Chapter 73: Code Blue

175 8 0
                                    

Mars' POV

Nagising ako dahil sa gulat. It was all a dream. I feel very nervous and I look at the clock.

It's already 4:00AM and I suddenly cried. I hope it would not happen.

"Mom, why are you crying?" tanong ni Daphne at lumapit siya sa akin.

"Nothing, I just remember your Dad" sabi ko at yumakap siya sa akin.

"Don't worry, Mom, Dad will wake up" sabi ni Daphne habang tinatapik ang likod ko.

"Mom..." sabay na sabi ni Aish at Justin saka sila lumapit sa akin. Aish was crying.

"Why are you crying?" I asked.

"Mom, Dad will wake up right?" tanong niya.

"Yes, ofcourse" sabi ko.

"I had a dream that Dad has died" sabi niya at mas lalo pang tumulo ang luha niya.

"No, it's not gonna happen, okay?" sabi ko at napatango silang tatlo.

"Mom, are we going to see Dad today?" tanong ni Justin at tumango ako. Pumunta na ako sa kusina para magluto at sinundan naman ako ng mga anak ko.

After naming kumain, nagsiligo at nagpalit na kami at handa na kaming pumunta sa hospital.

Pagdating naminsa hospital, agad kaming pumunta sa kuwarto ni Mark at naupo naman yung mga anak ko sa upuan sa loob at ako naman ay umupo sa tabi niya.

"Hoy, diba gigising ka? Tignan mo oh, wala nang maghahatid sa anak natin" sabi ko habang umiiyak na naman.

"Alam mo kagabi, napanaginipan ko na patay ka na daw. Sabi nila hindi totoo ang panaginip diba? Kaya hindi yun totoo diba? Mark? Pisil mo naman itong kamay ko oh para alam kong magigising ka pa" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya pero hindi niya ito pinisil kaya napa-iyak at napayakap ako sa kanya.

"Diba sabi mo noon hindi mo na ako iiwan? Kaya stay ka lang, kawawa ang mga anak natin na lalaking wala nang ama" sabi ko at pinunasan ko ang mga luha ko.

"Gustong gusto na naming magising ka, kaya please gumising ka na, hindi lang kami ang naghihintay tayo. Marami pa sila diyan gaya ng mga kaibigan mo at ang mga empleyado ng companya natin" sabi ko at hinaplos ko ang buhok niya.

"Bahala ka baka bumagsak na yung companya at sayang ang pinaghirapan mo. Saka baka maghirap na rin kami ng mga anak mo, kaya gumising ka na, ikaw na lang ang natatanging pag-asa namin kasi ikaw ang haligi ng tahanan" sabi ko at hinalikan ko ang noo niya.

"Sige, mauna na kami ng mga anak mo dahil baka malate na sila sa school nila. Ipangako mo sa akin ha? Na may babalikan pa ako mamaya" sabi ko at hinalikan ko ang pisngi niya tapos nagsilapitan naman ang mga anak namin.

"Dad, dapat pagbalik namin gising ka na ha?" sabi ni Justin.

"Dad, kawawa na si Mom" sabi ni Aish.

"Dad, bangon na diyan, di ka pa naliligo" sabi ni Daphne kaya natawa kami pero may luha sa mga mata namin.

Hinatid ko na yung mga anak ko sa kanilang paaralan at pumunta na rin ako sa opisina.

"Ma'am kamusta na po si Sir?" tanong ng secretary ni Mark.

"Hindi pa siya nagigising" sabi ko.

"Ma'am huwag po kayong mag-alala, malakas po si Sir Mark, kaya pa nga niya pong suntukin yung pader eh na hindi na sasaktan" sabi ng secretary niya kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?" tanong ko.

"Meron po kasi yung time na may katawag siya, kayo po ata yung katawag niya, tapos bigla nalang siyang nagalit" sabi niya.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon