"Susuko na ba tayo?".
Nilalakasan ko ang sarili na sabihin ito sa kanya kahit na ang puso ko'y bumubulong na HINDI.
Napatingin siya sa mga mata ko nang marinig ito mula sakin.
"Bakit? Napapagod ka na?".
Inilayo ko ang aking paningin mula sa maamo nitong mga mata. At nagsalita muli siya.
"Athea, lumaban ka naman. Hindi lang ikaw tong nahihirapan. Nahihirapan rin ako pero gusto ko pa ring lumaban".Kinuha niya ang mukha ko na nakapako ang tingin sa malayo. He gently wipes all my tears running down on my face.
"Wag kang malungkot. Dahil mas nalulungkot ako. Wag kang umiyak dahil mas umiiyak ang puso ko. Lumaban ka at makikita mo, lumalaban rin ako".
He gives me a gentle kiss on my forehead.
Nakikita ko ang mga namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Nakikita ko ang lungkot na nakatago doon. Ayokong nakikita siyang ganito. Dinudurog ang puso ko tuwing nakikita siyang lumuluha.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
Художественная прозаSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...