Chapter 77: Business Trip

187 8 0
                                    

Mars' POV

Pagkatapos naming maglaro sa carnival ay umuwi na kami. Mga 8:00PM na nung umuwi kami baka malate na ako sa biyahe ko.

"Sleep now, it's late" sabi ko at tumango silang tatlo at nang nakita ko na silang nakatulog ay sinara ko na yung pinto.

Tinawag ko si Ena sa harap ng kuwarto ng nga bata at dala na ni Ena yung mga gamit ko.

"Take care of them and kung pupunta sila ng school, bantayan mo sila. Huwag mo silang gugutumin, kung kailangan niyo ng pera tawagan niyo lang ako pero kung hindi mo ako matawagan, pwede mong tawagan yung secretary ko" sabi ko sabay bigay sa kanya nung number ng secretarya namin ni Mark.

"Mag-iingat kayo ah at alagaan mo silang mabuti" sabi ko at nagulat ako ng may narinig akong nagsalita mula sa aking likuran.

"Told yah, you were lying" sabi ni Justin na nakasandal sa pintuan ng kanilang kuwarto.

"I'm sorry, I just don't want you to be sad" sabi ko.

"Go now, baka magising pa sila Aish" sabi ni Justin at bumalik na siya sa kaniyang higaan.

I sighed.

"Take care of them" sabi ko at bumaba na ako.

Pumara nalang ako ng taxi dahil wala naman kaming driver.

Pagdating ko sa airport, naalala ko na naman noong araw na iniwan ako ni Mark.

FLASHBACK

"Gising ka na?" tanong ko at hinalikan niya yung noo ko.

"Aalis na ako mamaya" sabi niya at yumakap ako sa kanya.

"Alam ko" sabi ko.

"Paano ka na niyan?" tanong niya.

"Okay lang ako, two months nalang naman na, makakapagtrabaho na ako" sabi ko.

"Hmm...." sabi niya at nilaro laro niya yung buhok ko. Umupo na rin ako sa tabi niya.

"Bangon ka na?" tanong niya.

"Oo" sabi ko at pinulot ko yung mga damit ko sa sahig at sinuot ko saka ako pumunta sa banyo. Sinundan niya ako at nakita niya ako sa harap ng salamin na umiiyak. Nilapitan niya ako at niyakap.

"Ba't ka pa kasi aalis?" tanong ko.

"Kailangan kasi" sabi niya.

"Babalik ka pa ba?" tanong ko.

"Oo naman" sabi niya.

"Kailan?" tanong ko.

"Mga five months" sabi niya at mas lalo pa akong umiyak.

"Ba't ang tagal?" tanong ki.

"Mahirap kasi yun eh" sabi niya.

"Tandaan mo palagi, mahal na mahal kita" sabi ko at dinikit ko yung noo ko sa noo niya saka ako pumikit at patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

"Huwag ka nang umiyak" sabi niya at pinunasan niya yung mga luha ko.

"Paano kung makakahanap ka ng mas maganda, mas sexy, mas magaling, mas masipag, at mas mayaman sa akin? Eh di, ipagpapalit mo na ako" sabi ko.

"Wala nang mas maganda, mas sexy, mas magaling, mas masipag, at mas mayaman sa Maria Marciana Ochoco ko. Kasi para sa akin, ikaw na ang pinakamaganda, pinakasexy, pinakamagaling, pinkamasipag, at pinakamayaman" sabi niya.

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi ka pa nakakahanap ng pangpalit mo sa akin eh" sabi ko at pinitik niya yung noo ko.

"Ba't naman kita ipagpapalit? At isa pa, ipangako mo sa akin na hihintayin mo ako dito hanggang sa pagdating ko" sabi niya.

"Pangako, basta huwag mo lang akong ipagpapalit kahit anong mangyari" sabi ko.

"Oo" sabi niya.

"Sige na, maligo ka na at susunod ako, para maihatid pa kita sa airport" sabi ko at lumabas na ako ng banyo. Naligo na siya at nagpalit at sumunod naman ako. Kinuha namin yung mga gamit niya at nilagay namin sa kotse ko. Sumakay kami sa kotse ko and ako ang nag-drive, tahimik lang kami habang nagbiya-biyahe.

Nandito na kami ngayon sa airport, hinihintay namin ang time ng flight niya.

"Mark, mag-iingat ka ha?" sabi ko.

"Oo basta hintayin mo lang ako" sabi niya at tumango ako.

Ina-announce na yung flight and suddenly, I cried.

"Don't cry, babalik naman ako" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko.

"Mahal na mahal kita" sabi ko.

"Mahal na mahal din kita" sabi niya.

Dire-diretso siyang naglakad paalis.

Wala na siya
Umalis na siya
Tinalikuran na niya
Ang taong mahal niya

Wala akong magawa
Kaya ako'y umalis na
Umalis ako na luhaan ang aking mga mata
Dahil hindi ko mapigilan ang aking mga luha

Aking mga luha
Na kusang tumutulo sa aking mga mata
Na galing sa sakit na nararamdaman
Ng puso kong sugatan

Umiiyak ako
Habang ako'y nagmamaneho
Hindi mawala sa isip ko
Na wala na sa tabi ko ang taong mahal ko

END OF FLASHBACK

That was before, masakit para sa akin yun pero mas masakit na makita ko kung gaano siya naghihirap ngayon dahil sa kanyang kondisyon.

Mark, I will leave you for a bit, sana pagbalik ko makikita pa kita at ayaw ko na pagbalik ko ay nasa lupa ka na.

Huwag ganun ah, babalikan kita, Mark, basta huwag sa ilalim ng lupa.

Pagdating ko sa lugar kung saan magaganap yung business trip ko ay agad akong nagtungo sa sinabi nilang hotel na titirhan ko.

Nakakapagod naman magbiyahe, eh di isipin ko naman yung mga driver eh di mas pagod sila.

I miss them again, OA ko noh, wala pang isang araw eh, miss ko agad.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon