Epilogue

335 13 0
                                    

Mars' POV

5 years later...

"Mark! Umuwi ka nga dito sa bahay!" sigaw ko mula sa cell phone.

"Oo na, okay? Saglit lang" sabi niya at pinatay na niya yung cell phone niya.

Tumakbo naman ako papunta sa kuwarto ng mga bata.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo sa school at pinapatawag na naman ako ng teacher mo sa guidance?" tanong ko kay Justin dahil kahapon ay tinawagan ako ng teacher niya.

Pinapauwi ko si Mark kasi ang aga niyang umalis kanina eh tulog pa ako nang umalis siya.

"Mom, eh kasi, sinuntok ni Justin yung isa naming kaklase" sabi ni Aish.

"Ano ba kasing ginawa niya?" tanong ko.

"Aba malay ko diyan" sabi ni Aish.

"Justin!" sigaw ko.

"Wala, parang gusto ko lang kasing manuntok" sabi ni Justin kaya napahapo nalang ako sa noo ko.

"Hay, ikaw na bata ka, humanda ka sa tatay mo" sabi ko at nagkibit-balikat lang siya.

Hay, jusko, anong klaseng demonyo ang pinanganak ko? Paano kaya siya mababago? Bigyan mo ako ng senyales, Panginoon.

"Nandito na ako, bakit ba?" tanong ni Mark.

"Yang anak mong lalaki, may ginawa na namang kalokohan sa paaralan" sabi ko.

"Justin!" sigaw ni Mark.

"I punched someone because I want to" sabi ni Justin.

"Why didn't you punch your self? Or even the wall?" Mark asked.

"It will hurt" sabi niya.

"Let's go" sabi ni Mark at sumakay na kami sa kotse siya.

Pumunta kami sa paaralan nila at agad kaming pumunta sa Guidance Office kasama si Justin at yung dalawang babae naman ay pumunta na sa kanilang classroom.

Naiwan si Mark sa labas ng Guidance Office at pagkaupo ko sa upuan, agad na sumigaw yung nanay ng bata.

"Yang, anak mo ha! Pagsabihan mo yan!" sigaw niya.

"Misis, pasensiya na po sa ginawa ng anak ko ha" sabi ko na kalmado.

"Tignan mo nga itong mukha ng anak ko oh!" sigaw niya sabay pakita sa mukha ng anak niya.

"Gusto niyo po ipagamot nalang natin?" kalmado kong tanong.

"Ay, hindi! Ang dapat jan sa anak mo, matanggal na sa eskuwelahang ito!" sigaw niya.

"Misis, kalma lang po" kalmado kong sabi.

"Paano ako kakalma? Ha?!" sigaw niya at biglang pumasok si Mark.

"I need to go now, love" sabi ni Mark sa akin at parang nagulat naman yung mukha nung nanay nung bata.

"Asawa mo siya?" tanong ng nanay.

"Yes, I'm Mars Villareal, bakit ba?" tanong ko.

"Ah, I'm sorry po, Ma'am, Sir. Kalimutan nalang po natin yung nangyari, sige ho, mauna na po ako" sabi niya at umalis na sila nung anak niya.

Napatingin naman ako kay Mark.

"Anung nangyari dun?" tanong ko.

"Hindi ka pa updated?" tanong niya.

"Huh?" sabi ko.

"Love, isa na ako sa mga kilala at isa sa mga pinakamayamang business man dito sa ating bansa. Ikaw naman" sabi niya.

"Talaga lang pero parang pinapahiya ka nitong anak mo" sabi ko.

"Ughh! Never mind" sabi ni Justin at lumabas na siya ng Guidance Office.

"Salamat po" sabi ko.

"You're welcome as always, Mr. and Mrs.Villareal" sabi niya at tumango kami.

Pumunta na kami ni Mark sa opisina namin at may handaan dito.

"Kailan pa?" tanong ko.

"Anong kailan pa?" tanong niya.

"Kailan ka pa naging kilala?" tanong ko.

"Matagal na" sabi niya.

"Eh ba't may handaan?" tanong ko.

"Ano bang problema mo, Mars? Lahat na lang ba nakakalimutan mo? Pati ba naman birth day mo" sabi niya.

"Wee? Birth Day ko ngayon?" tanong ko at nilabas na yung cell phone niya at pinakita niya sa akin yung kalendaryo ng cell phone niya na may nakalagay na event na, "My World's Birth Day".

"Kahit kailan talaga, tsk..." sabi niya.

"Salamat, my one and only" sabi ko at hinalikan ko yung labi niya.

"Huwag naman dito, mamayang gabi nalang sa kuwarto natin" bulong niya kaya pinalo ko ng mahina yung dibdib niya.

"Kahit kailan talaga, tsk..." sabi ko.

"You're copying my line" sabi niya.

"Alam ko, tara na nga, gutom na ako" sabi ko at kumain na kami.

Hapon na at sinundo na namin ang mga anak namin.

Pagdating namin sa bahay namin ay agad kaming nagsipalit at nagsi-ayos dahil may pupuntahan daw kami sabi ng magaling kong asawa.

Hay, jusko, pupunta lang naman pala kami sa pool namin eh. Pero infairness, may handaan na naman dito.

"Happy Birth Day, Mom" sabay-sabay na sabi mi Aish, Justin, at Daphne.

"Ahh, thanks" sabi ko at inabutan nila ako ng tag-iisang regalo nila.

Nandito lahat ng mga kaibigan namin pati si Venus.

Nilapitan ko si Venus at niyakap.

"Happy Birth Day, kambal" sabi ko.

"Happy Birth Day din, kambal" sabi niya at nagbeso-beso kami.

Lahat kami ay naglangoy sa swimming pool.

Lumapit sa akin si Mark.

"Sisid tayo" sabi niya at hinalikan niya ang labi ko saka kami unti-unting sumisid sa ilalim ng tubig.

Umahon na kami at saka naman lumapit sa amin yung mga anak namin at sumakay sila sa likod namin.

Mas higit pa ito kaysa sa inaasahan ko. Masaya na ako ngayon, kami ng pamilya ko at ito na ang pinakamasayang parte ng aking buhay.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon