher at tila proud na proud itong nakatingin kay Ramcel. Bumaling ito kina Vi at Jenny. "Sumali si Ramcel sa paligsahan nang pagsulat ng maikling kwento at sya ang nanalo sa buong Region 1." Hindi nakapagsalita si Ramcel sa pagkabigla, while Vi and Jenny squealled with delight.

"Ang galing mo!!!" Niyakap sya nang mahigpit ni Vi habang tumatalon-talon naman sa tuwa si Jenny.

"Kaya automatic na kasama na rin sya bilang finalist para sa National Competition ng Pambansang Pluma," pagtutuloy ng guro nang kumalma na ang dalawa. "Ang Pambansang Pluma ay kumikilala sa mga batang manunulat."

Umani na naman sya ng yakap kay Victoria at may kasama pang halik sa pisngi. Naramdaman ni Ramcel ang pamumula nya. Walang tigil naman sa pagtalon si Jenny habang pumapalakpak. Kita rin sa mukha ng mga ito na proud ang mga ito sa kanya.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon