PASILIP

2.6K 104 17
                                    

ALULONG
sa
LUMANG MANSION

LAKAS-LOOB niyang nilisan ang kinalakihang baryo upang maghanap ng mapapasukang trabaho. Nasa terminal na siya patungong Maynila nang matuklasang wala na sa loob ng kanyang bag ang supot na pinaglagyan ng pambili ng tiket. Naisip niyang sa lugar na lamang na iyon maghanap ng mapapasukan. Nagpalakad-lakad siya sa mga kalye, at kung saan abutan ng dilim ay doon na rin nagpapalipas ng magdamag. Nawawalan na siya ng pag-asa nang makita ang karatulang nakasabit sa poste ng isang malaking gate.

WANTED: KASAMBAHAY

Napalunok siya matapos hagurin ng tingin ang malaki at lumang bahay. Wala iyong pinagkaiba sa mga kwentong katatakutang nababasa niya sa komiks. Pumasok agad sa kanyang isip ang mga magulang at kapatid. Mamamatay sa gutom ang mga ito kung siya'y mag-aatubili. Muli niyang nilunok ang laway at saka diniinan ang doorbell.

"Tuloy ka, Ineng."

Nanigas siya sa kinatatayuan. Ang matandang babaeng nagsalita, nakalapit nang hindi niya nakita kung saan nagmula. At ang malaking gate, nakabukas na!

Alulong sa Lumang MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon