CHAPTER 9
Dahil injured ang kamay ni Helena, tinulungan ito ni Ramcel sa paggugupit ng telang gagamitin. Sinubukan syang kausapin nito tungkol kay Vi pero hindi sya sumasagot. Hindi na nila kailangan pang pag-usapan ang tungkol doon. Determinado si Ramcel na itago ang lahat tungkol sa nararamdaman nya.
Bandang 8PM na nang magdesisyon si Ms. Rivera na pauwiin sila para hindi sila masyadong magabihan. Nagpang-abot pa sina Ramcel at Victoria sa may gate ng school. Nginitian nya ito pero nag-iwas ito nang tingin. Kasama nito si Milan at ang mga kagrupo nito sa sayaw.
“Vi!” Tawag nya dahil nauna na itong lumabas sa gate kasabay ni Milan. Hindi ito lumingon. Nagmadali sya para mahabol ito. “Vi!” Wala na itong nagawa kundi tumigil dahil nahawakan na ni Ramcel ang braso nito. Laking pagtataka nya nang iwaksi ni Vi ang kamay nito kaya nabitawan nya. “Sabay na tayong umuwi.”
“Huwag na Ram. Ihahatid nila ako sa bahay,” sagot nito at parang hindi ito makatingin sa kanya.
“Kami na ang bahala sa kanya,” sabi naman ni Milan. Napansin nyang pinagtitinginan sya ng ilan sa mga kagrupo ni Vi. Ayaw nyang maging praning pero pakiramdam nya pinagbubulungan sya ng mga ito.
“Anong problem nitong mga to?” Naisip nya pero hindi na lang nya pinansin.
Naisip ni Ramcel na baka may pupuntahan pa ang mga ito at hindi lang masabi ni Vi. Tumango na lang sya. Kung ayaw pang magsabi ng kaibigan tungkol sa manliligaw nito, hahayaan na muna nya. Hihintayin na lang nyang magshare ito kung kelan ito ready. Kahit nag-aalala syang gabi na, hindi na nya nasabi kay Vi dahil ayaw nya muna itong pakialaman.
Pagdating sa bahay, nagvolunteer si Ramcel na magsara ng tindahan para abangan nya si Vi. Gusto lang nyang masiguradong uuwi itong ligtas. Bago mag-alas nuwebe ng gabi, may humintong tricyle sa tapat ng gate ng mga Arzedon. Agad na lumabas ng sari-sari store at gate nila si Ramcel para makipag-usap saglit kay Vi. Hindi kasi sila masyadong nakakapagkwentuhan lately.
“Vi! Wait lang!” Agad syang lumapit rito bago pa ito makapasok sa gate.
“Saka na tayo mag-usap, Ram. Inaantok na kasi ako eh. Napagod ako sa practice namin. Isa pa, naghihintay na sa akin si Mama sa loob,” sabi ni Vi nang hindi man lang tumitingin kay Ramcel. Bago pa sya makapagsalita, pumasok na si Vi sa loob ng gate saka tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.
Na-weirduhan si Ramcel sa ikinilos ng kaibigan pero binalewala na lang nya. Baka nga pagod lang ito. Bukas nalang sya makikipagkwentuhan rito.
Kinabukasan, nagdoorbell si Ramcel sa gate nina Vi dahil 6:30AM na, hindi pa lumalabas ng bahay ang kaibigan. Dati-rati, on the way na silang dalawa sa school pag ganitong oras. Lumabas si Ate Gemma at sinabi nitong kanina pa umalis si Vi. Maaga daw itong pumunta sa school dahil may practice.
Naabutan nyang nakikipagkwentuhan si Vi sa dalawang babaing kasama nito sa dance troupe. Nasa gilid ang mga ito ng classroom sa may labas. Nagtama ang kanilang paningin. Nginitian nya si Vi pero umiwas ito ng tingin sa kanya. Nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap na para bang hindi sya nito nakita.
Pumasok na lang sya sa loob ng classroom at dun lang hinintay si Vi, na hindi man lang tumingin sa kanya o ngumiti. “Okay ka lang?” Concern na tanong ni Ramcel. “Masama ba ang pakiramdam mo?”
Umiling ito. Hindi na nya nausisa pa ang kaibigan dahil dumating na ang teacher nila. Nagtataka sya sa ikinikilos nito. Maging nung recess, agad itong tumayo at lumabas nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Naisip na lang nyang wala ito sa mood makipagkwetuhan. Nadismaya si Ramcel nang hindi rin ito sumabay sa kanya ng Lunch. Nami-miss na nya ang luto nito.
BINABASA MO ANG
Since Nine
RomanceWalang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari store nila para may pambili. Walang nakakapukaw sa atensyon nya hanggang sa makilala si Victoria, a...