Tiwala,tiwala,tiwala,
Ang salitang madaling mawala.
Konting kamalian,
Ito'y lilisan.Huwag mong angkinin ang hindi naman sayo,
Dahil siguradong magkakagulo tayo.
Ang akin ay akin,
At sayo ang sayo rin.Kamalasan ang madadama mo sa buhay,
Kaya't magisip isip ka na habang may buhay.
Meron ka na lahat,
Kaya't makontento ka na dapat.At ikaw lalaki, ako'y sa iba mo na ipasa,
Dahil ayoko ng umasa.
Alam kong di mo na ako kailangan,
Kayat mas mabuti pang lumisan.Oo, ako ang nangiwan,
Kaya't ikay aking iiwasan.
Ayoko ng masaktan
Kayat ikay di ko na paniniwalaan.Masakit man sa damdamin na ikay layuan,
Ngunit ako'y may dahilan.
Kaya man kitang limutin,
Ngunit mga sakit kailangan ko pang tiisin.Matuto kang makuntento sa isang bagay,
Kung ayaw mong may masirang buhay.
Ang puso ay di laruan,
Kaya't wag mo itong paglalaruan.Kaming mga babae ay hindi man perpekto,
Ngunit wag nyo naman kami gawing insekto.
Babae ay may malaking epekto,
At hinihingi namin hindi perpekto kundi respeto.