He turn on his flashlight and headed to the building entrance. Madilim ang mga pasilyo, nagkalat ang sira sirang upuan at lamesa ang nadatnan nya. Nagpatuloy sya sa pagsunod sa tinig na narinig hanggang sa dinala sya nito sa tapat ng hagdan.
"HAHAhaha~"
Isa. Dalawa... Dahan dahan sya humakbang paakyat.
Isang pamilyar na amoy ang nalanghap nya pagdating nya sa 3rd floor. Ilang boses ang narinig nya sa di kalayuan. Pinatay nya ang hawak na flashlight at unti unting lumapit sa pinang gagalingan nito. Maingat ang bawat galaw nya. Iniiwasang makagawa ng anomang ingay."Anong ginagawa nyo dito?!" Aniya. Ilang mga lalaking estudyante ang nadatnan nya.
Sumama sa kakaibang amoy ng lugar dahil sa kalumaan ang usok ng sigarilyo. This students have been smoking.
"Tss. Wala ka na dun." Mayabang na tugon ng isa sa kanya. "Ang mabuti pa, umalis ka na lang." Ani nito habang winawasiwas ang kamay.
"Pano kung ayaw ko?"
"Di mo ba ko kilala?" Tanong nito sabay buga ng uso ng sigarilyo.
"Hindi. Bakit, kailangan ba kilala kita?" Pabalang na sagot nya.
"Di mo ko kilala?! HA?!" Di makaniwalang sagot nito sa kanya.
"Sino Yan?!" Na alis ang kanyang paningin sa kausap at nilingon ang may-ari ng tinig. Sa hindi kalayuan ay natanaw nya si Sir Phillip, sa may bukana ng hagdan.
Bahagya nyang tinakpan ang kanyang mukaha ng masilaw sya ng fashlight nito. "Sir." Tawag nya dito. Lumapit ito sa tabi nya habang nakakunot ang noon habang nakatingin sa apat na kalalalihan sa harap nila.
"Kayo na Naman!" Malakas na sabi nito at nag echo sa buong lugar. "Sa opisina ko!"
Naka pamulsa nilang tinapakan ang sigarilyo bago kampanteng tumakad palabas na parang bang nakasanay na nila ang ganitong pangyayari.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Baling nito sakanya.
"May napansin lang po."
"Ganon ba? Sige bumalik ka na sa trabaho. Kausapin ko lang ang mga pasaway na yun." Tinapik nito ang balikat nya bago umalis.
Makalipas ang ilang sandali muling nabalot ng matinding katahimikan ang buong lugar na ang tanging nagbibigay liwanag ay ang dala nyang flashlight.
"Alam kong nadyan ka. Get out." Malumanay na aniya.
Ilang metro mula sa kinatatayuan nya lumabas mula sa isang pasilyo ang isang babaeng may hanggang balikat ang haba ng buhok. Ngumiti ito sakanya habang awkward na kumaway.
"Hehe, hello.." Lumapit ito sa kinatatayuan nya at huminto nang ilang metro na lang ang tayo nila sa isa't isa.
"Bat andito ka? Diba sabi ko sayo umuwi ka bago mag-nine. Bakit ba ang kulit mo? Pano kung nakita ka ni Sir Phillip edi kasama ka ngayon nung apat?!"
"Chill, okay? Di nila ako mahuhuli. Malakas ako kay Lord." Nakangiting biro nito sabay turo sa taas.
"Tss, tara na nga." Aya nya dito.
"Mamaya! Samahan mo ko!"
"Saan naman aber?" Tanong nya dito hangbang kinakamot nito ang likod ng kanyang tenga. Nakasanayan na niya itong gawin sa tuwing magpipigil ng inis.
"Basta! Tara bilis!" Hinawakan nito ang braso nya at hinila kung saan.
"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong nya.
"Sa langit!" Pabirong sagot nito habang umaakyat sila ng hagdan.
Tumigil sya at tiningnan nito nang masama. Tiningala nya ito dahil nasa mas mataas nitong parte.
"Joke lang eto naman. Sa rooftop po."
"Tss, ano bang meron dun?"
"Wala." Mabilis na sagot nito. "Joke lang!" Mabilis na bawi nito ng bigla sya tumalikod at nagsimulang bumababa. Sinundan sya nito sabay hila sa manggas ng damit nya. "May ipapakita ako sayo. Malay mo mag smile ka naman kahit konti. Ang sungit sungit mo kasi. Meron ka ba?"
"Ha? Anong meron?" Takang tanong nya.
"Nevermind. Boys..."
"Pero sandali. Ako, masungit?" Sabay turo sa sarili.
"Oo, di mo alam? Kawawa ka naman."
Magsasalita sana sya para kontrahin ang sinabi nito pero na unahan sya.
"Andito na tayo!" Inalis nito ang kadenang nakatali sa pinto at binuksan ito. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanila. Sumabay sa hangin ang ilang hibla ng buhok ng babaeng kasama nya.
"Anong meron dito?" Takang tanong nya. Nilibot nya ang paningin. Tanging mga sanga at dahon ng mga punong nakapaligid sa buong building ang nakita nya. At ilang bahagyang liwanag na tumatagos mula sa mga pagitan ng mga dahon na animo'y mga alitap-tap.
Dahil sa nakita ay binigyan nya ito ng nagtatakang tingin. "Ito na yun?" tanong nya.
Tiningnan naman sya nito at parang di makapaniwalang sa sinabi nya. "Hayy, di mo manlang na appreciate to?"
"Ano namang maa-appreciate ko dito? Puno ng mangga?"
"Tss, Hindi kasi yan?!" Sabay turo sa taas.
Wow. Napangit sya nang bahagya, hindi makapaniwala sa tanawing nakita.
Dahil sa napapalibutan ng mga nagtataasang puno ang buong building nakabuo ito ng isang pabilog na hugis kapag tumingin ka sa itaas. Sa sentro naman nito ay ang itim na itim na kalangitan na punong puno ng mga bituwin kasama ang maliwanang na buwan.
"Fullmoon ba ngayon?" Wala sa sariling na itanong nya habang hindi maalis ang ngiti sa labi.
"Hindi. Bukas pa ang kabilugan ng buwan." Tugon nito habang tahimik na pinagmasdan ang mga bituwin at buwan. Nang tumingin ito sa gawi nya ay hindi maisawang tuksuin sya nito. "Oyy, ngumiti sya!" Bigla namang na bura ang ngiti nya nang asarin nang kasama.
"Tss."
"He smiled! He smiled! He smiled!" Paulit ulit nitong sabi, habang may nanunuksong mata. Itina taas baba pa nito ang mga kilay nya.
"Jan ka na nga. May trabaho pa ko!" Paalam nya at humakbang paalis hanggang sa tuluyan sya makabas ng building. Naiwan naman sa rooftop ang makulit na babaeng nag ngangalang Uno.
******
😫

BINABASA MO ANG
DATE UNDER THE MOONLIGHT
RandomDATE UNDER THE MOON LIGHT By: WithOutARose There it is. Ang huling susi. Natagpuan na nya ang susi. Her key to the golden gate, to the silver city. Ngunit nangyari ang hindi nya inaasahan. . . . "YOU'RE real right?" He asked. "I am." She replied wit...