Chapter 2: Mark's Life

572 18 0
                                    

Mark's POV

I'm Mark Villareal.

Maaga akong naulila sa Mom ko dahil kalalabas ko pa lang sa mundong ito umalis na siya. Hindi ko man lang siya nakita ng personal, nayakap, nahalikan, at nakasama. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng nanay.

There's a girl na kaibigan ko noong bata pa ako, I called her M's but I don't know her real name. Siya ang nagpakulay sa mundo ko pero bigla nalang siyang naglaho.

Three years old ako noon, nagpakasal sa ibang babae si Dad, yung babaeng iyon may tatlong anak, pero hindi anak ni Dad.

I was in elementary na palagi akong binubully ng mga kaklase ko na wala daw akong Mommy, kaya yun palagi akong napapaaway.

There's one time na kinulong ako ng mga kaklase ko sa isang bodega, iyak lang ako nang iyak. Hanggang sa binuksan ito ng isang batang babae, hindi ko nakita ang mukha niya kasi punong-puno ng luha ang mga mata ko at bigla pa akong nahimatay that time. Paggising ko noon nasa school clinic ako, gusto kong hanapin ang batang iyon pero hindi ko masyadong nakita ang mukha niya.

High school ako naranasan kong maging hearthrob, pero alam niyo ang ginawa ko. Bawat nagkakagusto sakin, ginagawa kong girlfriend, then after mga two to four hour, sasabihin kong break na kami. Tapos sasabihin pa nilang ex nila ako, bakit minahal ko ba sila? Hindi, pinag-tripan ko lang. Wala kasi akong magawa eh. Pero tuwing uuwi ako sa bahay, palagi nalang akong pinapagalitan ni Dad at ni Anutie-Maid dahil araw-araw akong napapaaway.

Si Anutie-Maid ay ang tinuring kong nanay, siya lang kasi kakampi ko sa bahay eh, pati si lolo kakampi ko na rin kaya ginagawa ko lahat ng gusto ni lolo. Ako lang ang nag-iisang Villareal saming magkakapatid, I mean step-sis, oo step-sis puro babae kasi sila, so sa akin maipapamana ang company at mga kayamanan ni Dad. Pero tutol na tutol ang Step-Mom ko. May narinig akong conversation ni Dad at ang Step-Mom ko.

"Hindi pwedeng mapunta lahat ng kayamanan mo sa anak mo, dapat hati-hati sila ng anak ko" sabi ng Step-Mom ko.

"Pero anak ko siya at wala na akong magagawa dahil yun ang huling hiling ng asawa ko" sabi ni Dad.

"Hoy, ako na ang asawa mo ngayon, patay na siya kalimutan mo na siya" sabi ng Step-Mom.

"Pero asawa ko pa rin siya" sabi ni Dad.

"So ganun ako ngayon ang kabit" sabi ni Step-Mom.

"Hindi, pero sa anak ko lang lahat ng kayamanan ko" sabi ni Dad.

"Bakit nakikita ka ba ng putanginang asawa mo na yun? Alam niya ba ang ginagawa mo? Hindi! Kasi nasa langit na siya at patay na siya!" sigaw ng Step-Mom at narinig ko ang isang malakas na sapak mula kay Dad.

"Dad, wag mong saktan si Mom" sabi ng tatlong anak na babae ng Step-Mom ko at lumapit sila kay Step-Mom na umiiyak.

"Oh, ikaw, anong sinisilip silip mo diyan!" sigaw ni Jane sakin at akmang sasabunutan niya ako. Siya ang panganay.

"Jane, huwag!" sigaw ni Andreina. Siya ang ka-edad ko lang.

"So, siya ang pinagtatanggol mo ngayon" sabi ni Jane na nakapamewang.

"Oh, bakit ba?" sabi ni Andreina na naka-cross arms at taas kilay pa.

"Hey, tumigil nga kayo" sabi ni Tifffany. Siya ang bunso.

"Huwag ka ngang sumali dito!" sigaw ni Andreina at Jane.

"Tumigil nga kayo!" sigaw ni Dad at lumapit siya sakin. Inakbayan ako ni Dad.

"Kahit anong sabihin niyo anak  ko parin siya at sa kanya parin lahat ng pag-aari ko" sabi ni Dad at nag-roll ang eyes ni Jane.

"Dad, ako ang panganay, dapat sakin lahat" masungit na sabi ni Jane na naka-cross arms.

"Anak ka ba ni Dad?" tanong ko at nakita sa mukha ni Jane ang pagka-inis.

"Ako parin ang panganay kay Dad kasi ako ang una niyang anak, at saka kahit ikaw na  ngayon ang panganay hindi pa rin mapupunta sayo ang kayamanan kasi ako lang ang anak ni Dad" sabi ko.

"Yang pananalita ng anak mo!" sigaw ni Step-Mom at sabay turo sakin.

"Mark, pumunta ka muna sa baba" bulong sakin ni Dad at tumango ako. Sumunod naman sakin ang mga Step-Sis ko.

"Mark, huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganoon!" sigaw ni Jane pero inirapan ko lang siya. Hawak niya ang shirt ko.

"Ate..." mahinang sabi ni Andreina at hinawakan niya ang kamay ni Jane na nakahawak sa shirt ko.

Years passed...

"Mark! Ihanda mo yung kotse! Manganganak na Mommy niyo!" sigaw ni Dad. Oo buntis ang Step-Mom ko and you know si Dad na ang ama, kaya may kapatid na ako pero half. Hinanda ko na ang kotse at pumunta na kami sa hospital. Kasalukuyang nanganganak ang Step-Mom ko.

"Anak, huwag kang mag-alala. I won't break your Mom's last wish" sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ko. Sabi ni Dad ang last wish daw ni Mom is sa akin lahat mapupunta ang pinaghirapan nila ni Dad kahit magkaroon daw ng anak si Dad, it means sa akin lang dapat lahat ng kayamanan ni Dad at Mom.

Pumasok si Dad sa room ng Step-Mom ko samantalang ako nakaupo lang sa harap ng room ng Step-Mom ko. Lumabas na si Dad.

"Anak, lalaki kapatid mo" sabi ni Dad at napangiti ako.

"Sige Dad, may pasok pa pala ako" sabi ko at sumakay na ako sa kotse. Hep hep, hindi na ako estudyante, nagtatrabaho ako sa company namin dahil ako na ang magiging next na CEO sa company namin.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon