Chapter 14: Maybe We Are Not Meant For Each Other

266 15 0
                                    

Xavier's POV

"Mark Villareal, her boyfriend" nagulat nalang ako sa sinabi ng lalaki at hindi ko napigilang mapaluha.

Sa lahat ng ginawa ko ito ang igaganti sa akin ni Mars?

Napaupo nalang ako sa sofa at umiyak. Wala na eh, wala na akong magawa eh.

Mars' POV

Nasasaktan akong nakikita kong nasasaktan si Xavier.

Kung ganito rin naman pala ang nararamdaman ko, bakit pa ako nag-revenge? Bakit ko pa ito tinuloy?

Hindi ko kaya, hindi ko kayang nakikita siyang ganyan. Naaawa ako kay Xavier sa ginawa ko. Maayos na kami eh, nagbago na siya eh. Pero anong ginawa ko. Sinaktan ko siya.

Sana hindi nalang ako nag-revenge. Sana hindi na lang. Pero wala na eh, huli na ang lahat.

May deal na ako kay Mark at hindi ko na puwedeng bawiin yun. Kung maibabalik pa sana ang panahon, hindi na ako magre-revenge.

Umiyak ako at niyakap ako ni Mark.

Diba ginusto ko ito? Bakit ako nasasaktan? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Freya's POV

Nasasaktan ako para kay Xavier. Kahit alam ko namang revenge yun, akala ko hindi niya totohanin.

Alam niyo ba kung bakit ako nasasaktan? Kasi mahal ko si Xavier. Pero wala siyang ibang minahal kundi si Mars.

Masakit para sa akin pero kailangan kong tanggapin.

Tinabihan ko si Xavier na umiiyak sa sofa at hinimas ko yung likod niya.

Bigla naman niya akong niyakap.

"Bakit ginawa sa akin ni Mars ito? Bakit?" umiiyak na tanong niya.

"Hindi ko alam Xavier, hindi ko alam" sabi ko pero alam ko.

Sana sa paraan na ito nararamdaman niyang nandito ako para damayan siya.

Maggie's POV

Anong nangyayari dito? Hindi ko sila maintindihan. Bakit may boyfriend si Mars na iba? Akala ko si Xavier lang.

Nilapitan ko si Mars.

"Mars? Anong nangyayari?" pabulong na tanong ko.

"Gusto ko lang sanang mag-revenge kasi nag-cheat siya sa akin noon pero bakit ganito? Ang sakit" bulong niya. Ngayon naiintindihan ko na.

Mark's POV

Diba ito yung gusto ni Mars? Diba ito yung dahilan kung bakit kami nag-deal? Bakit siya umiiyak? Bakit siya nasasaktan? Anong nangyayari? Hindi naman pala niya kaya eh pero, bakit niya pa tinuloy?

Mars' POV

Biglang lumapit si Xavier saakin at hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginawa. Pero Mars tandaan mo" hinawakan niya yung dalawang pisngi ko.

"Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi ka naalis dito at dito" tinuro niya yung dibdib niya at ulo niya at hinawakan niya ulit yung dalawang pisngi ko.

"Pero kung talagang mahal mo siya at sa kanya ka masaya, sige pababayaan kita. Kasi masaya ako kapag nakikita kitang masaya kahit nasasaktan na ako. Mars, wala na tayo" umiiyak na sabi ni Xavier at hinalikan niya ako sa noo.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako.

Sorry, Xavier, sorry. Mahal na mahal din kita ginawa ko lang naman ito para sayo, pero bakit tinitigil mo na ang relasyon natin? Hindi ako makakapayag, pero wala na eh. Tapos na, hindi mo na mababawi.

"Mahal na mahal din kita Xavier at palagi kang nandito" tinuro ko yung dibdib ko.

"At hindi kita malilimutan habang buhay" sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"Xavier, I don't deserve your love, I don't deserve you. Maybe someday you will find the one that deserve you and deserve your love. Someone better than me, someone will love you as much as I do. I love you Xavier always and forever. Maybe we are not meant for each other" sabi ko at ngumiti na kaming dalawa.

"Can we be friends?" tanong niya na nakangiti.

"Ofcourse" sabi ko at ngumiti rin ako.

Ngayon mas gumaan na ang pakiramdam ko kasi pakiramdam ko hindi na nasasaktan si Xavier, pakiramdam ko masaya na siya. Kung masaya siya masaya rin ako.

Xavier's POV

Masaya na ako dahil nakikita ko nang masaya si Mars.

Nilapitan ko yung lalaking kanina pa tahimik.

"Bro, peace na tayo ha? Sayo na si Mars at alagaan mo siyang mabuti ah? At huwag mo siyang sasaktan" sabi ko na nakangiti at ngumiti naman siya saakin.

Mark pala ang pangalan niya ngayon ko lang maalala.

"Always bro" sabi naman ni Mark.

"Kayo ko po si Mr.Villareal?" tanong ni Maggie at Freya.

"Oo, bakit?" tanong ni Mark.

"Pwedeng pa-picture?" tanong ni Maggie at Freya. Talaga itong dalawang ito, hindi man lang nahiya.

"Hoy, bawal yan" sabi ni Mars at hinila niya si Mark.

"Akin lang siya" sabi ni Mars.

"Pa-picture lang naman eh" sabi ni Maggie.

"Sige, basta kasama ako" sabi ni Mars at nagpicture kaming lahat ako, si Mars, si Mark, si Maggie, si Freya.

"Mars kanta tayo, ako mag-guitara" sabi at tumango naman si Mars. Magaling kumanta si Mars, mapapaibig ka sa boses niya. Nagsimula na akong mag-guitara.

"Sandali nalang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga ahhh
Maari bang hawakan ang
Iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang 'yong mga ngiti
Sana ay masilip

Huwag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sayo
Kahit na lilipad
Ang isip ko'y torete sayo

Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang tumula
Nanlalamig, nanginginig na ako
Akala ko nung una
May bukas
Ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo ohhhh

Torete, torete
Torete ako
Torete, torete
Torete sayo ohhh

Huwag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sayo
Kahit na lilipad
Ang isip ko'y torete sayo ohhh

Torete, torete
Torete ako
Torete ohhh torete
Torete sayo ohhh ohhhhh

Sandali na lang
Maari bang pagbigyan ahhh
Huwag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sayo
Kahit na lilipad
Ang isip ko'y torete sayo ohhhhhhhhhh
Torete sayo ohhh"

Yan ang kinanta ni Mars pero bago kami umalis ng hospital niyakap ko muna si Mars.

"Alis na kami" sabi ko.

"Sige" sabi ni Mark.

"Balik kayong lahat bukas ah" sabi ni Mars.

"Oo naman yes" sabay sabi namin ni Maggie, Freya, at ako. Nagtawanan na kami at tuluyan na kaming umalis.

Tama nga ang sinabi ni Mars. Baka we are not meant for each other talaga.

"Ang saya mo naman" sabi ni Maggie.

"Masaya na ako at nagkasundo na kami ni Mars, siguro nga tama siya we are not meant for each other" sabi ko.

"Mabait ka rin pala" sabi ni Maggie.

"Natuto akong magmahal at maging mabait dahil kay Mars, she the first girl that makes me happy" sabi ko.

"Buti nga sayo someone make you happy, pero ako wala" sabi ni Freya at tumingin ako sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, Freya. Suwerte ang taong gusto mo" sabi ko.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon