Closer

6.2K 298 67
                                    

CHAPTER 6

Mula nang umalis si Jenny, lalong naging malapit sa isa't-isa sina Ramcel at Victoria. Lagi silang magkasama buong bakasyon. Kung dati ultimate boredom kay Ramcel ang pagbabantay ng tindahan, ngayon araw-araw syang excited dahil buong araw na naman nyang makakasama si Vi. Sinasamahan sya nito sa pagbabantay. Kung si Ramcel walang kangiti-ngiti, all smiles naman si Vi kapag humaharap sa mga bumibili.

"Dapat tularan mo si Vi. Ganyan dapat. Laging nakangiti para maraming customers," masayang sabi ng Mommy nya habang tuwang-tuwang nakatingin kay Victoria, na noo'y abala sa pagtitinda. "Hindi gaya mo, laging biyernesanto ang mukha. Hindi maganda sa negosyo. Paano ka aasenso nyan?"

Pinaikot na lamang ni Ramcel ang mga mata nang hindi nakatingin ang Mommy nya. Ang dami ngang bumibili pero puro mga boys naman na may gusto kay Victoria. Mga nagpapa-cute lang. Balik ng balik, puro tigpipiso lang naman ang binibili. Gumagawa lang ng excuse para makita at makausap si Vi, na oblivious sa epekto nya sa mga kalalakihan. May iba pang tsansing lang ang habol.

"Aray!" Napangiwi sa sakit si Bentot nang hatawin sya ni Ramcel sa kamay ng isang stick ng walis ting-ting. "Ram naman. Ang sakit ah!" Hinimas-himas nito ang natamaang kamay.

"Bakit kasi kailangang may kasamang haplos sa kamay ni Vi kapag kumukuha ng sukli?" Mataray na sabi ni Ramcel. "Mahiya ka nga. Ang dumi-dumi ng kuko mo." Kakamot-kamot na lang sa ulo ang napahiyang binatilyo.

"Makaalis na nga. Ang sungit mo," nakakunot ang noong sabi ni Bentot. "Bye, Vi!" Ngumiti itong bumaling sa natatawang si Victoria.

"Ikaw naman, parang tuwang-tuwa ka pang pinagsasamantalahan ka ng mga marurungis na katulad nun," masungit na sita nya kay Victoria, na lalong natawa. "Anong nakakatawa? Gusto mong ipalo ko sayo to?"

Tinaasan sya ng kilay ni Victoria. "Subukan mo. Hindi kita igagawa ng ensaymada," ganting panakot nito. Sinimangutan ito ni Ramcel. "Joke lang. Ang sungit mo lagi!" Niyapos sya nito. "Sabi ko naman sayo di ba, gusto ko lagi kang naka-smile. Ang cute kaya ng ngiti mo. Sayang naman kung laging nakatago yang mga dimples mo. For sure, maraming magkakagusto sayo."

"Kung kagaya rin lang ni Bentot na mukhang mabantot ang magkakagusto sakin, tatanda na lang akong dalaga." Kumunot ang mukha ni Ramcel sabay crossed arms. "Isa pa, ikaw lang ang hinihiling kong magkagusto sakin," nais sanang sabihin ni Ramcel pero nanatili lamang iyon sa kanyang isipan. Teka, naisip ba talaga nya yun? Malala na ata ang nararamdaman nya para sa matalik na kaibigan.

Halos magkasabay rin silang nagkaroon ng period. Nauna lang ng isang linggo si Vi, na kalmado lang at syang nagpakalma kay Ramcel nang sya naman ang dinatnan. Tinuro na yun sa school pero medyo na-shock pa rin sya. Katakot-takot na habilin ang natanggap nya sa Mommy nya, na kesyo huwag daw sasama sa mga lalaki at baka mabuntis sya.

"Buntis agad? Overracting talaga si Mommy," reklamo nya kay Vi.

"Syempre worried lang yun kasi dalagita ka na. Ganyan na ganyan din ang linya ni Mama sakin."

Kagaya ng ipinangako nila, sinusulatan nila si Jenny every week. Dahil bakasyon naman, nagagawa nilang gumawa ng sulat once a day at ipapadala ang mga iyon tuwing sabado. Pinapagalitan na sya ng Mommy nya dahil nauubos ang paninda nitong yellow and white pad.

Pareho din silang nahumaling sa Hanson at Moffatts. Pinagtatalunan lang nila lagi kung sinong mas magaling sa dalawang banda. Nagpaka-fan girl din sila sa Back Street Boys at Spice Girls. Pinilit nila si Reese na samahan silang panoorin ang Spice World. Pareho rin silang naluha sa Titanic, na halos abutin sila ng gabi bago lumabas sa sinehan dahil pinaulit-ulit nilang panoorin. Naririndi na rin sa kanya si Reese dahil paulit- ulit din nyang kinakanta ang My Heart Will Go On.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon