CHAPTER 17
“Hi, excuse me.” Ramcel politely said. Natigilan ang tatlong kaibigan ni Victoria nang makita sya. Nilapitan nya ang mga ito sa canteen pagkatapos nyang paunahin na sina Lauren, Liezle at Helena. Nagdahilan syang pupunta sa Faculty Room. “I’m looking for, Vi.”
Nagkatinginan ang mga ito. Tila nagde-decide kung sasabihin ba sa kanya ang kinaroroonan ng kaibigan. Gusto nyang pag-untugin ang mga ito. Akala naman yata ng mga ito may masama syang balak kay Vi.
“Anong kailangan mo sa kanya?” Nagdududang tanong ng isa na pulang-pula ang labi dahil kalalagay lang nito ng lipstick.
Ramcel tried her best to hide her annoyance. She let her lips curved into a smile instead and it disarmed the three girls. She saw admiration on their eyes. She even saw one of them blushed. “Importante kasing makausap ko sya. May pinapasabi kasi si Mrs. Aquino,” she lied.
“N-Nasa library sya,” medyo nautal pa si Red Lipstick. “May t-tinatapos na project.”
Tinitigan nya ito sa mga mata saka nginitian nang matamis. “Thanks. Nice lipstick by the way.” Napaawang ang labi ni Red Lipstick at kulang na lang maging sing-pula ng pisngi nito ang mga labi.
Ramcel rolled her eyes as soon as she turned her back on them. Dahil malapit nang matapos ang school year, may mga estudyanteng tumatambay na lang sa corridor o kung saang-saang parte ng eskwelahan, maliban sa library. Allergic ang karamihan sa lugar na ito. Maging sya.
For someone who loved reading books, she never liked going to the library. Naiinis kasi sya. Naf-frustrate syang hindi mapasakanya ang mga librong laman niyon. Kapag may sarili na syang bahay magpapalagay sya nang sariling library.
Tanging ang bored na librarian ang nakita nya nang makarating roon. The tables and chairs were empty. She passed rows and rows of bookshelves then stopped at the last one. As expected, nakapwesto si Victoria sa pinakadulo ng library. Kung saan tahimik at malayo sa mga tao.
Hindi pa sya nito napapansin. Nakasalampak ito sa sahig at seryosong nagbabasa ng paperback novel. Umupo sya sa tabi nito. She inhaled her familiar vanilla scent. Automatic na lumakas ang tibok ng puso nya lalo na nang nag-angat ito nang tingin saka nagtama ang kanilang mga mata. Surprised registered on Vi’s eyes. Napakaganda ng kulay chocolate nitong mga mata.
“H-Hi,” Ramcel said smiling. Napatingin ito sa mga labi nya. Her gazed also dropped on Victoria’s lips. It took all of Ramcel’s will power to stop herself from kissing her.
Unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa labi ni Victoria. Kita sa mga mata nitong, she was glad to see Ramcel. “Hi, Ram. You found me.”
“I was looking for you. Gusto ko kasing magpasalamat.” Napakunot ang noo ni Vi. “At ibalik ito sayo.” Ibinigay nya ang kanina pa nyang hawak na hugis square na Tupperware. Pinaglagyan iyon ng heart shaped ensaymada na dinala ni Lauren para sa kanya kanina. “Alam kong ikaw ang gumawa nito.” Binuksan nya ang lalagyan at inilabas ang natitira pang isang ensaymada. Kinuha nya iyon saka kinagat. “Taste like heaven. Nagtamang muli ang kanilang mga mata. “I’d know your ensaymada anywhere, Vi. Yung mga ulam na pinapakain sakin ni Lauren lately, alam kong galing lahat sayo yun.”
Hindi ito kumibo. Sumandal ito sa pader at tumitig sa mga librong nasa harapan nila. “Paano mo nasabing sakin galing yan?”
“Sabi ko naman sayo, I’d know your ensaymada anywhere. Akala mo siguro puro kain lang ang ginagawa ko kapag pinagbabaon mo ko noon. I can recognize your cooking. You are the only one who could replicate my mother’s seafood kare-kare, Vi,” napangiti nyang sabi. She could still remember how Vi asked Ramcel’s mother to teach her the secret of her especialty. “Sayo lang tinuro ni Mommy yun kasi sinabi mo sa kanyang gusto mo rin akong ipagluto ng paborito ko.”
BINABASA MO ANG
Since Nine
RomanceWalang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari store nila para may pambili. Walang nakakapukaw sa atensyon nya hanggang sa makilala si Victoria, a...