Antok na antok na nag-spray ng So In Love si Raven (infinityh16) sa kanyang Spider Man shirt. Monday night. Ibig sabihin nun, first day sa work. Medyo pumipikit pa ng kusa ang mga mata nya. Kakailanganin na naman ba nyang umorder ng Barista’s Drink sa Starbucks to get her through the night? Ilang customer kaya ang masusungitan nya ngayong shift?
Napilitan syang dumulog sa hapag-kainan. Nakapaghain na si Rome kaya kakain na lang sya. Mukhang grumpy din ang girlfriend nya at inaantok na katulad nya. Lechon kawali at buttered shrimp ang ulam. Ayaw nyang madumihan ang kamay kaya she opted for lechon kawali.
“Hindi na crunchy,” komento nya sa isip nang kinagat ang balat. Tahimik silang kumain habang nagche-check ng Twitter nito si Rome. “Buti na lang may coke.” Magigising na rin sya maya-maya nito.
Raven was annoyed when she heard her cellphone’s notification. Ayaw nya nang maingay kapag ganitong inaantok sya. Sino na naman kaya ang nagtext? Baka BDO deals na naman. Pinipilit syang gumastos at gamitin ang credit card nya. Buy 60,0000 total worth of grocery to get free Nike Sneakers. Eh di yung sneakers na lang bibilhin nya, mas mura naman yun kesa 60,000.
“Budol is real,” naisip pa nya pero kinuha pa rin ang cellphone para tignan at baka tita nya ang nagmessage. Message pala sa Wattpad. Binuksan pa rin nya para tignan. Natigilan sya sa nakitang message sa Inbox. Binasa nya ang unang paragraph. Nagha-hallucinate ba sya dahil sa antok?
“Tignan mo nga to. Baka scam lang.” Sabay lapag ng cellphone sa tabi ng plato ni Rome, na medyo inirapan pa sya dahil busy itong pinagmamasdan ang latest picture na pinost ng BTS sa Twitter. Kinuha naman nito ang cellphone ni Raven saka binasa din ang message. Maya-maya nakangiting tumitig ito sa kanya.
“Congrats!” Rome said smiling. Mukhang gusto sya nitong yakapin pero dahil gising pa ang ate nito at anytime makikita sila, nakuntento na lang itong ngitian sya.
“Binabati kita! Makalipas ang ilang buwang dedikasyon, passion, at pagsisikap na maperpekto mo ang iyong kwento, nakamit mo ang isang hinahangad na parangal bilang isang Watty Award winner! Kami ay labis na nagagalak na maparangalan ka at ang iyong kwento. Ikaw ay napiling manalo sa kategoryang YOUNG ADULT,” ayon sa message sa Inbox. Galing sa WattysPH.
Yes, Dear Readers. Matagumpay ko pong nabudol ang WattysPH. Napaniwala ko po silang isa akong malikhaing manunulat kaya naman nanalo po ako sa kategoryang Young Adult. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman siguro ako ginu-good time lang ng Wattys nuh? Baka biglang bawiin at ma-Miss Columbia pa ako dito.
Gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang mga nabudol kong magbasa, mag-like, magcomment at magfollow. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Sana po ay patuloy nyong suportahan ang kalokohan ko sa Wattpad. Suportahan nyo din po ang ibang mga writers. Please check out other winners’ books. Available ata sa reading list ng WattysPH.
Gusto kong magbigay ng makabagbag damdamin at malikhaing mensahe sa inyo. Muntik na nga akong mangopya sa ibang writer pero dahil kunwari creative ako, gumawa na lang ako ng sarili ko.
Kidding aside, I want to say THANK YOU very much to all of you. Writing is my hobby. Sinisingit ko lang sya sa trabaho. Any moment baka mahuli ako at mabigyan ng Disciplinary Action ng boss ko. But I enjoy writing and delving into my own world, just like Ramcel. Buti na lang may Wattpad, I get to share my works. May mabibiktima ako sa mga kalokohan ko. Sobrang bonus na ang may maka-appreciate sa mga gawa ko. Extra bonus na ang magkaroon ng mga kaibigan rito (Gin, Faith and Sky).
Salamat din kay LCCervantes. Keep writing. You’ve always been supportive of me mula nang mabudol din kitang magbasa ng kwento ko. Isa ka sa mga nag-encourage sakin to write more.
Shine-share pa nya sa followers nya ang mga gawa ko. Kaya yung mga hindi pa nakakabasa ng mga gawa nya, I encourage you to support her.
At syempre, I want to thank my special someone, Rome. Sya po ang nag-encourage sa akin na magsulat dito. Sya po ang mastermind sa kalokohang ito.
Alam mo naman, you’ve always been my inspiration. I am here because of you. Road to forever is not a walk in the park but I’m willing to brave it as long as you are beside me. I love you to the moon and back. Ipagluto mo ko ng Pancit Canton please. Lucky Me, yung yellow. Dalawa. Salamat!
BINABASA MO ANG
Since Nine
RomanceWalang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari store nila para may pambili. Walang nakakapukaw sa atensyon nya hanggang sa makilala si Victoria, a...