Mark's POV
After one year, sa wakas, makaka-uwi na rin ako at nakikita ko na ulit si Mars. Ay! Wala pala siya dun, hindi ko alam pero excited akong na akong bumalik dun.
Agad akong nag-empake ng mga gamit ko at pumunta na ako agad sa airport.
Naghintay ako ng ilang minuto at tinawag na nila ang flight ko.
Habang nasa eroplano ako.
FLASHBACK
"Mars, sorry hindi kita na alagaan" sabi ko at hinalikan ko yung noo niya. Bigla namang lumingon lingon yung ulo niya.
"Tama na! Tama na! Ayoko na! Nasasaktan na ako! Itigil mo na yan! Bitawan mo ako!" sigaw ni Mars at lumapit si Art at Dianne.
"Bakit?" bulong nila.
"Hindi ko alam" sabi ko.
"Tulungan niyo ako! Papatayin niya ako! Hindi ko na kaya!" sigaw niya.
"Mars, Mars, kalma lang kalma lang nandito lang ako" makalmang sabi ko at hinawakan ko yung kamay, hinigpitan naman niya ang pagkahawak sa kamay ko.
"Tulungan mo ako parang awa mo na" mahinang sabi niya at bigla nalang siyang nagising at bumangon. Niyakap niya ako at umiyak siya.
"Taha na Mars" sabi ko at hinihimas ko ang likod niya.
"Mark, huwag mo akong iwan" sabi niya at hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin.
"Oo Mars, hindi kita iiwan" sabi ko at hinalikan ko yung buhok niya.
"Pangako?" tanong niya.
"Pangako" sabi ko at pinunas niya yung mga luha niya.
"Bakit ba?" tanong ko.
"Sasaktan ako ng isang babae" sabi niya.
"Sino?" tanong ko.
"Cassandra" sabi niya.
"Cassandra?!" gulat na sabi ni Art at Dianne.
"Kilala niyo siya?" tanong ni Mars at humarap kay Dianne at Art. Tumango naman yung dalawa.
"Ex ko siya na hanggang ngayon hinahabol pa rin ako" sabi ko at humarap sa akin si Mars. Niyakap niya ako.
"Eh bakit ako pa ang pinili mong maging fake girlfriend mo?" bulong ni Mars.
"I hate her" bulong ko.
"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ni Dianne na nakapamewang.
"Wala" sabay naming sabi ni Mars.
"Ay kayo ah" sabi naman ni Art.
"Sige bili muna kami ng pagkain" sabi ni Dianne at lumabas na sila ni Art.
END OF FLASHBACK
Naalala ko noong may sakit siya, na papatayin daw siya ni Cassandra. Paano kung pinatay na ni Cassandra si Mars? No, it can't be.
Ang lawak ng imagination mo Mark!
Ilang oras pa ang lumipas, nag-announce ulit yung announcer dito sa eroplano.
"We are now in our destination" sabi ng announcer at naramdaman kong parang pababa na yung eroplano.
"Passengers, we are now landed" sabi ng announcer at kinuha ko na yung maleta ko sa taas saka na ako bumaba.
Huminga ako ng malalim.
Sa wakas nandito na rin ako ulit, I'm very excited to see them, to see...her.
Habang nasa airport ako, pinagkakaguluhan ako ng maraming tao kasi alam niyo na, sikat na ako diba? Pero hindi ako artista ah.
Natagalan ako sa airport dahil sa sobrang daming tao dun, kaya heto ako ngayon, nakaupo ako dito sa kotse ko pero iba ang nagda-drive.
"Saan tayo didiretso, Sir?" tanong ni Manong Driver.
"Sa bahay" sabi ko at tumango naman si Manong Driver.
Sinandal ko muna ang ulo ko sa sandalan at bahagya ko pinikit ang aking mga mata.
"Bro! Huy! Bro!" nagulat nalang ako sa sigaw ni Moren.
"Patulog tulog pa kasing nalalaman" sabi niya.
"Nasaan ako?" tanong ko.
"Nandiyan ka sa kotse mo" sabi niya.
"Alam ko, I mean, anong lugar?" tanong ko.
"Sa bahay mo, ano bayan, pasok ka na nga" sabi niya at tumayo ako.
Pumasok ako sa bahay at nakita ko ang mga handaan at maraming tao.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Bobo, ano pa ba? Eh 'di Welcome Party para sayo! Tsk!" sabi ni Art.
"Ganyan ka lang kasi wala ka pang anak eh" sabi ko sabay tawa.
"Gago, may anak na kaya ako, three months pa lang sa tiyan ni Dianne. Bleh!" sabi niya at dinilaan niya pa ako.
"Mark!" sigaw ni Dianne at agad siyang yumakap sa akin.
"Huy, nandito ako oh" sabi ni Art sabay pout.
"Ayaw ko sayo, pangit mo" sabi ni Dianne at tumayo na siya saka niya nilagpasan si Art.
Bigla nalang napayuko si Art at bigla namang yumakap si Dianne mula sa likod ni Art.
"Joke lang, love, I love you" sabi ni Dianne at humarap si Art sa kanya saka niya niyakap.
"Oh tama na yan, kain na tayo!" sigaw ni Tiffany at nagsikainan naman kaming lahat.
Pagkatapos kong kumain, lumabas muna ako sa bahay at pumunta sa tabi ng pool.
"Oh, ba't ka nandito?" tanong ni Moren at lumapit siya sa akin.
"I want to be alone for a while" sabi ko.
"Ano? Gusto mo?" tanong niya.
"Yung ano?" tanong ko.
"Punta tayo mamaya sa Rab Cafe para naman maging okay ka" sabi niya.
"No need" sabi ko at tinapik ko ang balikat niya.
"Bro, masyadong ka nang nagpapadepress sa babaeng yan, ang dami kayang babae sa mundo" sabi niya.
"Alam ko, bro, alam kong madaming babae sa mundo pero walang babaeng tulad niya" sabi ko at iniwan ko na siya dun sa labas dahil pumasok na ako.
"Bro, sorry I'm late, ginagawa ko kasi yung Thesis ko eh" sabi ni Ken.
"Okay lang, bro, huwag ka na sanang pumunta, tapusin mo muna yung Thesis mo" sabi ko.
"Gusto nga rin kitang i-welcome" sabi niya.
"Bahala ka" sabi ko at biglang tumabi sa akin si Xavier.
"Still no news from them" sabi ni Xavier.
"Oo nga eh, hindi mo ba alam kung nasaan sila?" tanong ko.
"Hindi ko alam eh, they left me too" sabi niya.
Nang sumapit ang gabi, nagsi-uwian na silang lahat at ako naman, mag-isang pumunta sa Rab Cafe.
Oo, alam ko, nagsinungaling ako kay Moren pero I want to be alone muna kasi eh.
Umupo ako sa stool at um-order.
"Yung pinakamalakas nga" sabi ko at binigyan naman nila ako ng isang baso ng alak.
Guys ituloy niyo pang basahin, baka sa sususnod na chapter ay magkikita na sila ni Mars.
Matagala akong mag-update sa story kong Chasing After You kasi tinatapos ko muna ito. Thanks!
BINABASA MO ANG
Fake Love And Revenge (COMPLETED)
Roman d'amourIsang wish at isang revenge ang dahilan kung bakit sila nagkakilala, kung bakit naging sila. Pero hindi totoo ang relasyon nila, in short, "Fake Relationship". Wala namang mawawala sa kanila pero makukuha nila ang lahat ng gusto nila at isa pa, wala...