Fear

7.1K 328 45
                                    

CHAPTER 4

“Kung may sasabihin ka, sabihin mo na bago pa kita batuhin ng magazine,” inis na sabi ni Reese kay Ramcel, na kanina pa palakad-lakad sa harapan ng ate nya.

Nakaupo si Reese sa kama nito at nagbabasa ng magazine nang kumatok si Ramcel at pumasok para kausapin ang ate nya. Tinignan sya ni Reese nang masama. Umupo si Ramcel sa kama paharap rito. Hindi nya sigurado kung tama bang sabihin sa ate nya ang bumabagabag sa kanya nitong mga nakaraang araw kaso wala syang ibang makausap tungkol dito.

“Ram, ano ba kasi yun?” Marahang tanong ng ate nya. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.

“Ano kasi ate…” Napakamot sa leeg si Ramcel. “Feeling ko, para akong si Tita Jam.” Mas nakababatang kapatid ng Mommy nila ang tinutukoy nya.

Napakunot ang noo ni Reese at medyo naconfused. “Para kang si Tita Jam?” Tumango si Ramcel. Napaisip ang ate nya. Tila naguguluhan pa ito. Maya-maya nanlaki ang mga mata nito. Marahil narealize na nito ang ibig sabihin ni Ramcel. “S-Sigurado ka?”

“Ewan ko. Siguro.”

“Paano mo nasabing para kang si Tita Jam? Nagkaka-crush ka ba sa…babae rin?” Tumango si Ramcel. Lalong lumakas ang kanina pang malakas na tibok ng puso nya. Paano kung itakwil sya ng pamilya dahil kakaiba sya? Pinalayas kasi ng lolo at lola nya si Tita Jam nang umamin ito sa sexual preference nito at tumangging iwanan ang girlfriend nito.

“Isusumbong mo ba ako kina Mommy?” Kinakabahang tanong ni Ramcel.

Matagal itong tumitig sa mga mata nya bago sumagot. “Hindi. Isa pa, wala kang dapat ikatakot kay Mommy. Tanggap nya si Tita Jam di ba? Matatanggap ka nun.”

“Ikaw, tanggap mo ba ako?”

Napangiti si Reese. “Oo naman. Kapatid pa rin kita. Hindi na magbabago yun. Halika nga dito.” Lumapit si Ramcel dito at yumakap sya nang mahigpit sa ate nya. “Ang bata-bata mo pa, ang laki na ng problema mo. Malay mo, confused ka lang. Baka lumipas din yan. Grade 5 ka pa lang Ram.”

Bumitaw sya sa pagkakayakap rito. “Paano kung hindi? Na ganito talaga ako?”

Marahang hinaplos ni Reese ang mukha ni Ramcel. “Eh di ikaw ang pinakamagandang lesbian sa buong mundo. And I will love you the same, Ram. Sigurado akong ganun din sina Mommy.” Yumakap ulit dito si Ramcel. “Bakit? Sino ba yang crush mo? Pag mukhang bakulaw yan, iuuntog ko yang ulo mo sa pader.”

“Si Victoria,” marahang amin ni Ramcel.

“May taste ka naman pala.” Reese nodded in approval. “Pero ang landi mo ah. Ang bata-bata mo pa, may nalalaman ka ng crush.” Saka nito kinurot sa tagiliran si Ramcel. “Mag-aral ka muna.”

“Ate naman eh.” Kunwari inis nyang sabi at hinimas-himas ang tagiliran. Tatawa-tawa lang si Reese. “Ikaw ba ate, wala ka pang boyfriend?” Tinapunan nya ito nang nanunuksong tingin.

“Wala. 2nd year pa lang ako. Gusto kong magfocus sa pag-aaral. At ganun ka rin dapat. Kailangan nating ipakita sa mga kontrabida sa buhay ni Mommy na pinapalaki nya tayo nang maayos,” seryosong sabi ni Reese.

Ang parents ng Daddy nila ang tinutukoy na kontrabida ni Reese. Galing sa mayamang pamilya ang Daddy nila. Nagkakilala ang mga magulang ni Ramcel nung nasa kolehiyo pa ang mga ito ngunit tinutulan ang pag-iibigan nila dahil hindi mayaman ang pamilya ng Mommy nila. Gustong ipakasal ang Daddy nila sa ibang babae. Pero dahil matindi ang pagmamahalan sa isa’t-isa, nagtanan ang Mommy at Daddy nila.

Pinili ng Daddy nilang magpursigi sa sariling sikap. Nagtutulungan ang mga magulang ni Ramcel Parehong nagsumikap ang parents nila para patunayan na kaya ng mga itong itaguyod ang sariling pamilya nang hindi ginagamit ang kayamanan ng mga Villarances.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon