CHAPTER 12
Nagising na lang si Ramcel sa mahinang katok mula sa labas ng kwarto. “Ram, gising na,” tawag ng Tita nya. Narinig nyang humikab pa ito. “Sumunod ka sa baba. Kain tayo ng almusal.”
“Susunod na po ako,” antok na antok pang sagot ni Ramcel. Hindi pa sya agad bumangon. Medyo nasilaw pa sya sa sinag ng araw na pumasok sa bukas na bintana.
Kahit hinihila pa rin ng kama, napilitang bumangon si Ramcel. Dumungaw sya sa bintana at napangiti sa nakita. Napapaligiran ng iba’t- ibang puno ang bahay kaya lalong ramdam ang lamig. Nakapagbigay ng ngiti sa mga labi ni Ramcel ang kulay asul na langit, at mga ibong malayang nagliliparan sa paligid, idagdag pang overlooking ito ng bulubundukin ng Cordillera. Napakagandang pagmasdan ang mga kulay berdeng bundok.
Nagising ang diwa ni Ramcel. Tiyak na ipapasyal sya ng Tita nya sa buong Baguio. Bata pa sya nung huling punta nila dito. Buhay pa nun si Reena. Umakyat sila sa Baguio para makinig ng misa sa Cathedral at mamasyal dahil birthday nila ng kakambal.
Siguro kung buhay si Reena, hindi sya masyadong malulungkot kasi alam nyang may kakampi sya. Alam nya sa puso nyang tatanggapin sya ng kakambal kahit ano pa sya. “Enough of the sad thoughts, Ram,” pagalit nya sa sarili. Narito sya para makalimot kahit panandalian lang.
Matapos maghilamos, bumaba na sa dining area si Ramcel. Kumain sila ng almusal na hinanda ng asawa ni Mang Tony. Pagkatapos magpakabusog ng magtita, mabilis silang naligo at nagbihis para makapag-umpisa na silang mamasyal.Kagaya ng inaasahan ni Ramcel, dinala sya ni Jam sa iba’t-ibang tourist spots sa Baguio. Nagrenta sila ng bike sa Burnham. Sinasamaan sila ng tingin ng mga ibang turista dahil ilang beses silang may nababangga habang namamangka sa man-made lake. Tawa lang sila ng tawa. Pakiramdam ni Ramcel para silang magbarkada ni Tita Jam.
Pero kahit panay ang tawa ni Jam, alam ni Ramcel na may lungkot sa likod ng mga ngiti nito. Kahit halos dalawang taon nang hiwalay ang tita nya sa ex-girlfriend, hindi na raw ito nagkaroon ng karelasyon. Sabi ng Mommy nya, in love pa rin daw si Tita Jam sa ex nito.
Paano pa rin nito nagagawang mahalin ang taong nang-iwan rito? Hindi man lang ba ito nagalit? Hindi ba posibleng mawala ang nararamdaman para sa isang tao? Napaisip din si Ramcel tungkol sa kanyang nararamdaman. Darating kaya ang araw na mawawala ang pagmamahal nya kay Victoria?
“Psst!” Narinig ni Ramcel ang tita nya. Napatingin sya rito. “Lusaw na yan. Ano bang iniisip mo?” Napatingin naman sya sunod sa hawak na dirty ice cream na noo’y tumulo na sa puting sneakers nya. Ramcel immediately licked it. Nakaupo sila sa isang stone bench paharap sa man-made lake ng Burnham. Pareho nilang pinanonood ang mga turistang gaya nila na busy sa pag-e-enjoy kasama ng mga pamilya o kaibigan nila. “Magsabi ka nga ng totoo. In love ka ba? Kanina ko pa napapansin na ang lalim ng iniisip mo.”
“Ganun ba yun? Pag nag-iisip nang malalim, in love na?” Napakunot ang noo ni Ramcel pero nag-init rin ang mukha nya. Ganun ba sya ka-obvious? May nakasulat ba sa noo nyang “In love ako kay Victoria”? Wait, in love nga ba sya sa bestfriend? Or Ex-bestfriend?
“Didiretsahin na kita, pamangkin. Napapansin ng Mommy mong malungkot ka. Nag-aalala sya sayo. Alam nyang hindi ka nakakatulog lately. Ayaw ka naman nyang pakialaman kaya hindi ka nya inuusisa. Hinihintay ka lang nyang magsabi,” seryosong sabi ng tita nya. “Nakwento lang nya sakin kahapon nung magkausap kami. Naisip ko na lang na isama ka ngayon para malibang ka naman.”
“Salamat, tita,” napangiti nyang sabi. Medyo naguilty naman sya dahil pinag-aalala nya ang Mommy nya. Tahimik silang kumain ng ice cream. Lalo tuloy nangatog sa lamig si Ramcel. Ibinulsa nya ang mga kamay sa jacket pocket nya nang maubos ang kinakain. Napatingin sya sa tita nya, na noo’y mukhang malalim rin ang iniisip. Nakita nyang may lungkot sa mga mata nito. “Tita, mahal mo pa ba sya?” Hindi nya napigilang itanong.
BINABASA MO ANG
Since Nine
RomanceWalang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari store nila para may pambili. Walang nakakapukaw sa atensyon nya hanggang sa makilala si Victoria, a...